25

770 28 10
                                    

Wendy:

"Mag ingat ka." Sabi ni Troy na itinigil ang kotse dahil andito na kami sa kanto na malapit nalang sa bahay namin. Pwedeng pwede ko na lakarin to pauwi from here.

Nginitian ko siya at tumungo, "of course! Ikaw din Death mag ingat."

Napa ngiwi siya, "don't call me that, mas gusto ko na tinatawag mo ako by my first name, Troy at hindi ang pangalan na itinatawag nila sa akin tuwing may papatayin ako o mag hahasik nang takot. Kaya wag mo akong tawagin na Death, feeling ko isa akong dahilan para maging malunglot ka o kaya matakot."

Nginitian ko siya pero hindi kasing lawak nung kanina, but it's still sincere. "Impossible. Its impossible na maging dahilan ka nang pagkalungkot ko at maging isang tao na katatakutan ko. Pero kung ayaw ni talaga na tawagin kitang death then I won't."

"Wendy..hindi mo alam yun.." Mahina niyang sabi, but loud enough for both of us to hear.

Nag head tilt ako, "ang ano?" Tanong ko.

"Hindi mo alam, hindi mo alam kung anong mangtayari sa hinaharap. Siguro ngayon na sasabi mo yan dahil wala pang gulo na nangyayari ngayon, but trust me you'll hate me.. but when that time does come, promise me you won't hate me." Sabi niya na naka tingin sa daan.

Tumungo ako kahit gulong-gulo ako at walang maintindihan sa mga sinabi niya. Basta ang alam ko may tiwala ako sa kanya. "I promise."

Na tahimik kami pagkatapos nun. Naka tingin lang ako sa kanya. Gulong-gulo ako. Anong pinag sasabi nitong ewan na to? Tinawag ko lang siya na death na punta na kami dito sa usapan na ayaw ko marinig. Nakaka kilabot ang mga sinabi niya, para bang may mangyayari na hindi maganda at alam niya, pero ako hindi ko alam. Ano bang gusto niyang sabihin?

"Wendy, hindi ka pa ba baba?" Tanong niya.

Bigla ko naman na realize na kanina pa ako dapat bumab pero dahil nga doon na occupy ang isip ko at ngayon ay sobrang gulo na, magulo na nga nagulo pa lalo, parang kwarto ni author.

(Wae do you do this to meh?╥﹏╥)

"Oo nga pala! Hehe sorry. Salamat nga pala ulit sa pag hatid sa akin. Mag ingat ka sa pag mamaneho. Bye." Sabi ko at ewan ko ba,kumilos nalang ang katawan ko nang walang pahintulot nang aking isip.

Hinalikan ko sa pisngi si Troy.

Sa sobrang kahihiyan ko agad akong lumabas nang kotse at tumakbo hangang sa maka liko ako sa kabilang kanto.

WAAAHHHH!!! Ano bang sumapi sa akin at ginawa ko yun? Nakaka hiya talaga! Pero maiba ako, ang lambot nang pisngi nu Troy! Wee woo!!! Nakaka hiya parin talaga kahit ganun! Sana hindi mag iba tingin niya sa akin after that. Ayaw ko mawalan nang kaibigan dahil lang pinabayaan ko na dalhin ako nang agos nang napaka kulit ko na puso! Hayy...

Naglakad ako nang medyo matamlay pauwi habang iniisip ang ginawa kong kagagahan. Napatingin ako sa langit at napa ngiti dahil andaming bituin na naka kalat, lahat kumikinang. "Masaya kaya sila?" Tanong ko sa hangin.

"Ewan ko."

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko. Tumalikod ako at namula nang makita ko kung sino yun. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang makita na makaka uwi ka sa inyo nang ligtas." Sabi niya at sumabay na sa akin.

"Hindi mo naman kelangan gawin yun." Sabi ko habang naka tingin sa mga bituin."

"Hindi nga, pero gusto ko, kaya ginagawa ko. Hindi naman laging dapat kelangan lang sinusunod, sinusunod din ang gusto,pero parehong kelangan at gusto pag dating sa iyo." Sabi niya na nag pahinto sa akin.

BiteWhere stories live. Discover now