Vixen Five: The Leader

3.6K 129 6
                                    


Rude's POV:



Another boring day. Tsk.


"Here's your order, sir. Enjoy." nilapag nito ang order ko. Andito ako sa isang caffe, having a breakfast. It's weekend kaya walang pasok. Busy ako sa pagkain when a familiar nerd caught my attention. Wait, saan ko nga ba siya nakita?



Oh, yes. Siya yung nerd sa footage na tinignan nina Sheena noong isang araw. She ordered at sa mismong counter na ito naghintay, halatang kakilala niya yung cashier.



"Sabi ko na nga ba, dito ka lang namin makikita eh." nilingon ko ang nagsalita. It's Carl with the others.


"What are you doing here?"


"Following the leader," Evan exclaimed.



"Tsk."


"Uy! Si cutie nerd yan di ba?" tinuro pa ni Evan ang kinaroroonan ni nerd na nakikipag usap pa rin sa kahera, lumingon naman dito ang iba at tumango.


"Wai----" naudlot ang kung anumang sasabihin sana ni Harry ng may nagsipasukang mga armadong lalaki at kanya-kanyang tutok ng mga armas nila sa aming mga customer at ang dalawa sa kanila ay lumapit sa counter.


"WALANG KIKILOS NG MASAMA KUNG AYAW NIYONG MASAKTAN!"


Psh. Watta line. Nagkakagulo na rito sa loob ng caffe, nagpapanic na ang mga nagkakape, pati na rin yung ibang empleyado.

Kanya-kanya namang pwesto ang mga goons ngunit gayunpaman ay kapansin- pansin ang pagiging kalmado ni nerd na andun pa rin sa counter at nakatingin lang sa dalawang armadong lalaki na nasa harap na nila ng cashier.



" ILABAS ANG PERA! LAHAT!" sigaw na utos ng isa sa mga goons kina nerd.

Hinagod ito ng tingin ni nerd mula ulo hanggang paa, then mula paa pabalik sa ulo saka ito nagsalita.


"Kuya Taba, ano na pong oras ngayon?" napakunot ang noo ko. Nagawa niya pang magtanong? Hindi ba siya natatakot? To think na may nakatutok na baril sa kanila tapos siya ay kalmado lang na nakapangalumbaba sa counter?


"Pasado alas siyete ng umaga, bakit?" what the hell.


"Exactly, Kuya! Magkano sa tingin mo ang kita ngayon ng isang simpleng caffe sa ganito kaagang oras, to think na bilang lang sa daliri't paa ang mga nagiging customer and mind you kabubukas lang po ng cafe na ito." umiling-iling ito. "Gagawa lang din naman kayo ng krimen, sana naman siniguro niyong datong talaga ang makukuha niyo, hindi yung kakarampot lang." pambihira, nagawà pang magbigay ng advice.


Nagawi naman ang tingin ko sa mga nakaitim na mga lalaking tahimik na pumasok mula sa fire exit at kanya-kanyang punta sa likod ng mga goons na hindi ng mga ito namamalayan.



"Wal----" hindi natuloy ng goons na mukhang siya ang leader ng grupo nila, ang kung anumang sasabihin sana nito nang mawalan ito ng malay dahil sa ginawang paghatak ng isa sa mga lalaking nakaitim sa batok nito, ganun din ang ginawa ng iba pa sa mga goons na natira na ngayon ay hila-hila na ng mga ito.


Umayos na ng tayo si nerd at saka lumapit dun sa lalaking nakaleàther jacket na itim at tinapik ang balikat nito, then lumabas na ng caffe.

The guy turn his head back and forth then asked the cashier. "Wala namang nasaktan di ba?" wala naman sa sariling tumango lang ito.



"Andami niyang sinabi." she murmured pero rinig naman namin. The guy chuckled.


"Well, that's her, but only if the situation asked her, anyway.. Gotta go, kaya mo na naman dito di ba?" the cashier nodded.


"Thanks."


"Anytime. Dalhin na ang mga yan." baling nito sa mga kasama.


"Yes boss.." then they leave the place with the goons on their hands.



"What. A. Scene." Harry muttered


"Yeah." they all agreed.



Pagkaalis ng mga ito ay nawala ang tensyon na bumabalot sa loob ng caffe at bumalik na rin ang pagiging maaliwalas ng paligid. Umurder na rin sina Harry at ipinagpatuloy ko na ang naudlot kung pagkain.



"Any plan, dude?" Carl asked.


"About what?"


"About for today, any sched?"



"Nothing."


"B. K. tayo," Evan suggested.



'' Ano namang gagawin natin dun, walang fight," Carl hissed.


"Gecko Club House na lang tayo!" what do you expect? Its Harry the flirt ang nagsuggest.


"Sulohin mo, pinaglihi ka kasi sa tuko!" reklamo ni Evan.



"Hoy!  hindi ko na kasalanang masyado akong hot at gwapo." nakangising sagot ni Harry dito. Evan just pouted.


Isang isip-bata at isang malandi, ang hirap pagsamàhin.


"Where do you think, Alex?" Carl asked him.


"Racing Hell." simpleng sagot nito.


"May race? Anong oras?"


"Five. Sharp, this afternoon."


"Is there still a vacant slot?" I asked Alex.


"Dunno, lemme check," he said. Alex has a connection in Racing Hell, kaya madali lang sa kanya ang kumuha ng impormasyon. Ilang tap lang sa phone niya ang kanyang ginawa saka muling nag-angat ng mukha.


"There's still two, wanna join?"


"It's fine with me." I shrugged.


"Ayun!  Sasali si leader!" Evan exclaimed.


"Tss.''

______________________________

-Typos&errors


FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now