29

745 25 18
                                    

Roxanne

"TALAGA!!!???"

Napa takip ako nang tenga nang sabay na sumigaw yung dalawa nang sabihin ko sa kanila na gusto nila mommy at daddy na isama ko sila since mas gusto pa nila makilala nang husto ang mga kaibigan ko. Tumungo ako, "yeah."

Nag hawak kamay naman si Crystal at Wendy bago nagsi tatalon at nagsisisigaw. "Excited na ako!" Sabi ni Crystal na malawak ang ngiti. "Ano kayang dadalhin ko?"

"Unang una, utak mo." Napa kunot ang noo ni Crystal sa sinabi ni Xia, "obviously damit-"

"Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin!" Sagot ni Crystal.

"Eh ano ba sinabi mo?"

"Ang sabi ko kasi ano kayang dadalhin ko-"

"Kaya nga, damit. Ano bang pinagsasabi mo?"

"Hindi nga!"

Natawa nalang si Wendy habang pinapanood yung dalawa. "Ano kayang trip ni Xia ngayon?" Tiningnan ko si Wendy na may pagtataka. Muka naman napansin ni Xia ang pagtataka ko dahil bigla nalang ito nagsalita. "Tingnan mo siya," I'm guessing si Xia, kaya si Xia ang tiningnan ko, "usually na sa isang tabi lang siya nag mamasid, tahimik, pero tingnan mo siya ngayon, pinapahaba nang pinapahaba ang usapan nila."

Napangiti nalang ako dahil mukang nag eenjoy si Xia sa ginagawa niyang pangti-trip kay Crystal. "Baka naman talaga nasapian siya." Natawa kong sabi nang pisilin bigla ni Xia si Crystal nang mahigpit nang biglaan sa pisngi nang may innosenteng tingin.

"Ah! Masakit!" Hiyaw ni Crystal.

"Masakit pala.. eh ito?" Tanong niya bago kurot nang kabilang pisngi.

"Luh, si Xia ba talaga yan?" Tanong ko kay Wendy na pinapanood lang sila na may malaking ngiti.

Nag eenjoy tong isang to sa pinapanood niya. Imbis na tulungan niya si Crystal tinatawanan niya lang. Tss sadista din talaga to.

Napailing nalang ako bago nag excuse na lalabas lang muna ako. Pagkalabas na pagkalabas ko isang napaka gandang boses ang sumalubong sa akin. Sinundan ko ang matamis na boses hangang sa mapapunta ako sa tapat nang puno na malapit sa greenhouse.

Luh, na maligno na ba ako? Wag naman sana please lang.

"Walang maligno, just me, princess."

Naramdaman ko ang pagbilis nang pag tibok nang puso ko at alam mo ko na agad kung sino ang nagsalita. Tumingin ako sa taas at nakita ko siya na ang ganda nang pagkakaupo. "I tild you not to call me that!" Naiinis ko na sabi.

Ngumisi siya sabay talon pababa nang puno. "I will if you stop calling me 'kumag'."

"Never!"

"Edi hindi din ako titigil."

"Ugh!"

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko. "Wag! Magugulo buhok ko!" Sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko. Nag fake pout ako nang hindi niya tinanggal yung kamay ko.

"Aww~"

"Aray! Letse ka! Lumayo ka nga!" Sigaw ko nang bigla niyang pinisil ang pisngi ko.

"Never!"

Inirapan ko na lang siya sabay hawak sa namumula kong pisngi.
"Ann-"

Napatigil si Crystal nang makita niya kami nung kumag. Oh right, sabi nga pala iwasan ko na tong kumag na to, but I just can't. Not anymore I guess. "Yes?" Tanong ko sa kanya.

"Can we talk, inside?" Tumungo ako at nag paalam sa kumag bago nauna na kay Crystal, pero bago ako pumasok na kita ko na para bang sinasabihan niya yung kumag na wag makinig.

BiteWhere stories live. Discover now