Vixen Eleven: Escaping while Saving

3.4K 111 3
                                    

Lei's POV:



Know what? Marathon ang drama ko ngayon. Why? Obviously dude, may humahabol sa aking mga unknown creatures! Kanina pa itong mga to eh, ayaw talaga akong tantanan. I sighed.


Wondering who's chasing me and why they're chasing me?


It's because I'm gorgeous and awesome! Okay. Sabi ko nga, wala talaga akong talent magpatawa.


Pero yung seryuso? Dumaan lang naman ako sa kuta raw nila and they said na wala daw'ng nakakalabas dito ng buhay! Dahil wala daw silang hinahayaan na sinumang trespasser na makaligtas dito. Psh! Mga kalokohan nila.


Kaya 'eto ako ngayon, takbo nang takbo. Wala ako sa mood makipagbangasan. Tsk. I just don't wanna waste my precious time on a bunch of weaklings at isa pa I'm already out of time! May race pa akong dapat puntahan at kanina pa ring nang ring ang phone ko na I'm sure as hell na si Liam ang tumatawag.


Aish! I really need to get rid of them and get out of this effin place.


Nag umpisa na rin akong pagpawisan, ikaw ba naman almost an hour nang tumatakbo, tingnan natin kong hindi tatagaktak ang mga pawis mo.



Napahinto ako sa pagtakbo nang sa pagliko ko sa isang kanto ay may nakita akong mga men in black. Kung ang humahabol sa akin mukhang mga cannibal, ito namang nakaitim mukhang mga pro. Professional killers!








Rude's POV:


"WHAT THE HELL! Anong nawawala ang kambal!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si ate pala na bakas sa mukha ang sorbrang pag aalala. At ano raw?


"What happen?" I butt in.


"The twins are missing, lil' bro.''


"How come? Di ba mahigpit ang pagbabantay sa kanila?"


Tumango ito bago nagsalita uli. "The twins bodyguard has been beaten up at hanggang ngayon wala pa kaming ideya kung sino ang kumuha sa kambal , it's been three hours ago since we found the guard's unconscious body!" naghehestirekal na ito.


"Hon, calm down, kumikilos na ang mga tauhan natin para hanapin ang dalawa." pagpapakalma ni Kuya Leo sa asawa nito.


Well, hindi ko siya masisisi, they're her kids after all. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa and dialled the gang's number. I think I need to help them find my niece and nephew.


It tooks three rings before someone answered it. Inunahan ko na itong magsalita. "I need your help. The twins had been kidnapped." and end the line. They already know what to do.








Lei's POV:




"AYUN siya!" agad akong napalingon sa sumigaw, na ngayon ay papunta na sa kinaroroonan ko. Aish! Bahala na nga. Tinakbo ko ang kinaroroonan ng mga nakaitim na suit na mga lalaki at dinagit ang dapat dagatin. Haha. Watta term. Dagit. Para naman akong isang lawin sa lagay na ito. Napailing na lang ako. Nakuha ko pa talagang magloko sa sitwasyong ko ngayon na lalo ko pang pinalala dahil sa pakikialam ko sa bagay na labas naman sana ako.



Takbo lang ako nang takbo habang hatak-hatak ang dalawang bubwit hanggang sa nakakita ako ng isang kubo, kaya agad akong pumasok doon, hila-hila pa rin ang dalawa at kung sinuswerte ka nga naman. May basement at nakabukas ito. Kahit na weird ay walang pagdadalawang isip na pumasok ako roon at agad na sinirado ang pinto saka siniguro ring nakalocked ito.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon