20

957 36 2
                                    

ʀѳxɑɳɳɛ:

Uwian na yes!!!

Nakatambay kaming apat sa greenhouse may kanya-kanya nanamang ginagawa, joke, isa lang inaatupag namin ngayon, at hindi yun ang kahit anong assignment na pinagagawa sa amin ng mga teacher namin, nope, yung mga bulaklak ang iniintindi namin ngayon, yung inapak-apakan nung impakta.

Natatawa ako kay Crystal na kinakausap yung bulaklak, nag so-sorry siya kasi daw hindi daw niya sila na protektahan. I believe her exact words are, "sorry mga babies ko, mommy is so sorry na hindi lo kayo napagtanggol mula sa panget na babaeng aso na yun. Wag kayo mag-alala makaka bawi din tayo doon sa aso na yon." Take note seryosong seryoso ang mukha niya nun, seriously.

Si Wendy naman winawalis yung kalat. Nakaka pagtaka nga na throught out the whole day wala man napadaan dito na taga-pangalaga at nilinis man lang ang kalat. "Nakaka inis naman siya, bakit naman yung halaman pa ang ginantihan niya kung may problema siya sa atin?" Sabi ni Wendy out of nowhere.

"I don't believe na para sa atin yung ginawa niyang yun." Sabi ni Xia na pinu-pulot ang nagkalat na petals.

Tumigil kaming tatlo at timungin kay Xia. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Crystal.

Tumingin naman sa akin si Xia, "hindi niyo ba napansin na kay Ann lang talaga siya naka tingin? Si Ann lang ang nginingisian niya, si Ann lang ang ginagalit niya, si Ann lang." Sabi niya na naka tingin sa mga mata.

"Napansin mo din pala yun.." mahina ko na sabi.

"Wahh! Bakit di namain na pansin yun?" Nag-pout si Crystal.

"Tss.. ang tatalas ng mga Mata niyo hindi niya napansin yun?"

She sounded like she was stating a fact though.

"Baka kasi sa halaman sila naka focus hindi doon sa impaktang yun." Sabi ko bago bumalik sa pag pulot ng mga basag na piraso nung paso.

"True- Impakta? Yung babae ba kanina ang tinu-tukoy mo na impakta?" Sabi ni Wendy nang naka head tilt.

Tumungo ako at tumawa naman si Crystal. "Iba ka din talaga eh no? Alam mo ba kung sino yang babae na tinatawag mo na impakta?"

Umiling ako, "nope not a clue."

"Siya si Melissa Valeria-"

"I know that." Pag-putol ko.

"Okay... kambal niya si-"

"Alam ko din na kambal niya si Amy." Pag-putol ko ulit. Nag pout si Crystal at napa tawa naman ako. "Sige na, hindi na ako e-epal."

Tumungo siya at nagsalita na. "Anak siya- este sila, ng isang mayaman at napaka makapang yarihan na business man. Pareho silang spoiled, pero kadalasan na mas nasusunod ang luho ni Melissa dahil siya ang mas nakakatanda at ang mag maman ng business nila. Favorite din siya ng tatay nila, well obvious na yun, gusto ko lang idag-dag. Ngayon alam mo na, ngayon kilala mo na."

"Yep, pero hindi ibig sabihin na alam ko na kung sino sila iibahin ko na ang pag tingin ko sa kanila, utot. Wala akong pake sa kung sino sila."

"Pero baka magka pake ka kapag nalaman mo kung ano sila." Mahina na sabi ni Xia pero narinig ko siya, pero pinili ko nalang wag intindihin kasi baka ang ibig niya sabihin is kung anong klase ng tao at ugali ang meron sila

"I don't have anymore fucks to give." Mataray ko na sabi.

"Aish itong babae na to talaga!" Sabi ni Crystal bago umakbay sa akin.

"Ah!" Nabitawan ko yung bubog ng masugatan ako.

Shet naman Roxanne, kabilang kamay naman ngayon! Sobrang ka pabayaan na yan ah!

BiteWhere stories live. Discover now