7

1.7K 57 3
                                    

aɭҽk:

"Bakit po parang hindi po kayo masaya ngayon?"

Nginitian ko ang matandang nag salita na papalapit sa akin, may hawak na bag. "Manong Riko, ako na po dyan." Pilit kung kinuha kay manong ang bag na hawak niya.

"Hindi! Ikaw ang hari! Ako dapa-"

"Ganun po pala." Naka ngiti kong sabi.

"Oo."

"So... as your king inuutusan ko kayo na ibaba yan at ibigay sa akin." Halata naman na tutol si manong kaya nag salita ulit ako, "ako ang hari, ako masusunod, tama po diba?" Napahinga nalang si manong at binigay sa akin yung bag bago. "So saan po ba ito ilalagay?"

"Doon sa tambakan sa attic." Pumunta kami sa second floor kung saan mo makikita ang stairs papunta sa attic. Lahat ng mga tambak nandito mainly yung mga sira nang antiques.

"Dyan nyo nalang po ilagay yan." Binaba ko yung bag sa isang sulok bumaba na kami ulit. "Sige po, maygagawin pa ako." Nag bow siya at bumaba na sa second floor.

"Aleksander." Napatingin ako sa taong- I mean vampire na tumawag sa akin, uncle Seth.

"Uncle Seth, bakit po?"

"Bakit ba hindi tumatatak sa utak mo na ang mga mababa ang rango ay hindi pinapakitaan ng kabaitan?"

Hay naku, heto nanaman tayo. Ilang beses ko ba sasabihin na ayaw ko sa systema nayun? "Uncle that system is four thousands of years ago, 21st century na, that's so old school."

"Kahit ilan pang taon ang dumaan vampires will always be on top, always superior over humans and whatever species there is. You're a disgrace as a vampire, even worse, a king at that." Sabay layas.

Napahinga ako ng malalim, at napasandal sa pader. "A disgrace... heh, wala akong pake, I will be who I want, not who they want me to be, I am me, not them."

Napatingin ako sa labas ng mansion at natanaw ko agad ang S.K.Y Academy. Naalala ko naman yung bagong dating na si Roxanne. Ano kaya problema nung babaeng yun? Aaminin ko ang sakit nun, pero hindi na ako galit sa kanya, baka may nasabi ako na ikinainis niya, baka kasi king ako ng king sa kanya.

Pero yung babaeng yun napaka mysterious, ang tahimik niya, sobrang sungit at napaka brutal, pero kaninang umaga lang na kita ko siya na hawak-hawak ang petal nung bulaklak sa tapat ng greenhouse, nakangiti pa nga eh. Dapat lagi siyang naka ngiti, kasi lalo siyang gumaganda- ehem, ibig ko sabhin lalo siyang nag mu-mukang tao, oo tao... di tulad ko mukha lang pero hindi.

Sa lahat ng ayaw ko nag sisinungaling at may tinatago na sekreto sa iba at sa akin. Kaya it kills that I lie to everyone everyday.

"King Alek," humarap ako dun sa tumawag sa akin at nakita ko na naka bow siya, "kailangan na natin umalis."

"Right. Sige susunod na ako." Tumungo siya at nauna nang lumabas ng mansyon. If you're curious kung saan kami pupunta sa ganitong oras, well pupunta kami forest park mag hunt ng hayop. Hindi na ako umiinum ng dugo ng tao, dahil ayaw ko rin pumatay, no way.

Sumakay na ako sa black na Porsche na nag hihintay sa akin sabay drive off sa forest. Na nunuod ako sa labas ng may mahagilap ang mata ko na kotse, parang slow motion na kita ko ng maayos yung babaeng naka sakay sa back seat, si Roxanne.

Saan pupunta yun? 12 midnight na. Pa-uwi palang kaya siya?

Roxanne

"Roxanne saan ka ng galing?! Gabing-gabi na!"

"I went out with my friends." Yes friends.

Maaga naman natapos ang rank up, kaya nilibre ko muna yung tatlo, a celebration for doing a job well done and for being a team, a gang, for being Thorned Roses.

BiteWhere stories live. Discover now