23

872 30 8
                                    

aɭҽk:

Naka subsub ang ang ulo ko sa desk nung mag ring yung bell na nag sasabe na lunch time is over and safe to say, na tinatamad ako. May dalawang araw na din akong tinatamad, ako na walang ginawa kung hindi intindihin ang studies ko tinatamad.

Anyare?

Ganito yan mga tol, mga bes

Two days ago..

Something felt off nung makita ko si Roxanne kaninang umaga, pero di ko na masyadong pinansin at lumapit ako sa kanya at binati siya. "Morning."

Bigla siyang napatigil sa paglalakad na para bang nanigas ang buong katawan, pero agad siyang umiling at dali-daling lumayo sa akin at lumapit sa group of friends niya.

"Morning ~" bati ni Crystal kay Roxanne.

Napahinga ako ng malalim dahil hindi ako sanay na hindi niya ako pina-pansin, but never the less hindi ko masyadong pinagtuunan yun ng pansin at dumiretso na sa classroom namin.

Nag basa-basa ako ng mga libro ko pero nung pumasok na silang apat agad na nawala ang attention ko sa librong binabasa ko at sinundan sila- siya nang tingin. Tumambay sila sa may desk niya katulad nung isang beses na naabutan ko sila na naka palibot sa lamesa ni Roxanne.

Nag-uusap usap sila pero hindi siya masyadong kumikibo at nagsasalita, parang mas marami pa atang sinabi si Xia kesa sa kanya eh. Pero pansin ko na alam din nilang tatlo na may mali sa kaibigan nila, dahil na papansin ko na mas dumaldal si Crystal si Wendy ay madalas naka simangot at si Xia naman ay naka titig lang kay Roxanne.

The following day hindi pa din niya ako pina-pansin and strangely nawalan ako nang gana gumawa nang mga homework,and hindi din ako maka focus sa mga bagay-bagay na dapat pinagtutuunan ko nang pansin at effort.

Kaya heto ngayon ang hari nag mu-mukmok.

Tss... I sound like such a love sick puppy, nakakahiya, sila- siya dapat ang nagkakaganito hindi ako! Hari ako, ako ang hinahabol hindi ako ang nanghahabol! Pinapa-laki ko lang ulo ko kaya chill lang kayo and don't hate me, si author nalang wag ako.

(-_-)

But seriously wala talaga akong gana. Pati ang pag ba-basketball ko apektado.

Roxanne:

Naka tingin ako sa labas nang mag ring yung bell sabay sa pag dating ng next subject teacher namin na si sir Rovic. Humarap na ako dahil ayaw ko matawag dahil hindi ako nakikinog sa kanya katulad nung ginawa niya duon sa huling estudyante na na huli niya.

Nakaka hiya kaya na matawag sa harap tas kung ano anong itatanong sayo.

"Late announcement guys, half-day lang tayo today dahil may sudden teachers conference, wala din kayong pasok bukas-"

Syempre duon palang sa half-day nag sasaya na silang lahat pero nung sinabi ni sir na walang pasok bukas na baliw na ang mga baliw, ay wait, hindi na pala pwede yun, na baliw na ang mga tae, okay na ba?

"Pero, may assignment kayo by partner. Anong akala niyo hayahay na kayo agad, pweh." biglang nawala lahat nang say sa katawan nang mga estudyante at sinamaan si sir nang tingin.

If looks could kill naka hilata na yang lalaking yan sa sahig at matutuwa pa lahat nang mga to.

"Boo!"

"Ang baduy mo sir!"

"Ano ba yan!"

"Asar naman oh!"

"Kampon ka talaga nang kalaban sir! Sana maluto ka sa mainit niya na kalan!"

Nang mapa tahimik na niya kaming lahat i-nexplain niya na sa amin kung anong gagawin namin.

BiteOnde histórias criam vida. Descubra agora