22

806 31 7
                                    

Alek:

Naka upo ako sa rooftop nang abandoned building nagpapalamig at hini-hintay narin na umangat ang araw. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin sa umaga. Napapa ngiti ako lagi pag ganito ka tahimik at ganito ka payapa ang paligid ko.

Kaya naman ako nandito ay dahil sa hindi ako maka tulog ngayong gabi,  tumatak yata sa ulo ko yung nakita ko kahapon...

Pag labas ko ng greenhouse inakyat ko yung puno ng manga sa tapat nung greenhouse. Nang maka hanap na ako ng maayos na pwesto, yung sigurado ako na hindi ako malalaglag, sumandal na ako at binaba lahat ng aking mga senses, like sharp hearing. Patulog na ako nun ng marinig ko na bumukas yung pinto. Napatingin ako sa baba at nakita si Roxanne na naglalakad papunta sa gate.

Andyan na siguro yung sundo niya. Sinundan ko ng tingin si Roxanne kaso nung medyo malayo na hindi ko na siya makita, kaya inactivate ko na ulit lahat ng senses ko. Sakto naman nakita ko na papalapit siya sa isang kotse. May lalake na biglang lumabas at agad na niyakap si Roxanne.

Nainis ako agad. Sino siya? Sino siya!?

Magsasalita na dapat yung lalake pero di ko na narinig yun dahil may tumawag sa akin.

"King! May practice tayo ng basketball, come on!" Sabi nung isa kong ka team sa basketball na nag alis ng attention ko mula doon sa dalawa.

Paano ba ako na hanap nitong batang to?

"Sige, susunod na ako." Naka ngiti ko na sabi.

"Okay, but hurry, captain." Sabi nito bago umalis.

Tumingin ako ulit doon pero pasakay na sila nung kotse. Medyo na bwiset ako doon sa ka-teamate ko pero agad din namang nawala yun dahil wala namang point kung magagalit pa ako eh. Pumunta na nga ako sa basketball court para makapag practice na.

Wala naman akong karapatan kung tutuusin, malay ko ba na baka kamaganak lang niya yun. Tss... I don't think na co-convince ko sarili ko na hindi niya boyfriend yun. Baka naman kasi hindi yun ang kinaiingitan ko, baka kasi yunv closeness nila, i don't mean physically, ibig ko sabihin yung bond nila.

"bakit gising ka na ng ganitong oras Alek?"

Napa tingin ako kay Crystal at nag shrug, "ewan ko din, baka hindi lang talaga ako inaantok." Sabi ko bago tumingin sa kalangitan na madilim pa.

"Weh, di nga? Kilala kita Alek, tuwing may malalim ka na iniisip at pinoproblema hindi ka nakakatulog ng maayos." Sabi niya sabay upo sa tabi ko. "Ano ba yun? Baka matulungan kita."

Umiling ako, "wag na, hindi mo lang maiintindihan," nginitian ko siya bago itinuloy ang sasabihin, "matulog ka na lang ulit."

"Okay, kung ayaw mo talaga,okay. Sige babalik na ako, I'll see you later again." Sabi niya bago nawala na para bang bula.

"Thanks for trying to help cuz." Sabi ko bago tumingin ulit sa kalangitan at napangiti nalang ng may makita ako na falling star or wishing star. Hindi nalang ako nag wish, dahil alam ko na may mas naniniwala na nagkaka totoo ang mga winiwish nila. Kung meron mang ibang naka kita nun, siya nalang ang mag wish at sana matupad ang kung ano mang hilingin niya.

Napatingin ako sa relos ko at napahinga ng malalim, " three fucking o'clock, fucking devils hour." Mahina ko na sabi sabay lingon sa gilid ko kung saan naka tayo ang isang babae na naka itim.

"Melissa."

Roxanne:

Malapit na mag three nang umaga pero hindi pa din ako tulog.

Ugh, bakit ba ako hindi maka tulog? Naka ilang tayo at higa na ako, ikot doon ikot dito at bumaba pa ako para uminom ng gatas, kaso malamig, di mainit.

BiteWhere stories live. Discover now