15

1.2K 43 16
                                    

ɾɷҳaŋŋҽ:

Medyo late narin ng maka rating ako sa bahay namin kaya I was expecting na tulog na lahat ng tao.

"Roxanne anak, gabi na, bakit ngayon ka lang umuwi?" Napatingin ako sa tao na nagsalita. Si daddy lang pala, andun siya naka upo sa couch may hawak na libro, baka nagbabasa.

"Si mommy po?" Pag iiba ko ng tanong, hindi sa may tinatago ako, hinahanap ko lang talaga si mommy, kasi nakakapag taka na wala siya sa tabi ni dad, inaantay ako na umuwi.

"Meeting." Simpleng sagot ni dad.

"Pero late na."

"Yes, but its important." Tumungo nalang ako. "Ayway.." pag-uumpisa niya, "so bakit nga ngayon ka lang?" Tanong niya.

"Ah kasi po gumala muna kaming tatlo sa mall-"

"Tatlo? Hindi ba apat kayo?" Pag-putol at pag tanong ni dad. Tumungo ako. "O eh bakit tatlo lang sabi mo? Ayaw mo ba doon sa isa kaya ganun?"

Napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi ni dad. What the heck, ganun agad? "Dad, hindi po ganun ang nangyari, wag nga po kayong nag iisip ng kung ano ano, tss."

Natawa naman siya, " ay, ganun ba? Sorry nak, I was carried away with the story i was reading. So edi anong nang yari, bat tatlo lang kayo?" Tanong niya.

"Dad, may nakapag sabi na ba sayo na napaka chismoso mo?" Sabi ko sa kanya with a poker face. Natawa ulit siya na parang ninenerbios sabay lapag ng libro niya sa coffee table. "Hay nako, ang tatay ko. Kaya po tatlo lang kami kasi dumating yung pinsan ni Crystal at sinundo siya."

His mouth formed an 'O'. "Eh bakit naman siya sinundo ng pinsan niya?" Tanong ulit ni dad.

Napahinga ako, "honestly dad, hindi ko alam kung anon nangyari kanina, basta ang alam ko po pagod na pagod si Crystal at takot na takot ng makita namin siya."

"Bakit-"

Hindi ko na pinatapos si dad dahil mag tatanong lang siya ulit, ayaw ko na sumagot ng mga tanong niya, inaantok na ako! "Dad tama na, inaantok na po ako, kalangan ko na pong matulog." Paakyat na sana ako sa kwarto ko ng magsalita ulit siya.

"Anak..gusto mo ba malaman kung bakit ka namin iniwan ng mommy mo sa tito Steven mo? Bakit iniwan ka namin nang ganun ka tagal?"

Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya at napa tungo. Gusto kong malaman, gustong gusto. Gusto ko malaman kung bakit, bakit nila kinailangan na iwan ako kay tito?

"Opo, gustong gusto ko po malaman dad." Nararamdaman ko na naiipon ang mga luha sa gilid ng mata ko habang iniisip at hinihintay ang sasabihin ni dad. Ang rason kung bakit inabandona nila ako ng 16 years, malalaman ko na.

"It was because your life was at stake, we could've lost you, and that was worse than what we did. Mas masakit para sa amin na mamatay ka, kaya iniwan ka namin sa tito mo dahil alam namin na maalagaan ka doon, protektado ka ng uncle mo. Masyado ka pang maliit, wala ka pang nagagawa na kahit ano, gusto namin ng mommy mo na mabuhay ka, as you want.. We love you anak, we really truly do." Tumayo siya at pinunasan ang mga luha na hindi ko na namalayan na tumulo na pala. Hinalikan niya ako sa noo bago nagsalita uli, "goodnight anak." Sabi niya bago umakyat na sa taas.

Naiwan ako doon na may mga luha na tumutulo parin mula sa mga mata ko. Pinunasan ko ang mga ito bago tumakbo paakyat sa kwarto ko. Nasara ko ang pinto ko ng medyo malakas sabay higa sa kama. "I didn't know, I'm sorry." Sabi ko kahit alam ko na hindi namin nila ako naririnig, na ako lang ang nasa kwarto ko ngayon.

Napa-upo ako at inalala lahat ng sinabi ni daddy at biglang napatingin sa may labas. May narinig kasi akong humampas sa salimin ng bintana ko, pero ng tiningnan ko wala namang kahit ano, either imagination ko lang yun or may tatanga lang na ibon. "Tss.." Kinuha ko ang pink teddy bear ko at nilubog s super fluffy niyang ulo ang mukha ko.

BiteWhere stories live. Discover now