Vixen Sixteen: Fiercy Nerdy

3.1K 110 1
                                    

Lei's POV:




"Tara Lei, sabay na tayong mag-lunch." aya sa akin ni Khera na tinanguan ko lang. Pagdating namin sa caf ay agad ako nitong tinanong kung anong gusto ko pero umiling lang ako.


"May baon akong pagkain, yung sa inyo na lang ni Kris ang bilhin niyo. Maghahanap na lang ako ng mauupuan natin."


"Okay, come on Kris."



Tumungo ako sa isang pangwaluhang mesa na nasa bandang sulok ng caf at doon naupo. Habang hinihintay sina Khera ay nilabas ko ang pabaon ni Renj sa akin at ganun na lang ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ko nang makitang adobong sitaw ang nasa loob ng lunchbox. He really knows my favorites.


Titikim na sana ako nang may mapansin akong tao sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin dahilan para mapasimangot ako.


"Oh, poor nerd. Wala ka na bang pera at nagbabaon ka na lang ng basura?" hindi ba talaga ako titigilan ng mga bruhildang ito?


Masyado akong nasiyahan sa pagkaing nasa harapan ko kaya hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang sa kaka-unga dahil ayaw kong masira ang maganda kong mood.


Susubo na sana ako pero ganun na lamang ang pagtaas ng lahat ng dugo ko nang walang pakundangan nilang tinapon sa sahig ang pagkain ko. My foods!
Talagang sinusubukan ng mga bruhildang ito ang pasensya ko ah!


"Don't you ever dare ignore my presence, freak!" freak huh.


I glared at her. Pakialaman mo na ang lahat sa akin, wag lang ang pagkain ko. Pinaghirapan pa iyang ihanda ni Renj para sa akin. Damn it!


Tumayo ako at pinantayan ang mukha nito wearing my pokerface and cold eyes. Pansin ko ang bahagyang pag-atras ng mga minions ng bruhildang ito na kahit pangalan ay hindi ko alam. Tsk!



"What. Do. You. Want?" I asked coldly while sternly looking at her dahilan para maaninag ko sa mukha ang takot na sumalakay dito at ang paglunok nito nang sunod-sunod na pilit naman niyang tinatago at ipinakitang hindi apektado. I smirked. Acting brave eh. Hmmm, now let see what you really got.



You messed up with me? Then better prepare to face the consequences.


"Y-you!" my right brows raised. Me?

"Yeah. me..." I mocked.

"Ughhh!" umigkas ang kamay nito na parang sasampalin ako kaya bago pa ito dumapo sa makinis kong pisngi, sinalo ko na ito at hinawakan ng mahigpit.

"Wala akong ginawa sa 'yo and yet you keep on bothering me, now take the consequences."


"O-ouch! L-let me g-go..."


"Now you're stammering eh, nasaan na ang tapang mo kanina huh?" sabi ko at hinigpitan pa lalo ang pagkahawak ko sa wrist niya saka bahagya itong inikot dahilan para mapangiwi ito.


"Anong nangyayari rito?" anang boses sa likod ko. Bahagya ko itong nilingon at nakita ko ang limang lalaki. Wanton Clique. Tsk. Opo, kilala ko na sila. Wala eh, na-curious ako kung bakit maraming takot sa kanila and at the same time humahanga. Kaya ayun, I did some researched about them at doon ko nalaman kung anong koneksiyon nila sa school na ito.


Kapansin-pansin din ang masyadong pagiging secured ng impormasyon tungkol sa kanila, napakatago ng mga ito at tanging basic lamang ang nalaman ko. Well, kaya ko namang i-hack ang data base at system ng kinaroroonan ng mga confidential files nila pero para saan pa. I don't care about their effin lives.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon