18

990 38 7
                                    

ɾɷҳaŋŋҽ:

"Ann~ may assignment ka sa math?" Tanong ni Crystal sa akin nung lumapit siya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero parang di niya na gets. "Wala."

Nag-pout siya, "ha, bakit naman?"

Sasagot na sana ako pero si Xia gumawa nun para sa akin. "Wala siya nung nagklase sa math kahapon, diba? After lunch nalang siya nag pakita. Natural lang na wala siyang assignment."

As if walang pake si Crystal sa mga pinagsasabi ni Xia ng iba ang itanong nito. "Uyy! Kelan kayo naka rating dito?" Tanong ni Crystal using that loud voice of hers.

"Ngayon-ngayon lang. " sabi ni Xia sabay upo sa desk ko. "So na hanap mo na pala yan." Sabi niya ng nakaturo sa doon sa bracelet.

"Yup. Andun siya sa greenhouse, buti nga na kita ko bago pa may ibang naka kita." Hinawakan ko yung bracelet ng mahigpit.

"Buti naman." Sabi niyo bago tumingin sa labas at nanlaki ang mga mata.

Napansin namin siyang tatlo at tumingin sa may bintana. May isang babae na naka tingin sa amin, more specifically sa akin. Naka ngisi siya sabay tinumba yung flower pot na naglalaman nang mga bulaklak at nung bulaklak na pink. Nang natumba na ito tinningnan niya kami ulit bago inapak-apakan to.

Naaalala ko siya, siya yung babae na sinabunutan ako kahapon. Bitch. Tatayo na sana ako pero hinawakan ako ni Crystal ng mahigpit sa wrist ko kaya hindi na ako naka palag. Tiningnan niya kami one last time bago umalis na.

"Walang hiya siya! Napaka sama nung ginawa niya! Inaano b siya nung bulaklak? Nakakainis!" Sabi ni Wendy na sobrang naiinis.

Lahat ng lumalabas sa bibig nila at binabale wala ko dahil lahat ng attention ko ngayon naka focus sa kamay ni Crystal na pahigpit ng pahigpit ang kapit sa akin. Its starting to hurt real bad.

"Cr-crystal bi-bitaw please, masakit na." I don't mind na malaman nila, we're friends aren't we?

Tiningnan ako ni Crystal at agad naman akong binitawan. "Shit, sorry Ann hindi ko namalayan! Nadala kasi ako sa mga pangyayari." Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang na mumulang marka na naiwan niya sa wrist ko. "Shit, sorry talaga Ann."

"Okay lang, andyan na yan, wala na tayo magagawa. By the way ang lakas mo naman sobra para makapag iwan ng ganyan ka pula na marka." Yes, I just complimented her, problema niyo? Wala? Okay good.

"Thanks...pero sorry talaga Ann.." Tumungo nalang ako.

Pero hindi ko talaga matanggal sa isip ko yung ngisi sa mukha niya. Halata naman na nanadya siya, dahil ba hindi ako nag sorry kahapon? Bwiset, nakaka bwiset.

Sa sobrang inis ko, di ko na namalayan na sinapak ko nang pagkalakas-lakas yung desk ko.

"Ann!"

Napatingin ako kay Crystal at tinaasan siya ng kilay, a silent 'what?'.

Kinuha niya yung kamao ko at pinakita sa akin ang kamao ko na nagdudugo, pero nung hinawakan niya yung kamay ko pansin ko na iniiwas niya yung kamay niya doon sa dugo, weird.

Anyway..

Saka ko lang naramdaman ang sakit at ang hapdi. Ah.. shit, ang sakit.

"Da-dalhin na natin y-yan sa clinic." Nag-aalalang sabi ni Wendy habang naka tingin sa sugat ko, pero yung tingin niya kakaiba, para din siyang biglang nanghina.

"Wag na, mamaya nalang. Huhugasan ko nalang muna." Magpiprisinta na sana si Crystal na samahan ako pero tinanggihan ko na ito. "Wag na, kaya ko na to. Saglit lang ako."

BiteOnde histórias criam vida. Descubra agora