Vixen Fifty-seven: Knowing Her Alas!

2.6K 99 5
                                    

Carl's POV:




Pagdating namin sa caf ay bigla kaming natigilan sa nadatnan namin. Napakagulo na ng cafeteria at sa bandang kaliwa ay doon namin nakita ang isang babae na pinapalibutan ng mahigit sampung estudyante.


At gano'n na lang ang pagkagulat namin nang in just a snap ay sabay-sabay na bumulagta sa sahig ang mga nakapalibot sa kanya dahilan upang makita namin ng maayos ang kabuuan niya.


"Its Lei..." I heard Evan muttered. He's right, ang babaeng nakatayo ngayon sa bandang sulok ng caf ay walang iba kundi si Lei.


Medyo may kalayuan ang entrance ng caf sa kinaroroonan niya kaya siguro hindi niya kami napansin at wala ring ni isa sa amin ang nangahas na lumikha ng ingay. Nakamasid lang kami kay Lei habang pinapasadahan niya ng tingin ang mga nakabulagta sa sahig hanggang sa tumigil ang kanyang paningin sa isang lalaking nagpupumilit tumayo. Hanggang sa tuluyan nang makatayo ang lalaking iyon ay patuloy niya pa rin itong sinusundan ng tingin, pagkatayo ay bigla na lang kumaripas ng takbo ang lalaki kahit na paika-ika ito ngunit bago pa ito tuluyang makalabas ng caf ay may ibinato rito si Lei na nagpadaing dito ngunit gayunpaman ay patuloy pa rin ito sa pagtakbo hanggang sa makalayo na nga ito.


"Tsk! Pathetic!" Lei hissed saka marahas na tinanggal niya sa mukha ang suot na salamin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang hawak niyang latigo na may bahid na dugo. Yan ba ang ginamit niya kanina kaya't sabay-sabay na natumba ang nakapalibot sa kanya? I think so.


"You can come out now." Lei said na nagpataka sa amin. Sino ang tinutukoy niya? Kami ba? Bago pa kami makakomento ay may dalawang bata ang biglang lumabas mula sa ilalim ng lamesa kung saan malapit lang sa kinatatayuan ni Lei.


At ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makilala ang mga batang iyon. Its them!





Lei's POV:


Bago pa ako tuluyan mabugbog at magalusan ng mga gagong ito, pikit mata kong hinubad ang suot kong sinturon. Ito na lang ang tanging paraan ko upang mapadali ang kagaguhang ito.


Pagkahubad ko ay agad kong pinindot ang nag-iisang button na nasa dulo nito dahilan upang lumabas sa magkabilang edge ng sinturon ang manipis at napakatalas na blade. Ang blade nito ay nilagyan ko ng lason na siyang papatay sa mga matatamaan nito once na makapasok ang lasong iyon sa nerve cell nila. At ang time duration? It's just between 30s-1min, depende kung gaano kabilis makarating sa mga vital parts ng biktima ang lason.


Umayos ako ng tayo at doon ko lang napagtanto na pinapalibutan na pala nila ako, pero imbes na kabahan ay napangisi ako, the closer the easier to hit.


Kaya naman ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, I position myself saka mabilis na umikot habang pinapatama ko sa mga nakapalibot sa akin ang sinturon kong nagmistulang latigo. And in just a single moment, they're all down.


I harshly sighed kapagkuwan ay inilibot ko ang paningin when I feel a different kind of presence, pero bago pa mapunta sa gawi ng pinagmulan ng mga presensyang iyon ang mga mata ko, biglang naagaw ang atensyon ko nang may napansin akong isang lalaking nagpupumilit na tumayo. I smirked, akalain mo 'yon, buhay pa pala ang isang ito. When he successfully got his balance back, he immediately run his ass off, pero bago pa siya tuluyang màkalabas ng caf, ibinato ko sa kanya ang isang bagay na siyang magiging daan ko upang madali kong matunton ang kuta ng damonyong iyon.


Pagkatapos ay pinalabas ko na ang kambal mula sa pinagtataguan nila.


