11

1.5K 58 3
                                    

ҳɩa

The mansion came into view and so did we. May lumapit na guard sa amin. Binaba ni Ann yung bintana and at one glance sa mukha ni Ann, pinabuksan agad yung gate. Pagpasok namin ng mansion may lalaki na naka upo doon sa sofa, may hawak siyang libro, pero nung naramdaman niya na may tao tumingin siya sa amin.

"Princess? What are you doing here? Gabing-gabi na- Puta! Hindi ba sabi ko bawal ang dugo sa bahay na to kahit puro gangster pa kayong lahat!"

What the fuck is that guys problem?

"Oh shut it Hope, mag bibihis lang kami at aalis na." Naiiritang sabi ni Ann.

Ah.. eto pala si Hope, sabi ko na eh.

"So. eto pala si Hope, akala ko b babae si Hope?" Naka ngisi kong sabi. Kitang-kita na nanigas si Ann sa mga sinabi ko.

"Shit."

"Oo nga no! So kanino nga yung goth lolita na dress?" Tanong ni Crystal.

"Kay-"

"Kay Ann yun." Pag-putol ni Hope sa sasabihin ni Ann. "Umakyat na kayo. Dito na kayo mag hapunan, mag luluto nalang ako."

"Hope, bakit ang ingay mo dyan?" Napatingin ako sa direction ng pinanggalingan ng boses. May bumabang lalaki.

Lumapit sa akin si Wendy, "hindi ba yun si Death?" Tumungo ako.

"Xia, Wendy, mag bibihis pa ba kayo o hindi na?" Tanong ni Ann.

"Aniyo, hindi na, we're good. Hihintayin nalang namin kayo dito sa baba." Tumungo si Anne at umakyat na kasama si Crystal.

"So kayo yung mga ka-gang ni Ann. Nice to meet you." Bati ni Death. Hindi ko alam totoong pangalan nito at wala rin naman akong pake except sa isang fact na crush ni Wendy yang lalaking yan. Tss, ano kaya nakita niya dito?

"Wendy dito ka lang, iinom lang ako. Saan ang kusina?" Walang gana kong sabi.

Sinamaan niya ako ng tingin. Like I care. "Doon sa kusina." Pagturo nung gago. Bwiset.

Hinanap ko nalang yung kusina at buti naman na hanap ko agad yun. Andun si Hope may hawak na itlog. Tiningnan niya ako ng mapansin niya ako. "Anong kailangan mo?"

"Kukuha lang ng tubig."

"Ah, wait ako na." Binaba niya yung itlog at kumuha ng baso sa isang cupboard at kumuha ng malamig na tubig pagkatapos. "O, ito." Nakangiti niyang sabi. Ang lawak ng ngiti niya nakaka bwiset.

"Bakit? May mali ba akong nasabi?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bigla ka kasing sumimangot."

"At ano namang pake mo kung sumimangot ako?" Mataray kong sagot.

Medyo nag pout siya, "ba't ang sungit mo? Para kang si Ann pero mukhang mas masungit ka." Magsasalita na ako dapat ng bigla siyang natawa, "pero okay lang, sanay na naman ako sa ugaling ganun."

Bwiset, bakit ba ang saya nitong bwiset na to? Hindi ko siya maintindihan nakaka irita ang ngiti niya pati tawa niya nakaka irita. Para siyang si- fuck, Xia wag mo na siyang alalahanin, wala na siya.

"Okay ka lang...?"

"Xia." Matipid kong sagot bago umalis.

Nabubwiset ako. Bakit kasi pareho sila nang ugali? Nakakainis!

ɯɛŋɖყ:

Waah! Bakit niya ako iniwan kasama si Death! Xia talaga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko tuloy! Mabait naman po akong anak, bakit po ako pinapahirapan ni ate Xia ng ganito? Naka tingin lang sa akin si Death- wait ano nga ulit pangalan niya? Waaaah! Ano bayan Wendy, ultimate crush mo hindi mo alam ang first name? Gaga ka talaga.

BiteWhere stories live. Discover now