Vixen Fourteen: That fuschia eyes

3.4K 115 1
                                    


Lei's POV:





  Damn! Shit! Freaking hell! Nakakainis talaga ang lokong iyon kahit kailan. Sabi na kasing takpan niya yung mukha niya eh. Ayan tuloy dinumog pati ako nadamay. Tsk!



   Oh, wanna know what's goin' on. Ito lang naman, nag-aya lang naman ang lokong iyon na walang iba kundi si Renj, ang maharot kung pinsan na gumala muna kami bago tumuloy ng uwi sa condo at ako naman itong isa't kalahating shunga, payag agad and the worst thing is nakalimutan ko pa ang mahiwagang salamin ko. Kaya ang ending, isang dyosa ang lumabas ng mansyon. Kidding aside, ayun sinabi ko kay Renj na balikan muna namin yun pero ayun ang sabi niya hayaan na lang daw. E di hayaan. Psh.



   Dahil nga akala ko ayos lang, but the hell... Akala lang pala iyon dahil pagpasok na pagpasok pa lang namin sa mall na napili namin ay dinumog na agad ang lokong iyon at doon ko lang din nalaman na kabilang pala sa isang sikat na boyband and loko. And the rest is history.


    Bahala na siya kung paano niya tatakasan ang mga fans at media roon. Opo. May mga reporter, grabe! Pati ako hinabol at kung anu-anong kahunghungan ang mga binabatong tanong nila sa akin.


  Kaya ito ako ngayon, napadpad sa hindi ko alam kung anong lugar itong kinaroroonan ko. Mabuti na lang talaga at nakahablot ako ng cap at facemask sa isang stall doon nang magkagulo, kaya madali akong nakawala sa mga humahabol sa akin. Hoooh!



   Saklap dude, hagardous na si aketch.


   Nilibot ko ang mga mata ko sa kinaroroonan ko at doon ko lang nalaman na nasa isang bakanteng iskinita pala ako at tanaw mula sa kinaroroonan ko ang isang gusali na parang inabandona na.



   Hindi ko alam kung saang banda ito ng kamaynilaan, mabuti na lang at naimbento ang gps kaya agad kong tinignan ang cellphone ko and luckily malapit lang pala ito sa condo ko, hindi lang halata dahil na rin sa itsura ng lugar. I decided to leave the place pero bago ako tuluyang  nakaalis sa lugar na iyon ay isang pagsabog ang nagpahinto sa akin, na sa tingin ko ay doon nagmula sa abandonadong gusali na iyon.




   Walang pag-iisip na tinungo ko ang gusali na ngayon ay may bahagi na nito ang napapalibutan ng itim na usok.



   Now, what's happening? Anong meron sa lugar na ito. Dahil sa kuryusidad ay hindi na ako nagdalawang isip na pumasok at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang isang bala ng baril ang sumalubong sa akin. Shit! Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kundi ewan ko na lang. I sighed heavily. That was close.



  Agad akong napatago sa isang pader nang magsunod-sunod na ang putukan. Sinubukan kong silipin ang loob at ganun na lang ang pagkagulat ko sa nakita. Damn. Ilang beses na ba akong nagulat sa araw na ito?



  Pero seryuso, anong meron dito? Hostage taking? Kidnapping? Andami kasing mga bata sa loob na pawang nakatali, siguro mahigit sa sampu?



   Ibinaling ko naman ang paningin ko sa mga lalaki na nagpapalitan nang bala ng baril kanina na ngayon ay hand to hand combat na ang laban.



   Habang pinapasadahan ko sila ng tingin ay pansin ko ang mga polidong galaw ng grupong parang mga ninja dahil na rin sa mga ayos nila na balot ang buong katawan, kahit na ang mga mata ng mga ito ay may takip din kumpara sa kalaban  nila na mga simpleng leather jacket at maong na pantalon lang ang suot.



   "Release them all!" rinig kong sabi ng isa sa nakaninja outfit.


    "Not gonna happen."


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें