16

1.1K 47 8
                                    

ɾɷҳaŋŋҽ:

AHHHHH!!!!

Monday nanaman! Ayaw ko na!

So the usual routine, alam niyo na yun, iisa-isahin ko pa ba sa inyo ginagawa ko, hindi na diba?

Anyway nung nakapag bihis na ako kinuha ko sa may sink yung bracelet ko na black ang band na may skull. Sinuot ko to like I always do everyday.

Pagbaba ko syempre nag breakfast, andun si mommy perk kulang kami, wala si dad.

"Mag ingat ka sa pag pasok." Naka ngiting sabi ni mommy bago ako hinalikan sa pisngi.

Tumungo ako at niyakap siya. Wala talaga si dad, akala ko naman late lang nagising. Kinaumagahan after that night na kinuwento sa akin  ni dad yun, hindi ko na siya nakita through out the whole day. "Mom, asaan si daddy?" Tanong ko ng mahina.

Napahinga si mommy, "busy siya anak." Nakangiting sabi ni mommy, pero halata ko na nag sisinungaling siya. She probably knows what's really going on.

"Sige po bye." Sumakay na ako sa kotse.

Haysst, Monday nanaman, classes nanaman, math nanaman. Nakakatamad! Nakasalpak sa tenga ko yung earplugs kaya hindi ko na namalayan na andito na pala ako sa school. Besides doon sa earplugs sa tenga iniisip ko si Crystal at kung anong nangyari nung araw na yun. Yung takot sa mukha niya, hindi siya takot sa akin,takot siya sa kung anong pwede niyang magawa, pero ano yun?

"Mam Roxanne." Tiningnan ko si manong at tinanggal yung earphones ko," andito na po tayo." Tumingin ako sa labas at andito na nga kami. Tumungo ako bago nag thank you at lumbas na ng kotse.

Habang naglalakad ako papuntang main building narinig ko yung familiar na boses nitong taong to.

"Roxanne!"

Napatigil ako at biglang naalala lahat ng nangyari nung isang araw. Humarap ako kay Crystal at pinilit ngumiti. "Hi.. Okay ka na ba?"

Tumungo siya, "yep." Nakangiti niyang sabi pero nawala rin yun agad at nagsalita siya ulit. "Ann.. usap muna tayo, yung tayo lang muna please?" Tumungo ako at sinundan siya sa greenhouse.

"Yung nangyari sa bahay ng uncle mo nung weekend, alan ko na naguguluhan ka.. Ann gusto ko sabihin para hindi ka na maguluhan kaso hindi pwede." Pag sabi niya ng naka tingin sa mga halaman.

Tumungo ako, "naiintindihan ko Crystal."

"Sorry.." Tiningnan niya ako sa mata, "pero kaya mo ba? Kaya mo bang maging kaibigan ako kahit na may tinatago ako sayo?"

Nginitian ko siya, "of course. Walang magbabago."

"Really?" Tumungo ako. Laking gulat ko ng tumayo siya at bigla nalang akong niyakap. "Thanks Ann."

"No problem."

ąٳɛҠ:

Napangiti ako ng makita at marinig ko na sinabi ni Roxanne na walang magbabago sa kanilang pagkakaibigan. Mabait naman pala talaga siya eh, ubod lang talaga ng sungit.

"Eavesdropping on that human again Alek?"

Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko at napasimangot. "That's king for you Melissa."

Inirapan lang niya ako sabay upo sa tabi ko. "And soon its going to be queen for you, my king." Naka ngisi niyang sinabi.

Tumayo na ako at lumayo na sa kanya.

Melissa Valeria, anak ng isang makapangyarihan na vampire at nakakatandang kambal ni Amy. She's a brat, gets what she wants, always. Dapat siya lagi ang nasa taas.

BiteWhere stories live. Discover now