Dragon XLVIII

1.2K 42 3
                                    

Third Person's POV

Mabilis kumalat ang balitang nadakip ang isa sa mga Masters na tinitingala ng lahat upang maging kanilang tagapag-tanggol mula sa mga kalaban. Hindi maiwasan ng iba na madismaya dahil sa balitang ito, pinapakita lamang kasi nito na hindi pa handang lumaban ng mga Masters. Ang tanging hiling na lamang ng ilan ay sana walang mangyaring masama rito.




Abala na rin ang mga Knights sa paghahanda at pag-e-ensayo para sa nalalapit na paglusob sa mga kalaban. Sinusubaybayan rin naman ito ng Heneral ng mga kawal na si Azul sa utos ng Prinsesa Amber. Maging ang mga studyante ng Dranair Academy ay nakahanda ring tumulong kung kaya't makikitang halos lahat ng studyante ay nasa training area ng Academy upang magsanay pa lalo. Pinahintulutan naman ito ng Reyna ngunit kailangan may permiso ng mga magulang dahil hindi biro ang kahaharapin nila.




"Focus!" Sigaw ni Professor Christian habang pinagmamasdan ang mga studyante sa pagsasanay at ito'y ginagabayan.




Hindi na rin magkamayaw sa pagpunas ng pawis si Philip dahil sa walang tigil na pag-e-ensayo. Naka-abang lamang sa isang tabi ang isang Healer upang kung sakaling atakihin ang Presidente ng Student State ay kaagad nito itong madadaluhan at malunasan kaagad. Matapos malaman ni Philip ang nangyari kay Rose Ann ay walang atubili itong sumuong sa matinding training kahit pa mahirapan siya. Nais niyang mailigtas ang kaibigan kahit pa tila kabaliktaran ang mangyayari.




"Dumating na ba ang sulat galing sa Palasyo?" Tanong ni Headmaster Furukawa sa secretary nito na si Margaret.




"Wala pa pong dumadating, Headmaster. I'll inform you immediately kapag mayroon na." Sagot naman kaagad ni Margaret at napatango na lamang si Headmaster Furukawa.




"Magaling silang pumili ng madadakip, they know that Rose Ann is the least powerful Master kaya siya ang kinuha nila. That child is sure in danger kahit pa sinabi ni Andrew na ito ang mas nag-improve sa training nila." Sambit ni Headmaster Furukawa na ikinatahimik na lamang ni Margaret.




Sa kabilang dako, ang apat na Master na nakapasok sa loob ng pinto ay nahaharap na sa iba't-ibang pagsubok na naaayon sa kani-kanilang kapangyarihan. Kailangan lamang nilang mahanap ang pinto palabas ng dimensiyong pinasukan nila upang maka-alis dito. Iba-iba ang kinakaharap nilang kalaban at sa kasamaang palad, hindi maaaring tumulong ang kanilang mga Dragons.




Si Jerald ay napunta sa isang lugar na puro alapaap, walang lupang pwedeng maapakan kung kaya't pinalipad niya ang sarili gamit ang hangin sa paligid. Katatapos niya pa lamang kalabanin ang isang Air Monster na gawa sa ulap kung kaya't nakaramdam siya ng pagod at nais munang magpa-hinga nang biglang may sumugod sa kaniyang hugis tao na hangin na kaagad niyang nailagan at pinatamaan ng kapangyarihan pero wala itong epekto sa kalaban dahil sa hangin ang bumubuo rito. Walang pag-aalinlangan na sinugod ito ni Jerald at winasiwas ang Air Sword na ginawa niya. Nagkis-kisan ang mga sandata nila, napangiti si Jerald nang makitang tanging Boomerang ang gamit nito na gawa rin sa hangin kaya kampante siyang siya ang mananalo sa laban nila. Sinipa niya ito pero tanging hangin lamang ang natatamaan niya at imbis na ito ang tumilapon ay siya pa ang tumitilapon dahil sa ganting sipa nito sa kaniya. Kaagad niyang sinalag ang Boomerang na papunta sa kaniya at 'agad din itong bumalik sa kalaban. Ipinagsawalang bahala ba lamang ni Jerald ang pagod na nararamdaman at mas itinuon na ang pansin sa kinakalaban.




Si Catherine naman ay kaharap ang isang napaka-laking pugita na halos kasing laki na ng nakalaban nila ni Andrew noong papunta pa lamang sila sa Land of Time. Naging madali sa kaniyang kalabanin ito dahil nasa ilalim sila ng dagat at dahil sa bigat nito ay mabagal ang mga galaw nito, samantalang siya ay mabilis ang kilos dahil para lamang siyang nasa lupa dahil hindi siya naaapektuhan at ni hindi man lamang nababasa ng tubig. Kinontrol ni Catherine ang tubig at ipinulupot ito sa mga galamay ng pugita kaya't hindi naka-kilos ang pugita at kaagad niyang nilapitan ito, sinaksak ng Water Sword ang dalawang mata dahilan ng paglabas ng dugo at pagbuga ng tinta nito. Hindi kaagad naiwasan ni Catherine ang tinta nito dahilan ng pagkati ng parteng nadikitan. Mukhang mahihirapan siyang kalabanin ito dahil sa delikadong tinta nito na wala sa Kraken na nakalaban niya. Mukhang mas mataas ang antas ng Kraken na kalaban niya ngayon dahil mula sa malayo ay may nararamdaman siyang mga paparating pa.




THE MASTERSWhere stories live. Discover now