Vixen Forty: Kidnapped

2.7K 103 2
                                    


Yushi's POV:



Napalingon ako sa pintuan ng clinic nang bigla itong bumukas. Mula roon ay pumasok ang apat na pamilyar na lalaki.


"Where's Harry?" tanong kaagad ng isa sa kanila. At first ay hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin but suddenly, bigla kong naalala ang tawag no'ng mga lalaking tumulong sa akin sa pagdala no'ng lalaking nakita ko sa pathway kanina. He must be the Harry this guy pertaining to? Kaya wala sa sariling itinuro ko sa kanila ang bed na kinahihigaan no'ng lalaki.




Agad naman silang lumapit dito at tiningnan ito.


"What happen to him?" malamig na tanong no'ng isa.


"Ahm.. Nasaksak?" alanganin kong sagot.



"Hey.. Wait a minute. 'Di ba ikaw iyong babae sa Black Kingdom?" oh yes.. Kaya pala pamilyar sila. Sila pala iyong mga lalaking trinispasingan ko raw sa kanilang mahiwagang pwesto. "Yeah, I guess. So ano ngayon?"


"Wala lang, dito ka rin pala nag-aaral." kibit-balikat nitong sagot.



"Yeah, actually kaka-transfered ko lang eh, tapos iyong sugatang lalaki kaagad ang bumungad sa akin, gandang pang-welcome ano.." sarcastic kong tugon dito.


"Nakita mo ba kung sino ang may gawa nito sa kanya at iyong babaeng kasama niya?"


"Hindi, nakita ko lang siya sa isang pathway na wala nang malay at sakto namang napagawi roon sina kuyang naka-suit, ayon.. sila ang bumuhat sa lalaki papunta rito." sagot ko.


"How about the girl?"


I shrugged. "Wala akong nakitang babae, ito lang ang nakita ko malapit sa kung saan nakahandusay iyang kaibigan niyo." sabi ko sabay pakita sa kanila sa isang backpack na kulay itim at may lining na kulay violet.


"That's Mine's bag." wika no'ng isang may scary na aura at kaagad kinuha ang bag sa kamay ko.


"Sayo iyan?" gulat kong tanong, pambabae kasi ang design ng bag eh.


"No, what I mean is, it's Lei's bag."


"Lei?"


"His girlfriend's name." sabat no'ng isa na kanina pa tahimik.

"Oh.."


"By the way, I'm Evan. Siya si Alex, Carl at si Rude, ang leader namin." isa-isang tinuro ni Evan ang mga kasama niya. "At iyong dinala mo rito ay si Harry." dagdag pa niya.


Tumango na lang ako. So, Carl pala ang pangalan no'ng laging nagtatanong kanina while Rude naman iyong scary, no wonder kung bakit ganoon na lang ang aura, leader pala. "Ako naman si Yushi." pakilala ko rin.


"Salamat sa pagdala kay Harry dito, Yushi." I just smiled at Carl as a response.


"Hmmm..."


Sabay-sabay kaming napalingon kay Harry nang umungol ito.


"You're awake dude." turan ni Carl.


"Si Lei! Awww.." daing ni Harry nang bigla siyang bumangon.


"Don't move a muscle Harry." seryusong sabi ni Rude.


Yumuko si Harry. "I'm sorry. Hindi ko naprotektahan si Lei." hinging paumanhin nito.


"Just tell us what happened."






Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now