Vixen Seventy-five

2.7K 82 2
                                    

Carl's POV:

Lahat kami ay nagtaka nang pumasok si Rude sa suite namin na madilim ang aura. Anong problema niya? Si Lei na naman kaya?

Kanina rin sa race niya, para siyang wala sa sarili habang nagmamaneho kaya naman ay hindi niya namalayan ang mga obstacle sa tinatahak nilang daan. Sa huli, he only got the third place, a very unusual act of Rude, I can say.

Kinuha niya lang ang leather jacket niya saka muling lumabas kaya naman ay napagpasyahan kong sundan siya, baka kung ano pang gawin nito at magkagulo, mahirap na.

Habang tahimik kong sinusundan si Rude palabas ng hotel ay napansin ko si Lei na mag-isang naglalakad sa dalampasigan. Sinulyapan ko muna ang papalayong bulto ni Rude saka ko nilapitan si Lei. Baka may alam siya kung bakit nagkaganun ang leader namin.

"Lei..." agaw ko sa pansin niya at kaagad naman siyang lumingon sa gawi ko.

"I don't know.." biglang kumunot ang noo ko sa tinuran niya.

"Huh?"

Napakurap-kurap siya. "Ah.. Your saying?"

Lihim akong napailing. Halatang wala rin sa sarili niya si Lei. "Itatanong ko lang sana kung may alam ka ba sa inaasta ni Rude?" there, direct to the point.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

"He's acting stranges at sa pagkakaalam ko ay kayo ang huling magkasama kanina bago ang race niya. So, any idea?"

She shrugged. "You're wrong hindi ako ang huli niyang nakausap kundi ang ama niya."

"What? Paanong nakausap niya si Tito? By call?"

"I don't know. Ang alam ko lang ay pinatawag siya, atleast iyan ang dahilan niya sa akin bago niya ako iniwan sa dining. Anyway, where is he?"

Itinuro ko ang daang tinungo ni Rude kanina. "Over there.. Hindi ko nga lang alam kung lumayo pa ba siya."

"Okay. Pupuntahan ko siya." sabi niya saka ako tinalikuran. I sighed saka napagpasyahan kong bumalik na lang sa suite. Mabuti nga sigurong si Lei ang kumausap dito, baka sakaling mag-open up pa sa kanya si Rude. She's his girlfriend after all.


Rude's POV:

Damn! Ano ba kasing pumasok sa isip ni Dad at pati ako idanamay? Tsk. As if naman, papayag ako sa gusto nilang mangyari. Hell no!

"Anong drama mo ngayon?" napaigtad ako nang may biglang magsalita sa likuran ko. Paglingon ko rito ay nakahinga ako ng maluwag.

"Mine..." I whispered saka siya nilapitan at niyakap. Napangiti ako nang maramdaman kung gumanti rin siya ng yakap sa akin.

Getting married? Kung may pakakasalan man ako, iyon ay walang iba kundi itong babaeng kayakap ko. I swear to all the saints that I'm not gonna married any other woman out there but her. Only her. And that's a promise.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya ngunit hindi naman siya umalma. "Pakasal na kaya tayo?" bulong na tanong ko sa kanya.

"Nakadrugs ka ba?" imbes na sagutin ang tanong ko ay sinagot naman niya ako ng panibagong tanong.

"Anong nakadrugs?"

Kumalas siya mula sa pagkakayap sa akin saka humarap sa dagat. Nagkibit balikat lang siya. "Mukha ka kasing adik ngayon. Sabihin mo lang kong humihithit ka nang maipatokhang kita." sabi niya habang nakatalikod sa akin.

Lumapit ako sa kanya saka yinakap siya mula sa likod sabay bulong ko sa kanya, "Handa naman akong magpatokhang kahit na anong oras basta ba ikaw ang tutokhang sa akin."

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now