39

559 20 0
                                    

Filler Chap Ahead!

Charlotte

"Jeremy? Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Jeremy na katabi ko. Kanina pa kasi siyang umaga tahimik, after niya ako binati kanina ng 'good morning' na walang gana hindi na siya dumaldal ng kagaya ng palagi.

Tumungo siya pero alam ko na hindi siya okay, ayaw niya lang sabihin.

Umiling ako, "Jeremy alam kong hindi ka okay, you've never been this quiet, pleased tell me what's wrong, gusto ko makatulong."

Gusto ko na ako naman ang tumulong sa kanya, gusto ko siya tulungan sa problema niya.

"Di mo na kelangan, I'm fine honestly.." Bigla siyang tumayo pagkatapos nun at dumiretso palabas ng classroom ng walang sinasabi sa akin.

"May nasabi ba akong mali?" Tanong ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng may kamay na pumatong sa balikat ko. Tiningnan ko si Jimin na nginitian ako bago umupo sa tabi ko, pero ikinagulat ko na tumabi sa kabila si Andie.

"Wala ka namang sinabi na mali Lottie," sabi ni Jimin, " mayroon lang talagang problema sa bahay nila ngayon."

"Problema? Ano yun? At bakit alam mo? Bakit hindi ko alam?" Sunod sunod ko na tanong.

Natawa naman si Ji-ji at pi-nat ako sa likod, "isa-isa lang Lottie."

Nag peace sign ako bago nag salita si Andie. "Nag away silang magpinsan, si Roxanne at silang lahat, something about lying, pero hanggang dun lang ang sinabi ni Vince, masyado ng komplikado para sa lahat para maintindihan."

Tumungo ako, "close pa man din sila kay ate Roxanne... bakit kaya?" Tanong ko. Wala naman akong maisip na dahilan para mag lihim sila sa kanya... hindi kaya may tinatago din sila sa amin? Kasi kung nagawa nila yun kay ate Roxanne... Aish, tama na yan. Ano ba yan, kung kelan okay na kami nila mama at papa ito naman ngayon.

Pero sana wala naman...

Jimin

Kung akala ni Charlotte na si Jeremy lang ang kakaiba nagkaka mali siya. Si Jin kasi... kanina pa ako hindi pinapansin, after niya sinabi sa akin na may problema sa bahay at kung ano yun hindi na niya ako pinansin. Ewan ko ba dun... Bakit naman ganun? Si Vince naman naging less clingy kay Andie, which is so weird, ni hindi nga pumapayag si Vince na hindi niya nakikita si Andie eh. Ano ba kasi talagang nangyayari?

Sumandal ako sa upuan ko at napahinga nang malamim. Bakit ganun? Bakit parang may mangyayari na hindi namin gusto? Hindi, wag ka ganyan Jimin, hindi tama yan, dapat hindi ka ganyan mag isip! Kaso di naman maiwasan, paano na ba to ngayon?

Nag ring ang bell kaya agad kami na tumayo ni Andie at pumunta na sa orginal namin na mga pwesto. Katabi ko si Jin pero wala pa siya. Nasaan kaya siya? Dumating na ang teacher namin pero silang tatlo wala parin. Saan na sila?

"Uy, okay ka lang ba?"

Napa harap ako sa katabi ko sa kabilang side ko, si Riggs. Pinilit ko ngumiti at tumungo. "Oo naman! Bakit naman ako hindi magiging okay?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "sigurado ka?" Tumungo ako. "Sige sabihin na natin na okay ka, pero parin hindi ako naniniwala na okay ka." Sabi niya bago tumingin sa harap. "Hm? Parang hindi lang ikaw ang malumbay dito."

"Hah? Anong ibig mong sabihin?" Napatingin ako sa paligid. Wal naman eh. "Wala namang ibang malungkot ah!"

"So you admit you are sad?" Sabi niya na naka harap na ulit sa akin.

"Ah.. ano... Uhm... Hindi naman-"

Pinutol na niya ang sasabihin ko ng ginulo niya ang buhok ko. "Tama na, magsisisnungaling ka lang ulit. Tsaka tinutukoy ko ung mga kaibigan mo, si Andie at Charlotte. Si Andie naka subsub ang ulo sa lamesa, eh di naman ganyan yan, lagi pang nag tataas ng kamay at si Charlotte naman antahimik, diba lagi nyan dinadaldal yung mga katabi niyan? Tapos ikaw tahimik din, hindi nakibo, ang likot-likot mo kaya." Sabi niya sa akin.

BiteWhere stories live. Discover now