Vixen Forty-five: Double Kill

2.6K 102 1
                                    

Lei's POV:


Sabay kaming pumasok ni Kuya Dark sa mansion pagdating namin. Ibinalewala ko na lang muna ang nakita ko kanina sa parking lot at ipinukos ang atensyon ko sa kung among meron dito sa bahay.


Pagkapasok namin ay ramdam ko ang mabigat na ambiance ng buong mansion na para bang nagluluksa ito? What the hell is going on, really?


"Butler Rio..." sambit ni Kuya na nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.


"Nasa library po sila youngmaster," sabi ni Butler Rio. "Nice to see you here again younglady..." kapagkuwan ay baling niya sa akin sa hindi kasiglahang boses. Alanganing tango lang ang naitugon ko sa kanya kahit na marami akong gustong itanong but I just can't find the right words to ask.


"Let's go, Lighty..." turan ni Kuya saka ako hinila papuntang library, I guess? At wala akong nagawa kundi ang magpatianod na lang. I am still confused.


Ganoon na lang ang pagkagulat ko sa nadatnan nang pagpasok namin sa library ay makita ko sina Tito Liro at ang asawa niyang si Tita Dexie, pati na rin sina Renj at ang mga magulang niya. Ano ba talaga ang nangyayari? Ako lang ba ang clueless dito?


"There you are, take your sits already kids," Dad said.


"What's going on?" hindi ko na mapigilang itanong.


"It's about Mom baby," Kuya Red replied.


"What about Mom? Nakita na ba siya?"


"Yeah."


"Then where is she?"


"Iyon nga baby, Mom is--"


"King Grey!" tawag nang biglang pumasok sa library kay Dad dahilan para maputol ang kung anuman ang sasabihin sana ni Kuya Red.


"What it is, Cedrick?" tanong ni Dad sa lalaki.


"We found it there, King." makahulugan na turan ni Cedrick habang iniabot kay Dad ang isang disk.


"Anong meron diyan?" sabat ni Tito Liro, he's Dad twin brother by the way.


"Nandyan po ang lahat ng ginawa nila kay Queen Summer, King. Hindi po namin alam kung sinadya ba nilang iwan iyan doon para makita natin o sadyang naiwanan lang nila," pahayag ni Cedrick.


Ako naman ay mas lalong naguguluhan sa pinag-uusapan nila, I can't really get into their conversation.


Matamang tinitigan muna ni Daddy ang disk bago ito muling bumaling kay Cedrick. "Play it." seryusong utos ni Daddy at muling iniabot kay Cedrick ang disk na agad namang sinunod ng huli.



Kahit na naguguluhan ay hindi na ako sumabat sa kanila at sinundan na lang ng tingin ang mga galaw ni Cedrick habang isinasalang ang disk na dala nito.


Ganoon na lang ang pagkagimbal ko nang mag-flashed sa screen ang mukha ni Mommy na puno ng pasa. What the fuck!


At ang sumunod na nangyari ang hindi na kinaya ng sistema ko!


"No!" kasabay nang pagsigaw ko, ang pagbato ko sa wide screen ng unang bagay na nadampot ko, and unfortunately, ang mini table iyon ni Daddy.


"Light!"


Sabay-sabay nilang sigaw nang hindi ko na mapigilan ang sarili kong ibato sa screen ang lahat ng mga bagay na nahahawakan at nadadampot ng mga kamay ko hangga't kaya ko itong buhatin. They tried to stop me but they can't get near to me.


"No! Hindi iyan totoo! That video is fake!" histerikal kong hiyaw habang patuloy pa rin sa pagwawala, pagkatapos ay gulong-gulo ang library na linisan ko ito kasabay nang masaganang pag-agos ng mga luha ko.






Calvin's POV:



Ilang sandali pa ang lumipas bago kami makahuma sa biglang pagwawala ni Light. Napakagulo na ng buong library, basag ang lahat ng mga babasaging bagay dito, kasama ang mga figurine at vase ni Dad, nagkalat din ang mga libro at papeles. Talagang walang pinalagpas si Light.


Lahat kami ay bakas sa mga mukha ang pagkagulat sa ipinakitang lakas ni Light. Nagawa niya talagang buhatin at ibato ang isang bakal na upuan! And her eyes, it's changing its color, from fuschia, it became a dark violet with a shade of blue. Is that even possible? She really looked in raged a while ago at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita namin siya na ganoon, the jolly side of her are totally gone.


I decided na sundan si Light, sa kwarto na nito ako dumiretso dahil alam kong doon talaga ito patungo. Iniwanan ko sila Daddy sa library na bakas pa rin sa mga mukha nila ang hindi makapaniwala.


Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Light ay kakatok na sana ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa loob ng kwarto niya kasunod nang pagsisigaw niya.


Shit! Nagwawala na naman siya! Pinihit ko ang doorknob para buksan ang pinto but fuck! Naka-locked ito, pero imbes na kunin pa ang susi ay pinili ko na lang na sirain ang pinto at baka kung ano pa ang maisipang gawin ni Light sa sarili niya.


"AHHHHH!"


Napatakip ako ng dalawang tenga nang pagkasira ko ng pinto ay ang napakalakas na tili ni Light ang sumalubong sa akin. Nakasalampak siya sa sahig na puno ng kalat at basag na salamin. Sira na rin ang ilan sa mga gamit niya.


"Lighty baby..." I muttered.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Damn.. This is not my Lighty I used to know, she really looks so vulnerable.


Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likoduran. Ganoon na lang ang pagtiim ng mga bagang ko nang makitang nagdurugo ang mga kamay niya.


"Stop hurting yourself Lighty baby, please..."

"T-those video a-are fake, r-right?" she asked in a cracked voice, "P-please.. K-kuya Dark, T-tell me... H-hindi totoo iyong n-nakita ko 'd-di ba... Hindi nila p-pinagtulungan si M-mommy, na h-hindi nila siya p-pinagsawaan.. K-kuya.., joke lang iyong n-nasa video 'di ba? H-hindi pa patay si Mommy 'di ba? B-buhay pa siya, 'di ba? H-hindi nila ginahasa si Mommy 'di ba? Nandito pa si Mommy... joke lang ang lahat ng iyon 'di ba kuya, answer me, please... K-kuya Dark..."


Humigpit ang yakap ko kay Light nang maramdaman ko sa mga kamay ko ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya. Napapikit ako nang hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mga luhang dumaloy sa magkabila kong mga pisngi.


"S-stop it, Lighty.. Mom is gone, w-we need to accept it," bulong ko sa tenga niya.


"No! Hindi yan totoo! Ayoko!" sigaw niya kasabay ng pagkalas niya mula sa pagkakayakap ko at patakbong tumungo sa banyo niya.


"Lighty!"

"Leave me alone!"


_______________________________________________________________________________

Okrayt.. sabi ko nga failed ang pagpapaiyak ko😩
Kaya ako na lang ang iiyak..huhu😭😭😭

Anyway, stay tune dude.😉
Abangan kung paano maghiganti ang isang Light Violet 'Lei' Kirchhoff😎

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now