Dragon XL

1.4K 49 2
                                    

Ronalyn Carrascal's POV
(President of Student State and an Illusionist)

My heart thumped when we showed up in front of the closed doors of the throne room. May kahigpitan pa rin ang kapit sa akin ng dalawa kung kaya't pumiksi na ako dito at sinamaan sila ng tingin dahil kanina pa sila panay ang tawa.





"Nakita ninyo ba ang mga mukha nila noong lumitaw kami? HAHAHAHA grabe! Laptrip!" Sambit ng isa at humagalpak pa ng tawa.





"Tangina ng mga 'yon. Akala mo mga nakakita ng multo e." Segunda naman ng isa pa.




"Mas masahol pa kayo sa multo, baka nakakalimutan ninyo?" Puna ko naman sa kanila na kaagad na ikina-ngisi nila.





"Asuss, pasalamat ka pa nga dahil dumating kami kaagad doon. Kung hindi ay baka nasa likod ka na ng rehas ngayon." Sagot ng isa.




"Ang pagkakaroon ng connection sa mga katulad ninyo ay mas malala pa kaysa ang makulong doon." Salita ko na ikina-iling na lamang nila.





"Paano 'yan, nahuli na ang traydor sa lahi nila? Nawalan na tayo ng isang spy sa lungga ng mga mahihina." Balewalang sambit ng isa na ikina-irap ko na lamang.





Batid kong nanginginig pa rin ang mga binti ko dahil sa kaba kanina ngunit pinilit ko na itong binalewala dahil ayokong mapansin nila iyon at baka iba ang isipin nila. Muntik na. Muntikan na akong bumigay kanina. Kung hindi lamang dumating ang mga ito ay malamang nga ay nasa loob na ako ng masikip na rehas ng Palasyo.





I already expected that Philip will inform them about me right after he found us but pumutok na ang araw at nagawa na ng ilang Darknian ang pag-sira sa barrier ay doon pa lamang niya naisipang sabihin iyon. Ang nangyari kanina ay wala sa kaalaman ko. Hindi sa akin sinabi ng Hari na may gagawin silang hakbang.





Muntikan ko na rin silang hindi ma-back up-an dahil nagdalawang-isip ako kung makikisali ba ako o hindi dahil hindi naman nila sa akin sinabi ang plano nila. Gumalaw na lamang ako dahil nakita ako ng isa sa mga Darkniang tumatakas at tinawag ako kung kaya't I don't have a choice but to meddle with them and blocked the Knights that were capturing them.





Maagap rin namang nakarating ang dalawang ito kung kaya't nakatakas na sila nang tuluyan. I don't know if magpapa-salamat ba ako o maiinis dahil nakatakas sila at iniwan akong mag-isa kaharap ang mga Knights ng Academy.





"Pumasok ka na, naghihintay pa rin sa report mo ang Hari." Salita ng isa matapos ang ilang minutong pagbabalik tanaw nila sa nangyari kanina.





"Ano naman ang ibabalita ko sa kaniya? Lahat ng nalalaman ko ay batid kong alam na niya." Sagot ko naman at tinitigan ang nakasaradong pinto sa harap namin na binabantayan ng mga Knights rin.





"Hindi na namin problema 'yan Ronalyn. Bye-bye!" Salita naman ng isa at mabilis na kumaripas nang takbo papaalis habang hatak-hatak ang isa.

THE MASTERSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt