Dragon XXVI

1.6K 60 3
                                    


MASTER Jerald's POV

Arrgghh! Ang sakit-sakit ng katawan kooo!!! I need a full-body massage, please! I rest my aching body sa sofa at idinantay ang binti sa hita ni Cristina who's seating on this sofa too. She struggled and pushed my feet away that made me groan.



"Ang arte-arte mo! Para namang ang dami mong ginawa kanina!" Sigaw niya sa akin that made me raised my brows.



"Hoy bulinggit! Sa dami ng pinabuhat ninyo sa 'kin kanina nagtaka ka pa?! Ang bibigat pa ng mga iyon hoy!" Sigaw ko rin sa kaniya pabalik.



Paano ba naman kasi ay ako ang pinagbuhat nila ng mga sako-sakong na-ipon namin sa paglilinis sa buong garden kanina! It was so all damn heavy! Feeling ko mababali buto ko any minute. Rommel is sure was there pero he's responsible for digging a hole para mailibing namin ang mga basurang iyon. We can't burn them kasi kawawa ang ozone layer, baka tuluyan nang masira. Karamihan pa naman doon ay plastic and styros. Rose Ann told us that the Dragons got bored that's why naglaro sila sa garden to the point na nasisira na nila ang mga halaman at buong garden. Hindi ko lang alam kung paano niya nalaman iyon but who cares?



Napatigil ako sa pag-masahe sa katawan ko when I smell something mouth-watering and stomach filling aroma. We all looked at the kitchen's direction dahil doon iyon nanggagaling. Based on the aroma ay Adobo ang niluluto but it somewhat different than usual.
"Is she cooking right now? As in?" Tanong ni Ate Catherine.



"Dapat lang Ate Catherine! Hindi niya tayo tinulungan sa paglilinis sa labas oi!" Sagot naman ni Cristina at nag-unat-unat ng katawan.



"I bet it's so damn briny again just like before. I'm not ready for a kidney transplant." Kumento ni Rommel while crouching. Napailing-iling ako, if she heard what he just said ay malamang hindi ito makakakain ngayong gabi. That girl is so damn moody! Baka nga may bipolar disorder na 'yon e.



"Don't worry, you'll not gonna eat dinner today." We all stiffened when we heard Rose Ann's voice that seems normal but it's not! Napatingin kami sa pinto ng dining area slash kitchen na rin and there we saw her leaning on the wall while holding a ladle. O-oh!



"Tama ka diyan pinsan! Hayaan mo silang magutom so let's go and eat!" Kaagad na salita ni Cristina and she walked towards Rose Ann and grab her papasok ulit ng dining area.



"Nooo!!! Ang magkapatid lang ang nagsabi n'on! I'm going to eat your mouth watering dish!" Kaagad na salita ko at binelatan ang mag-kapatid before following the two. Naabutan ko na silang nakaupo na sa table at nakahanda na rin ang pagkain kaya na-upo na rin ako at ngumiti sa kusinera namin ngayon. "Thank you for the food! Masarap 'to for sure." Sagot ko at inagaw ang sandok kay Cristina at nauna nang maglagay ng ulam sa plato ko.

THE MASTERSWhere stories live. Discover now