Dragon V

3.5K 101 1
                                    

Lola Melinda's POV
(Lola nila Rose Ann)

Malapit na. Malapit nang mag-bago ang takbo ng kapalaran ng mga apo ko. Kapalarang itinago namin sa kanila sa mahabang panahon. Hindi ko nasisiguro kung matatanggap ba nila ang mga mangyayari sa kanila ngunit sana... sana ay tanggapin nila.



Hindi madali para sa akin—sa amin na isa-alang-alang ang buhay nila. Malaking responsibilidad ang kakaharapin nila at alam kong magagawa nilang lagpasan iyon.



Panahon na rin siguro para sabihin sa kanila ang katotohanan sa pagka-tao namin. Mas mabuti nang masabi ko na ito upang hindi sila mahirapang intindihin ang mga bagay-bagay sa hinaharap.
Sa ngayon.....



Manunuod na muna ako ng TV.
Showtime na kasi.



Cristina's POV


Saturday kaya walang pasok.
Since first week pa lang ng pasukan ay wala pa namang masyadong ginagawa. Natapos ang week na 'yon nang puro briefing lang muna sa bawat subject, may ilan ring major subject na pina-alam na ang mga projects na kailangan ipasa before ang first grading period.




Since sabado nga. Oras na para maging labandera. Hindi naman kasi kami ganoon kayaman para ipa-laba ang mga damit namin. Tsaka ayokong ipahawak ang damit ko sa iba lalo na kung ibang tao. May nabasa kasi ako sa isang page sa facebook na after daw nila magpa-laba ay sunod-sunod na daw silang nagkakasakit sa balat. I think na-balita 'yon sa TV kaya ayon natakot na akong magpa-laba sa ibang tao kahit minsan gusto ni Mama.




Hindi ko mapigilan ang pag-kunot ng noo ko nang maramdaman na naman ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. I don't want to get paranoid pero kasi kahapon ko pa nararamdaman na para bang may naka-masid sa bawat galaw ko.
Ayoko namang mag-assume na lang ng basta pero don't you think it's kinda creepy? Baka mamaya niyan may stalker na pala ako.




Sinusubukan ko rin namang hulihin ang kung sino mang nagmamay-ari ng matang naka-masid sa akin. Pero wala akong makitang ibang tao bukod sa akin. Imposible namang sila Mama 'yon kasi ako lang ang nandito sa labas at nasa loob sila, busy sa panonood ng TV. Bonding na rin kasi namin ang panonood eh.
Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan na lang ang kung sino mang damuho ang nakatingin sa akin.
As long as wala siyang ginagawang masama sa akin ay hindi ako kikilos.
Baka mamaya napa-daan lang or what.




"Cristina! Are you done? Pwedeng pasabay nitong mga damit ko?" Rinig kong sigaw ni Ate Larina sa akin mula sa itaas.
Hindi man ganoon kalaki ang bahay namin pero two storey house naman ito. Kuwarto lahat sa second floor, habang sala, dining area, kitchen and CR naman sa first floor kasama na rin itong laundry area sa likuran.




"In one condition! Ibigay mo na sa akin 'yang necklace mo!" Sigaw ko rin pabalik. Napa-ngiti naman ako habang ina-alala ang necklace niya na hindi niya magawang ibigay sa akin. Alam ko naman kung bakit ayaw niya pero gusto ko talagang ini-inis si Ate.
Every weekend lang kasi siya umuuwi sa bahay. May work na kasi siya somewhere in Taguig pero hindi ko alam kung saan exactly.
May apartment rin siya doon pero ni minsan ay hindi pa ako nakaka-punta doon.




"No way! Iba na lang hingin mo 'wag lang ito!" Sagot naman niya kaya napa-tawa na lang ako ng bahagya.




"Biro lang! Sige ibaba mo na lang dito Ate." Sagot ko na lang. Rinig ko pa ang mahina niyang pag-mura.
Hindi pa rin niya talaga makuha ang trip ko, hindi niya alam kung kailan ko siya pinagti-tripan kaya advantage rin 'yon para sa akin HAHAHA.




THE MASTERSWhere stories live. Discover now