Vixen Twenty: The Sudden Attack!

3.2K 107 2
                                    

Lei's POV:




Tahimik lang naming binabagtas ang daan patungo sa condo ko. Hindi ko na rin siya kinausap matapos kong ibigay ang address ko sa kanya. Inaantok na naman kasi ako at kapag hindi ko na talaga ito mapipigilan siguradong bagsak mga talukap ko nito na ayokong mangyari.


Nawawala kasi ako sa mood kapag ganitong inaantok ako, lumalabas ang other side ko.

Binaling ko ang paningin sa labas ng bintana at pilit na nililibang ang sarili. Ayoko kasing matulog ulit dito sa sasakyan at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko kapag ginising ako ulit nitong katabi ko na seryuso lang na nagmamaneho. Mabuti nga kanina ay half asleep lang ako kaya naramdaman ko ang paghinto nito ng sasakyan dahil kung hindi baka nabalian ko nang wala sa oras ito.


Oh, wag nang magtaka, talagang nagiging brutal ako pag naisturbo sa pagtulog. Kahit sino naman siguro hindi ba?


Hindi sinasadyang napatingin ako sa rear view mirror ng kotse ni Rude at ganun na lang ang pagkunot ng noo ko nang mapansin ang isang sasakyan. Nakita ko rin ito sa parking lot kanina sa condo ni Rude ah, o kapareha lang?


Pinasingkit ko ang mga mata ko para maklaro ang plate number nito at hindi nga ako nagkamali. Hindi ito kapareha nang nakita ko kanina kundi ito mismo iyon dahil sa magkatulad nilang plate number. Sinusundan ba kami nito? But why?



My eyes got widen when I realized something. Shit! Hindi nga imposible kung sinusundan nga kami nito. To the fact na isang hindi pangkaraniwang gangster itong kasama ko kaya hindi na nakakapagtakang kabuntot nito ang salitang trouble.


Nakumpirma ang mga hinala ko nang makitang bahagyang bumukas ang tinted na bintana ng kotseng iyon at mula roon ay nakita ko ang isang armalite na nilabas ng kung sino man ang nasa loob at itinutok iyon sa sinasakyan namin.



"Yuko!" sigaw ko kay Rude and maybe because of his reflexes ay agad din siyang napayuko nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril dahilan upang gumiwang-gewang ang takbo namin.



"Fuck!" he cursed saka may kinuha sa compartment nito. A hand gun. Pagkakuha nito ay agad siyang bumaling sa akin.


"You know how to drive?" he asked and I nodded.

"Good. You drive." sabi niya saka walang sabi-sabing hinila ako at pinaupo sa kandungan niya. Wtf.


Nang mahawakan ko na ang manebela ay bahagya niyang pinahiga ang upuang kinauupuan namin dahilan para lumuwag ang space rito sa driver seat. Hindi ko na lang pinansin kung gaano ka-awkward ang posisyon namin at nagpokus na lang ako sa pagmamaneho.



I saw him through my peripheral vision na binuksan ang bintana saka inilabas ang kamay na may hawak na baril at gumanti na rin sa pagpapaputok. I heaved a sighed, kung hindi lang talaga ako immune sa ganitong sitwasyon malamang kanina pa ako nag freak out but thanks to my passion at naging isa ang trouble sa pinili nitong maging hilig ko.



Sumulyap ako sa rear view mirror ng magsimulang magpalitan ng mga bala ng baril ang mga ito. Okay na sana eh, dahil nawalan ng direksyon ang itim na kotseng humahabol sa amin dahil ang mga gulong nito ang pinuntirya ni Rude pero lintek lang talaga!


Bigla ba namang may nagsulputang tatlong riding in tandem. Alam niyo naman na siguro ang itsura niyon di ba, so need for description.


Yung dalawa ay nasa magkabila namin samantalang yung isa ay nasa likod at pinapaulanan kami ng mga bala. Mabuti na lang talaga at bulletproof pala itong kotse ni Rude.


Wala kaming kasabay na motorista sa way na ito kaya malaya nilang nagagawa ang nais nilang gawin ng walang sagabal. Napagiwang-gewang ang pagtakbo ng sasakyan namin nang pumutok ang isang gulong sa likod.


"Fuck it!"

"Shit!"

Hindi ko na lang pinansin ang nasa likod kong kanina pa panay ang mura. Abala siya sa paglo-load ng bala sa baril niya nang bigla akong napapreno.



"Damn!" mura ko na rin, may isang itim na van kasi ang biglang humarang sa amin.


"Shit! Fuck! Damn it!" napalingon ako nang wala sa oras sa likod ko nang sunod-sunod na ang pagmumura nito.

"Aish! Will you stop cussing!" irita kong puna sa kanya. Kasi naman eh, nahahawa ako.


He didn't say anything saka para lang akong bola na binuhat at ibinalik sa shotgun seat. Seriously? Ganun na ba ako kagaan?


"You stay here." napatingin naman ako sa kanya na mabilis ang galaw na hinahanda ang mga weapon. Shuriken, dagger and a hand gun. Hindi rin siya ready eh no.


Muli akong tumingin sa harap saka agad bumaling kay Rude at mabilis na pinigilan ito nang akma na sana siyang lalabas.


"What?" asik niya. "Stop being stubborn, nerd. Not now."


Umiling ako. "No, its just that. Look." sabay turo ko sa harap. May bigla na naman kasing sumulpot na panibagong grupo na kasalukuyan nang nakikipaglaban doon sa mga humahabol sa amin. Uso yata ang mga mushrooms ngayon?


Napansin ko naman ang pagkunot ng noo nitong katabi ko. "Do you know them?" I asked at agad naman siyang umiling.


"No and never saw them before." mukha ngang hindi niya kilala ang mga bagong dating dahil bakas sa mukha nito ang pagtataka.



Bumaling na lang ulit ako sa mga naglalabang mga lalaki sa harap at naagaw ang atensyon ko nang may makita akong tattoo sa mga wrist ng mga bagong dumating. From the color to the style, parehong-pareho sila. Are they some kind of an org members? I guess so.




It's a bloody crescent moon na may background na orange flames. Curiosity is now striking on my whole being.


Why are they doing such things? It's seem like they're protecting us or not?













Third Knights Member's POV:



Naalarma ako nang biglang tumunog ang gadget na nagmomonitor sa mga kilos NIYA. Well, not literally. It's just that, sinasabi lang ng gadget na ito kung kailan nasa panganib SIYA at kailangang iligtas. And I think, ngayon ang oras na iyon.


'The next queen is in danger...'

'The next queen is in danger...'


Paulit-ulit lang itong nag-iingay at alam kung natanggap na rin ng iba ang alarm na iyon kaya sinimulan ko nang i-track ang lokasyon na kinaroroonan niya.

"Where?" tanong agad ng bagong  pumasok. Bumaling ako sa kanya at tinuri ang monitor ng computer ko kung saan makikita sa screen ang kinaroroonan NIYA.


The violet dots which symbolized na sa KANYA ang presensyang iyon are moving fast kaya masasabi kong nasa isa siyang sasakyan.


Agad niya itong tinignan kasabay niyon ang pagpasok ng iba pa.


"Let's go," he commanded.


Pagdating talaga sa KANYA ay napakaseryuso nito. Well, mahal niya eh, what do you expect?


Sumunod na kami rito at agad tinungo ang kinaroroonan NIYA. Ito yata ang unang pagkakataon na ililigtas namin SIYA.


Hmmm.. Ano kaya ang magiging reaksyon NIYA kapag nakita niya kami?









_____________________________________________________________________________


-typos&errors

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now