48

443 11 8
                                    

Filler chapter ahead!

Jimin

I poked my dinner with my fork as I stared at it lifelessly. Obvious na naman siguro na wala akong gana kumain, I don't have to elaborate the details of the feeling of being empty and lifeless.

"Jimin nak, anong problema? Bakit wala kang gana? May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong ni mama.

Umiling ako, "di ma, wala akong sakit, wala lang talaga akong gana kumain."

"Bakit naman nak? Paborito mo pa man din tong tortang talong. What's wrong sweetie?" Mom grabs my hand and gave it a press press.

"Ma, when dad left us, ano naramdaman mo?" Alam kong hindi ko na dapat pa tinanong yun, pero...

Ngumiti si mama ng mapait, "masakit nak, I thought your father was the one, I gave him everything and forgot to leave anything for me.. isang malaking tanga ang mama mo, pero nag papasalamat ako sa katangahan na yun dahil ibinigay ka nito sa akin."

Ngumiti ako. "Mom thats so sweet and cringe worthy." Natawa ako ng tingnan ako ni mama ng 'shut up nag eemote ako' look, pero agad eto napalitan ng isang ngiting isang ina lang ang makakapag bigay.

"I love you my big girl."

"Love you too mom."

Pinunasan ni mama ang mga luha niya bago siya tumayo. "Sige na, mag aral ka na kung di ka na kakain, ako na bahala dito."

"Sige po. Goodnight mom." Hinalikan ko siya sa pisngi bago pumasok sa kwarto ko. Umupo ako sa sahig at inilabas ang isang kahon mula sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ang kahon na nag lalaman ng mga bagay na nagbigay sa akin ng mga masasayang ala-ala, kasama na dito sa kahon ang panyo na galing kay Jin.

Si Jin... May ilang linggo narin kaming di nag-uusap.

"Jin.. ano ba talaga nangyari? Sana naman sinabi niyo sa amin ng maayos, para hindi kami nahihirapan ng ganito." I hugged my legs as I looked in my box of memories.

Andie

"Miss Andie sabi ng mommy at daddy niyo uuwi daw sila para samahan kayo kumain." Sabi ni ate Rita.

"Sabihin mo sa kanila wag na sila mag abala dahil ayaw ko sila makita at ayaw ko rin ng awa nila." Tumayo ako at nag lakad papunta sa pool area.

Six palang ng hapon pero ang dilim-dilim na agad. Umupo ako sa gilid ng pool at inilubog ang legs ko sa tubig, a few kicks here and there. I looked at the limpid water beneath me and sighed at how I see my life as worhtless. Sanay na talaga ako na iniiwan, pero ng dumating si Vince akala ko hindi niya ako iiwan kagaya nila mama, pero nagkamali ako, aalis din pala siya. I should have never grew attached to him.

"Rita nasaan si Andrea?"

I cringed at the name I was given. I hate that name so much.

"Andun po ma'am sa may pool."

I can hear her heels' clicking getting louder as she neared me.

"Andrea let's go- bakit di ka pa bihis? Kakain tayo sa labas kasama ang... ama mo." Para siyang masusukan ng sabihin niya na kakain kami kasama si daddy. Hindi ako umimik. "Andrea did you noy hear me? We're eating out with your father!"

"Ayaw ko." I replied while locking eyes with my dog, Sushi.

"At bakit? Bakit di ka masaya na makakasama mo kami ng ama mo, hm? Ayaw mo ba nun, magkasama kami at kasama mo pa?"

"Anong silbi nun kung hindi niyo na naman mahal ang isa't isa? Pwede ba wag niyo nalang pilitin ang sarili niyo na mag sama dahil lang sa akin, alam naman nating lahat na kinasusuklaman niyo ang isa't isa!" Tumayo ako at tiningnan si mommy sa mata. Hindi maipinta ang reaksyon niya. "Ayaw ko na pinipilit niyo lang ang mga sarili niyo na ipakita sa akin na okay lang kayo kahit hindi!"

BiteWhere stories live. Discover now