26

783 29 17
                                    

Filler chapter ahead!
Why?
Because I just wanna :)
----comments pls~

Charlotte

"Saan ka nanaman nang galing!?" Sigaw ni mama na inirapan ko lang.

Psh, eto nanaman tayo, lagi nalang ako sine sermonan ni mama, buti nalang wala pa si papa, naku, sinasabi ko sa inyo pag nadatnan ako nun na sinesermonan ni mama makiki join in yun. Ewan ko ba kung anong trip nila.

Tumakas nanaman kasi ako ulit kasi nag kita kami ni Jeremy duon ulit sa park, tumambay lang kami duon kasi sabi ko ang boring sa bahay walang nakaka libang na kahit ano, kaya sabi niya mag kita nalang kami sa park ulit and this time wag ko na daw kalimutan ang wallet ko, para hindi niya na ako ulit ililibre. Kekeke.

Anyway. . .

"Bakit ka ba palaging sumusuway sa amin nang tatay mo? Hah?! Bakit mo ba laging sinu-sunod ang gusto mo at hindi ang gusto namin?! Sumagot ka!" Sigaw niya.

Tinaasan ko siya nang kilay, "kasi po," sabi ko na may diin sa po, not a sign of respect at all, "buhay ko to at dapat mabuhay ako sa paraang gusto ko." Sagot ko.

"Aba! Ang kapal naman nang muka mo para sumagot sagot!" Nang gigigil na sabi ni mama.

"How do you expect me to answer kung hindi ako sasagot? Pinapa sagot niyo ako tas magagalit ka na sumasagot ako. Tss, ma make up your min-" Na putol ang sasabihin ko nang dumampi ang palad ni mama sa muka.

Masakit? Oo.

Mahapdi? Oo.

Iiyak ba ako? Never.

Sanay na ba ako? Oo.

Getting slapped across the face is to normal for me kaya hindi na ako nag co-comment, kungwari nalang na walang nang yari, pero meron, nasaktan ako.

"You little ungrateful brat! Buti pa ang mga kapatid mo may pakinabang! Pantay-pantay lang ang trato sa inyo pero ikaw! Umakyat ka sa kwarto mo! Wala kang haponan ulit ngayong gabi!"

Ngayon alam niyo na kung bakit ang patay gutom ko.

Umirap lang ako at dumiretso na sa hagdan pero tumigil at humarap kay mama, "by the way ma, this ungrateful brat of yours, siya lang naman ang nag aalaga sa inyo pag may sakit kayo ni papa, this ungrateful brat does everything you want, except one. Asaan ang fairness duon? Goodnight po." Nginitian ko siya nang isang napaka pait na ngiti bago tumalikod at tumakbo pa akyat sa kwarto ko at nag kulong.

Pag dating ko sa kama ko kumawala ang mgauha at ang galit ko. Pinag babato ko ang mga unan ko sa kwarto ko at nung mahawakan ko ang favorite ko na color violet na teddy bear ay pinag susuntok ko ito.

Fuck this life! Fuck it! Andaya daya talaga! Nakakasawa na! Ayaw ko na!

Napa upo ako sa sahig at niyakap ang hita ko palapit sa akin at humagulgul. Its so unfair... bakit ganun...

Sa kalagitnaan nang pag da-drama ko ay may asungot na tumawag sa akin. Psh, bad timing naman.

Tumayo ako at kinuha ang phone ko na naka lagay sa bag ko na naka kalat na din sa sahig.

                             Calling...
                        Jeremy-pabo

Shet. Sasagutin ko ba? Wag na, mahahalata lang niya na umiiyak ka, tas mag tatanong siya nang kung ano-ano has magiging nanay mo siya na nakakairita at epal. Psh, bakit ka ba nag abalang isa-isahin ang mga dahilan para hindi sagutin ang tawag ni Jeremy mo? Eh, hindi ka naman makikinig sa mga rason na yun eh! Alam naman natin na hindi ka na nag-iisip basta si Jeremy ang pinag-uusapan. Tss... grabe, patay na patay na nga talag ako Kay Jeremy.

BiteWhere stories live. Discover now