37

519 23 0
                                    

SO SORRY! IM BACK IM HERE!

BTW! TNX GUYS FOR 10K views really didnt see this coming-

Im sure you guys  just wann get on so... Ok
Enjoy!
Roxanne:

Naka hilata ako sa kama ko, walang ginagawa kunt hindi titigan ang kisame na wala namang kahit anong nakaka aliw na naka lagay, I'm just staring. I had dinner and it was awful! Masyadong tahimik, namimiss ko ang ingay ni mommy at daddy, I miss how they always ask me how my day went, did I had fun, did I learn something new or did I get into trouble of any sort. Namimiss ko sila, I miss them so much. No one said moving on was easy.

"At hindi mo kelangan mag move on mula sa mga alala na iniwan nila."

Napa bangon ako ng marinig ko ang isang napaka pamilyar na boses. I looked to where he was, naka tayo sa bintana ng kwarto ko, one leg in, one leg out. Tinitigan ko siya siguro ng ilang segundo bago ako naka react at lumapit na sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? No, paano ka naka akyat dyan?!"

Tumawa lang ang kumag at ginulo ang buhok ko bago pumasok ng tuluyan at nahiga sa kama ko. "So comfy."

"Kapal ah, pwede kita kasuhan ng intrusion." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya ulit. "Psh.. Pero seryoso, paano ka naka akyat at paano ka naka iwas sa security?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako bago ngumiti at hinila ako pababa sa tabi niya. Nagulat ako sa ginawa niya pero pinabayaan ko nalang na ganun ang position namin, me in his arms. A whole minute passed with just a comfortable silence before he finally said something.

"Don't be sad anymore." Sabi niya at hinalikan ang ulo ko. "Pag nalulungkot ka I feel terrible because I can't keep you from the pain, that I couldn't keep you happy..." Malungkot niyang sabi.

"Di mo naman kelangan na lagi ako pasayahin eh," sabi ko sa kanya.

Umiling siya, "but i want to and you should always be happy." Niyakap niya ako ng mahigpit bago umupo sa kama ng naka cross leg. Umupo rin ako at sunandan ang tingin niya, naka tingin siya sa picture namin ng parents ko na naka lagay sa night stand. "I want to see that smile on you everyday, pero alam ko na nasa isa kang sitwasyon na hindi madali maging masaya, pero kahit na ganun sisiguraduhin ko parin na mapapangiti kita, whether its like that or it's just a small one, as long as there is a smile." Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinalakan niya ito pareho. "Hindi naman pang habang buhay ang pagiging malungkot eh, mawawala rin yan, maybe not now, maybe not anytime soon, maybe not in a long time, pero mawawala rin yan."

Nginitian ko siya at niyakap siya, "thanks kumag."

Natawa siya, "ayan ka nanaman eh, sabing wag mo na akong tawagin na kumag eh!"

"Not happening. I like it so you better learn to like it too." Sabi ko sa kanya at binelatan siya.

"Tss... Ang kulit talaga." Sabi niya at nilock ang ulo ko sa isang light head lock.

"Uy wag kasi!"

"I like it so you better learn to like it too." Pang gagaya niya sa akin. Hindi ko man nakikita ang muka niya, pero alam ko na naka ngiti ang baliw ng nakaka loko. After ten seconds pa niya ako pinakawalan at tiningnan ng seryoso na parang ewan.

"Bakit?"

"Do you believe in vampires?"

What?

"Vampires? Why so sudden?" Tanong ko dahil nakakapag taka na nag tanong siya ng isang odd question.

"Just asking.  Pero sa tingin mo ba mababait sila?" Tanong niya.

"Sa tingin ko para din silang tao, may mabait at may masama. Hindi porket naiiba sila masama na sila agad, malay natin baka may naka salubong na tayo, malay natin natulungan na pala nila tayo, malay natin malapit lang sila sa atin." Sabi ko sa kanya. Naka tingin siya sa labas ng bintana na parang sobrang lalim na ng iniisip niya.

BiteWhere stories live. Discover now