"Ate Li--"


"Oh my God!" sabay-sabay kaming napalingon ng kambal sa pinanggalingan ng boses, at doon bumungad sa amin ang limang lalaki at dalawang babae. So, it was them huh.





Sheena's POV:


Pagdating namin ni ate Ayana sa caf ay sabay kaming napasinghap sa nadatnan. Lots of unconscious body are scattered everywhere inside the caf!


"Oh my God!" hiyaw ni ate Ayana dahilan upang mapalingon sa gawi namin ang tatlong nanatiling nakatayo sa loob, at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala kung sino ang mga iyon.


"My babies!" ate Ayana exclaimed saka patakbong lumapit sa kinaroroonan ng kambal at ni Lei. Yes, sina Lei at ang kambal ang nandoon.


"Mommy!" kaagad namang sinalubong ni Kenyha si ate Ayana habang si Kenjhie naman ay nakasunod lang sa kapatid niya, samantalang si Lei ay nandoon pa rin sa kinatatayuan at nakatingin lamang sa mag-ina.


Nag-aalangan man ay lumapit pa rin ako kina ate Ayana at ramdam ko rin ang pagsunod nila Carl sa akin.

"What happened baby, are you both alright?" rinig kong tanong ni ate sa kambal.


"Yes po Mommy, we're fine, ate Light saved us again, right Kuya?" kaagad na sagot ni Kenyha na tinanguan lang ni Kenjhie. Pero sino si Light?


"Light?" kunot-noong turan ni ate.

"Yeah Mom, there she is." Kenjhie said sabay turo kay Lei na nagpataka sa akin, paanong naging Light ang Lei?

"Ikaw si Light? Ang laging bukam-bibig ni Kenyha na siyang nagligtas sa kanila noon?" tanong ni ate kay Lei.


"State the obvious, Mom?" Kenjhie asked or should I say, stated boredly na ikinailing-iling ni ate.

"Sabi ko nga." sabi niya kapagkuwan ay lumapit kay Lei. "Thank you. Maraming salamat sa pagligtas sa mga anak ko. Noong una ay hindi namin nagawang magpasalamat dahil bigla ka na lang naw--"


"It was nothing. Nevermind it," putol ni Lei sa sasabihin pa sana ni ate.

"No. I want to mind it, and I know thanking you is never be enough. Please, hayaan mo ang pamilya naming pasalamatan ka sa paraang alam namin."

"Whatever," Lei's stated in defeat.


"Hey! That's my line!" biglang singit ni Kenjhie sa kanila.

"Really?" nakataas ang kilay na baling ni Lei rito. Ngayon ko lang napansin na wala na palang suot na salamin si Lei at may mangilan-ngilan din siyang pasa sa pisngi at mga braso, idagdag pa ang mga mantsa ng dugo na dumikit sa uniform niya.


Teka lang, siya lang ba ang nagpatumba sa mga estudyanteng ito? I really wonder.

"Oh yeah!" muli akong napalingon kay Kenjhie nang tumaas ang boses nito habang nakikipagtalo kay Lei.

Nagkatinginan kaming lahat nila ate at Rude na bakas sa mga mukha namin ang pagkagulat. Ito kasi ang unang pagkakataon na tumaas ang boses at nakipagtalo ng ganito si Kenjhie. He never did that action before, he's a kind of kid na matured na mag-isip.


"Enough, kuya! I told you, 'wag mong awayin si ate Light ko, hmp!" Kenyha habang tinutulak palayo kay Lei ang kuya niya.

"Tsk! Whatever," Kenjhie hissed.

"Whatever my face," Lei's replied na parang nasisiyahan sa pakikipagsagutan kay Kenjhie.

"You--"

"Stop it, Kenjhie. That's enough." putol ni ate kay Kenjhie. "I'm sorry about that." baling ni ate kay Lei kapagkuwan na ikinibit-balikat lang ng huli.


"By the way, I'm Ayana. Ayana Rhena Aragon."

"You're who?"

______________________________

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now