8

1.5K 68 2
                                    

"Ann!"

Napatalikod ako at nakitang palapit sa akin si Crystal. "Hi." Matipid ko na sagot making her pout.

"Grabe ka naman Ann." Natawa ako at naglakad nalang kami papasok ng building. Surprisingly sa kanya si locker 16 "So... absent ka nung Wednesday at Thursday, bakit?"

"I talked to mom and dad at okay na kami. Hindi na ako pinapasok ni mommy sabi niya magbobonding daw kami. Two days kami sa isang resort na si mommy ang owner at kung pwede lang daw isang lingo kami doon kaso may trabaho sila, may pasok ako."

"Waah! Ang saya naman! So kamusta naman?" Excited niyang tanong.

"K lang naman." Yun lang ang sinabi ko pero deep inside it was the best day of my life.

"Yah! Kailangan mo matuto mag kwento katulad nung isang gabi." Pag re-reklamo ni Crystal.

"Crystal kinukulit mo nanaman si Anne, kababalik lang niya diba."

Napatingin kami Kay Xia na papunta sa amin- este sa locker niya na number 17. "Magkakatabi pala lockers natin, si Wendy 19."

"Sorry I'm late!" Napatingin kami kay Wendy na papunta sa amin.  "Ah!" Na dapa si Wendy, no, pinatid nila si Wendy, sino paba kung hindi yung mga letseng clowns na yun. Speaking of clowns, after pumunta sa clinic nung Amy hindi na siya bumalik sa classroom. Anyway back to present time. Tumakbo kami agad papunta kay Wendy at tinulungan siyang tumayo. Nag cling si Wendy kay Xia at mukhang natatakot sa mga clowns, idk kung dahil sa make up or dahil sa nagawa nila sa kanya.

"What the hell was that for Amy!" Galit na tanong ni Crystal sa mga clowns.

"Ganti-ganti lang, but mostly kasi friends na kayo dyan sa halimaw na tan." Nakangisi niyang sabi. Kita ko na pinasok ni Crystal ang kamay niya sa bulsa ng palda niya at parang may hinuhugot ng pigilan siya ni Xia.

"No Crys, wag dito." Tumungo nalang si Crystal at nag relax ang tight grip niya sa... kutsilyo kaya yun? "Palalampasin ko to this once, pero pag inulit niyo toh sa kahit sino sa aming apat, may kalalagyan ang pamilya niyo. Let's go." Sabay walk away.

Pamilya agad, seriously?

"Wah, nakaka takot ka talaga Xia!" Pag whine ni Wendy kay Xia. Nauuna sila nasa likod kami ni Crystal. Confused bakit parang super close si Wendy kay Xia. And as if on cue nagsalita si Crystal.

"Nacu-curious ka no?" Biglang tanong ni Crystal.

"Hah? Saan?"

"Kung bakit ganun ka close si Wendy at ka kung bakit ganun siya ka clingy kay Xia. Childhood friends kasi sila, halos lagi silang magkasama. Minsan kaya na a-out of place parin ako sa kanila." Natatawa niyang sabi.  "Two years ago lang kami nagka kilala, alam mo ba napaka overprotective ni Xia kay Wendy noon, wait hangang ngayon din pala."

"Halata."

"Mag wa-wash room lang ako."

"Kami rin."

"Mauuna na ako sa classroom."

"Ingat." Sabi ni Crystal bago sila pumunta sa restroom.

Nakarating na ako sa classroom at dumiretso sa pwesto ko sa likod. Nandito na halos lahat except yung teacher namin at yung kumag. Galit pa kaya sa akin yun? Yung totoo Anne anong pake mo kung galit parin sayo yung kumag na yun?"

"Oh shut it."hindi ko namalayan na nasabinko yun ng medyo malakas.

"Ha, ano yun freak?" Napatingin ako doon sa mga clown. "Oh my god may kinakausap si Roxanne wala namang tao sa tabi niya!"

BiteWhere stories live. Discover now