49

398 13 6
                                    

Hope

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Jin na may dalang tray ng pagkain bago ako pumasok.

He is on his bed staring out of the window like he had been for the past three days. Tumingin ako sa lamesa niya at nandun parin yung pagkain from last night, untouched just like the others.

Nag-aalala na ako at baka na paano na ang kapatid ko. I tried talking to him, pero para lang akong tanga na kausap ang hangin.

Napa hinga ako ng malalim at inilapag ang bagong pagkain sa desk niya. Lalabas na sana ako na dala ang lumang tray ng marinig ko na suminghot ang kapatid ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at kitang kita ko ang mga luha na nahuhulog kahit na ang tingin niya ay diretso lang. Ibinaba ko ang tray at tumabi kay Jin. Hindi siya kumibo. He didn't push me away like he would usually do.

"Hoy ikaw, hanggang kelan ka ba tutunganga dyan? Ilang araw ka ng ganyan. Di nakain, di nalabas at di nakibo. Nahawa ka na ba ng mga bampirang yun?" He flinched and pushed me of the bed. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas masama ang tingin niya sa akin.

Napa hinga ako ng malalim bago tumayo at kinuha yung tray at lumabas na ng kwarto ni Jin.

Pinuntahan ko si Vince pero naka lock ang pinto, ayaw naman buksan. Si Jeremy tulog na. Kawawa naman ang mga kapatid ko.

Bumaba na ako at nadatna si dad na naka tayo sa tapat ng fireplace at naimon ng wine. Sanay na ako, lagi namang ganito si dad pag wala sa office niya eh.

"Hey dad."

"Hello my son." He took a sip before turning towards me. "Kamusta ang mga kapatid mo?" He had a hint of worry in his voice that you will only hear once in a blue moon.

Kung titingnan niyo lang si dad iisipin nyo isa siyang ama na walang pake sa kanyang mga anak, pero isang kasinungalingan yun. Dad raised us well. He always had time for us, he even treated Roxanne like his own. Ngayon nalang naging sobrang busy si dad.

Umiling ako. "Naka kulong sa kwarto si Vince, si Jeremy tulog na, at si Jin hindi kumakain."

"Wag mong madaliin ang mga kapatid mo, walang tao na hindi nasasaktan ng lubos kapag namatay ang isang tao na malapit sa puso nila. Lalo na kung sinisisi nila ang mga sarili nila sa nangyari. It will take time." Ngumiti ng maliit si dad bago humarap ulit sa fireplace.

Tumungo ako at pumunta sa kusina para hugasan ang plato ng dumating ang isa sa mga kasambahay namin at siya nalang daw mag huhugas.  Nag pasalamat ako at pumunta sa kwarto.

"How are they?"

Napa hawak ako sa dibdib ko ng may mag salita. Agad ko inilipat ang tingin ko sa may bintana. Xia was seated there while looking out the window.

"Geez, mag sabi ka naman kung pupunta ka. Mamamatay ako sa gulat sayo nyan eh!" Sabi ko bago naupo sa sahig malapit sa kanya. "Ayun, mga walang gana at di nag sasalita, para na ngang mga patay kung tatanungin mo ako." I sighed.

"Sorry..."

Tumingala ako at sakto naman ay naka tingin na siya sa akin. "Wag ka humingi ng kapatawaran sa isang bagay na wala ka naman kinalaman. Kalahi mo ang gumawa nun hindi ikaw."

"Alam ko naman yun, pero ang mga batang yun ay malalayo sana ang mararating kung hindi dahil sa mga bampira na pumatay sa kanila. I can imagine the pain, but I can never know what they went through." While talking, her frown grew longer if that is even possible.

"Sh.. stop thinking, okay?" Tumungo si Xia  at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

Xia

BiteWhere stories live. Discover now