13

1.2K 43 6
                                    

ʝɨռ:

Humiga ako sa kama ko sabay kuha ng phone ko naka lagay sa nightstand. May isang message galing kay Jimin.

From: jimin

Jin malapit na kami~

To: jimin

Ok.

Pakipot effect.

From: jimin

:'(  'ok' lang? Hmp! Bahala ka mamaya! Hindi kita kakausapin!

Natawa naman ako.

To: jimin

Geh, kung kaya mo bakit hindi?

Matagal na kaming magkaibigan ni Jimin, girl best friend ko siya na i grew to fall hard for. Syempre other than sa kambal may mga kaibigan din ako no, pero syempre sila parin ang lagi kong kasama, everyone knows that. Si Jimin nakilala ko nung grade two ako, bago lang siya, tahimik pero napaka active at napaka talino, pero dahil doon binu-bully siya ng ibang mga bata. Naalala ko pa nung naabutan ko siyang umiiyak mag-isa sa playground.

Nag lilibot ako ng school habang hinahanap yung kambal ng mapadaan ako sa playground at na kita si Jimin, umiiyak. That was a first, never ko siyang nakitang umiyak kahit sobra-sobra na ang ginagawa nilang pambu-bully sa kanya. I know I was only a kid back then, pero nasaktan ako ng nakita ko siyang umiiyak. Lumapit ako sa kanya.

"Uy, okay ka lang?" Napatingin siya sa akin at tumungo habang pinupunasan ang mga luha niya. Kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko na bigay sa akin ni eomma Hope, back then I called him that, dahil para nga siyang nanay. Inabot ko to sa kanya yung panyo.

"Sa-salamat..." Kinuha niya yung panyo at pinunasa ang mga luha niya.

Ngumiti ako, "your welcome!" Napangiti rin naman siya.

Long story short, after that lagi ko na siyang pinagtatanggol sa mga nambu-bully sa kanya. At medyo natuto Marin magingay nung nababad siya sa amin ng mga kapatid ko.

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang message beep ng phone ko.

From: jimin

Wag ka masyadong confident, baka magsisi ka :P

Bigla naman akong kinabahan,pero hindi ko na masyadong pinansin yun since wala namang magagawa yun, tingnan nalang natin mamaya kung anong gagawin niya mamaya. Ngumisi ako bago pumasok sa bathroom para mag freshen up.

νıňċє:

Nasa basketball court ako nag sho-shooting, pampalipas ng oras kumbaga. Gusto ko sana makalaro si Jeremy o kaya si Jin, but more preferably both, kaso parehong busy para sa mga 'crush' nila. Tss... I like Andie kaso kailangan ko pa ba maging ganun ka clingy? Andie wouldn't like it if I was that clingy, medyo boyish siya, medyo.

"Vince!"

Napatigil ako sa pag dribble ng bola ng marinig ko ang boses niya. Napatalikod ako at ngumiti bago siya pinasahang ng bola at nasalo naman nya to. "Wanna play bago tayo gumawa ng project?" Nakangisi kong sabi.

"Sige ba, pero wag masyadong matagal, baka pag pawisan ako, wala akong pamalit na dala." Tumungo ako at nagumpisa na kaming maglaro. Fifteen minutes lang kami nakapaglaro dahil ayaw nga ni Andie pag pawisan.

"Dumiretso ka nalang sa library, maliligo lang ako." Nginitian ko siya at ganun din siya.

Ng mawala na siya sa paningin ko bigala nalang sumulpot si kuya Hope kung saan man siya nanggaling planeta at tiningnan ako ng nang mapangasar at sinisiko ako sa gilid. "Yah! Ano ba kuya tigilan mo nga ako!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.

BiteWhere stories live. Discover now