24

865 35 3
                                    

Roxanne

Naramdaman ko na bumalik na ang malay ko pero hind ko muna minulat ang mga mata ko at pinakinggan muna ang paligid ko, training para mas ma palakas ko ang sense of hearing ko at para narin sa presence of mind.

Yun ang gusto ko paniwalaan, pero yung totoo, pagod na pagod lang ako. I feel pathetic for even remembering such dream in the middle of a mission. Nakakahiya.

May konting pag galaw na nangyayari bago may nagsalita.

"Kelangan na namin umalis, balitaan mo nalang kami ni Wendy kung ano nang nangyari kay Ann."

Si Xia.

"Sige mag ingat kayong dalawa sa pag uwi. Xia.. good luck nalang...Wendy balitaan mo ako tungkol sa meeting."

Si Crystal.

"Okay."

Matipid na sagot ni Wendy.

Bumukas ang pinto. Akala ko naman ay lalabas na sila, mali pala ako.

"Uuwi na kayo?" Walang galang na tanong ni kuya Troy.

"O-oo." Nauutal na sagot ni Wendy sa tanong ni kuya Troy.

"Hatid na kita."

Hala, si kuya Troy ba yun? Di nga? Anong nangyare? Bakit parang lumambing, bumait, lahat na yata nang imposibleng tono na lumabas sa bibig kiya ay lumabas na. Aish nakaka kilabot!

"H-ha?"

"Hatid na kita." Ulit ni kuya Troy.

"E-eh... a-ano.. hi-hindi ba ako makaka abala sayo?"

"Hindi naman siguro kita aayain kung ganun diba?"

"O-oo nga naman.. S-salamat."

"No problem."

What da..

"Eh paano ako?" Tanong ni Xia. Siguro tinataasan siya ni kuya Troy nang kilay.

A moment of silence.

"Ewan ko. Mag taxi ka pauwi, mag bus, mag pasundo sa parents or sa driver mo, I don't care, basta hindi ka sasabay sa amin ni Wendy." Masungit nito na sagot sa tanong ni Xia.

Ang sungit!

"Aba! Ang kapal naman nang muka-"

"Ako nalang mag hahatid sayo kung mag-aaway pa kayo ni kuya Troy." Pag singit ni Hope..

"What? Ayaw ko! mag ta-taxi nalang ako. Move." Ma otoridad na sabi ni Xia kay Hope.

Xia:

"Paano kung ayaw ko?" Tanong ni Hope nang naka ngisi sa akin.

Naramdaman ko na bumilis ang pag tibok nang puso ko dahil sa tingin niyang yun. "Wala kang magagawa." These are one of the times na proud ako sa sarili ko dahil kaya ko i-maintain ang aking composure kahit nanlalambot na ako sa takot, but in this scene, nanlalambot na ako dahil sa letseng tingin ni Hope.

"You don't know that dear." Sabi niya sabay wink at labas nang kwarto.

Shit.

Eew.

Kadiri.

Umirap nalang ako bago lumabas nang kwarto ni Ann, na wala paring malay hanggang ngayon. Dapat kasi hindi na siya sumama, better yet, sana hindi na niya tinanggap ang misyon na yun, napahamak pa tuloy siya. Tss ang kulit kasi. Pero after mabaril at bago mahimatay ni Ann may sinabi si Wendy na alam daw niya na hindi si king ang iniisip ni Ann nung mabaril siya.

BiteWhere stories live. Discover now