Vixen Fifty: First Move

2.6K 88 1
                                    

Lei's POV:


"Ayon siya." kaagad na turo ni Elvin, ang pangalan ng lalaking tumawag sa akin kanina, sa lalaking naghahamon daw sa akin pagdating namin sa field.


Pinasadahan ko nang tingin ang lalaking prente lang nakaupo habang may kaakbay na babaeng panay ang halik dito sa kung saan-saan. Gano'n na lang ang pagsalakay ng galit sa katauhan ko nang may makita akong hindi kaaya-ayang tanawin na nakaukit sa braso nito.


Naikuyom ko ang mga kamao ko sa nakita.
'Damon Skull, you'll gonna taste my own spice of hell soon,' I stated mentally.


The truth is, noong kinulong ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ko nang mahigit isang buwan, noong mga panahong iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang halungkatin at alamin ang lahat ng mga detalye at impormasyon tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkamatay ni Mommy.


Paulit-ulit kong pinanood ang video kung saan nila ipinapakita kung paano nila mulistiyahin ang katawan ni Mommy. Noong una, pangalawa, pangatlo na paulit-ulit kong pagpi-play sa video ay panay lang ang agos ng mga luha ko, hanggang sa kalaunan ay tuluyan na ngang naging manhid ang katauhan ko.


I'd checked every single details of the video, lahat ng mga bagay na nakikita ko roon ay niri-record ko, hanggang sa mapansin ko ang tattoo nila na magkakapareho. And that very moment, I knew, that they are not just a fucking shit.



And when I did a research about their tattoo, I've proved that my instinct was right all along. They are an organization, a yakuza clan called Damon Skull,  the same organization that have the symbol of skull and two crossed bones.


At ngayon, ang lalaking ito na tinititigan ko, ang lalaking naghahamon sa akin ng karera ay isang miyembro ng Damon Skull, I'm so sure of that.


But to bad for him. Dahil siya ang unang makakatikim ng galit ko. Siya ang unang makakasaksi kung paano maghiganti ang isang Vixen.


With that thought of mine, a devilish smirked appeared into my lips.






Damon's POV:
(Big boss of Damon Skull)


"Fuck! Sabi niyo ay napatay niyo na ang panganay ni Arfeudson?" malamig at dumagundong ang boses kong tanong sa mga tauhan ko sa loob ng opisina ko.


"Sigurado po boss, kinunan pa nga namin ng mga larawan at video ang ginawa namin sa kanya. Sa sinapit niya sa mga kamay namin, siguradong hindi na siya mabubuhay." nakangising turan ng isa sa nakatuka sa iniutos kong pagpatay kay Ayana Rhena Arfeudson-Aragon, ang panganay na anak ni Hernel Arfeudson at Cassilyn Arfeudson.



"Really? Eh sino itong nasa cover ng magazine na ito na kakalabas palang huh!" bulyaw ko rito.


"Impossible boss, baka nakunan na iyan noong hindi pa namin siya nakuha," katwiran pa nito.


"Talaga lang huh, now let see." turan ko kasabay nang pagbukas ko sa tv at inilagay sa channel kung saan sinasabing may live press-con ang babaeng iyon.


Gano'n na lang ang panggagalaiti ko nang sa pagbukas ng channel ay pagmumukha ng babaeng iyon ang agad na bumungad sa screen.


"Ano iyan? 'Yan ba ang patay sa inyo huh!" galit kong bulyaw kasabay ng pagpukpok ko sa lamesa ko.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now