Vixen Twenty-Four

2.8K 101 0
                                    

Lei's POV:




Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.


"Ano ba?" asik ko.


"Anong ano ba. Hoy! Anong oras na oh. Tapos ikaw nakahilata pa rin dyan." sabi ng walanghiya.


Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa narinig at tinignan ang oras sa phone ko. Di kasi uso ang alarm clock dito, kawawa lang iyon sa akin kapag nagkataon.



"Ba't ngayon mo lang ako ginising?" tanong ko sa kanya nang makitang mag-aalas-onse na ng umaga. Huhu. Hindi na ako nakapasok sa morning class ko.


"So, ako pa ang may kasalanan ngayon?"



Napanguso na lang ako. "Kasi naman eh, manggigising ka lang din naman, sana inagahan mo na," turan ko rito.



"Para mabugbog ako ng wala sa oras? 'Wag na no." nakaismid niyang anas. "Maghanda ka na kaya nang may mapasukan ka pa."



"Oo na, ito na nga di ba. Psh!"



Tumungo na ako sa banyo at nag-ayos ng sarili pagkatapos ay agad na akong lumabas ng kwarto.



Tanging note na lang na nakadikit sa ref ang nakita ko paglabas ko at wala na si Renj. Nauna na raw siyang pumasok since magkaiba rin naman kami ng school na papasukan. I shrugged at kinain na lang ang pagkaing inihanda nito.



Simula ng dumating dito si Renj ay nagkaroon na ako ng instant cook eh. Well, hindi rin naman maitatangging masarap talaga itong magluto.



Pagdating ko sa school ay dumeritso na muna ako sa rooftop. Twelve noon pa lang kaya wala pang class, for sure nasa cafeteria pa ang karamihan sa mga studyante at 1:30 pa ang simula ng afternoon class ko kaya sa rooftop na muna ako magpapalipas ng oras. Sana nga lang ay wala nang isturbo gaya noong last time na pumunta ako roon.


Pagkarating ko ay agad akong humanap ng magandang pwesto at nang makakita ako ay inilabas ko ang sketch pad ko.



Yeah, arts are one of my passion na hindi rin alam ng pamilya ko. Natatawa nga ako sa twing naiisip ko na ang mahigpit na kakumpitensya ni mudra sa fashion industry ay ang sarili niyang anak.



Tie lang naman kami pagdating sa ranking everytime na may survey at dahil nangunguna si mudra sa fashion world, it also mean na nangunguna rin ako but no one knows na ako ang may-ari maliban na lang sa pinagkakatiwalaan ko, to be an eyes sa kompanya.




Napatigil ako sa ginagawa ko nang makaramdam ako ng kakaibang presensya sa bandang likuran ko. Pasimple ko itong nilingon at ganun na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita ang isang balot na balot na lalaki. I can say  that his a he dahil na rin sa body built niya but the question is, sino siya? At bakit parang may minamatyagan siya?



Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lalapit na sana rito nang may biglang humawak sa wrist ko at walang sabi-sabing kinaladkad ako nito.



Hindi ako nakapag-react kaagad dahil nasa taong iyon pa rin ang isip ko ngunit paglingon ko ulit sa kinaroroonan nito ay wala na ito roon.



Binalingan ko na lang ang taong ito na walang pakundangan akong kinaladkad and it's no other than him.



Ugh! He's dragging me again! Tsk!
















Rude's POV:



Nandito kami ngayon sa headquarter, dito na namin naisipang mag-lunch.



Pagkatapos kumain ay kanya-kanya na sila ng pinagkakaabalahan.


Si Evan, nagseselfie habang may lollipop sa bibig. Si Harry, as usual, may kalandian sa phone. Si Carl, ayun nagdodota at si Alex nasa harap ng mga monitor kung saan konektado ang lahat ng CCTV ng buong university dito. I asked him to find that nerd dahil hindi ko siya nakita sa classroom kanina.


Kailangan na naming pag-isipan iyong tungkol sa presentation namin dahil sa makalawa na pala gaganapin 'yong grand ball.



"Dude..." napalingon ako kay Alex. "There she is..." anas ulit niya habang nakaturo sa monitor.


"Where?"


"Rooftop. West wing."


Hindi ko na siya sinagot pa at lumabas na sa headquarter. Agad kong tinungo ang rooftop sa west wing and yeah, there she is. Nakatayo siya habang parang may tinatanaw.


Lumapit ako sa kanya at walang pasabing hinatak siya patungo sa music room.



"Ugh! Ano na naman ba!" asik niya pagkapasok namin sa loob ng music room saka pabalyang binawi ang wrist niya na hawak ko.


"We need to practice."


"Practice? Para saan?"


"For the upcoming grand ball."


"Oh, paki ko naman sa ball na iyan."


I glared at her. "Don't tell me, hindi mo alam?"


"Ang alin?"


Marahas akong napabuga ng hangin. "That's what yo--"


"Got for not attending classes. I know." putol niya sa akin.


I gave her a glared again. Ang babaeng ito, nakuha pang umismid. Damn. Pasalamat talaga siya at cu--Psh. What am I thinking? Nevermind.


"We're here to prepare and practice our fucking number." I said irritatedly.


"Na naman!"


Now, I gave her a death glares. "May reklamo ka?"



"Sabi ko nga 'di ba, magpapractice na. Oh, anong gagawin natin?" biglang bawi niya sabay lapag ng bag niya sa isang upuan.


"Tss..."

________________________________________

Okrayt, short update for yah.
quite lame.

-typos&errors


FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now