Dragon LII

1.3K 49 0
                                    

MASTER Cristina's POV

Umikot ako at pasaksak na iniumang ang espada ko sa paparating na Darknian. Tumakbo rin ako at ginawang foothold ang pader para kumuha ng pwersa upang maitulak ang katawan ko papunta sa dalawang Darknian na papasugod dapat kay Ate Catherine.





Napalingon siya sa akin and mouthed 'thank you'. Napalingon naman ako sa itaas nang sumigaw ang Dragon ko dahil sa mga umuulang palaso na papatama sa amin kaya I immediately create a barrier na gawa sa lupa't dahon, ganoon din ang ginawa ni Ate Catherine pero sa kaniya ay gawa sa tubig kaya walang tumama sa aming mga palaso.





Lumapit kaagad sa akin si Ate Catherine.
"Okay ka lang?"





"Naman! Ako pa?" Maangas na sabi ko. Napatawa naman siya at mabilis na may pinatamaan sa likuran ko kaya napatingin ako at kalaban pala na sasaksakin dapat ako.





"That was close." Sambit ko kaya napatango naman siya.





"Catherine! Cristina!" Napalingon kami sa likuran nang may tumawag sa amin. It was our Protectors kasama si Andrew, John, at Aervin.





"Nasaan ang dalawa?" Tanong ni Levia pagka-lapit nila sa amin. She's referring to my brother and Rommel.





"Sinamahan ang Prinsesa sa loob." Sagot ko sabay turo sa Palasyo sa harapan namin.





"Good, tara sumunod na tayo." Sabi ni Andrew. Napatango naman kami kaya sinenyasan ko si Earth na nasa itaas lang namin kasama sina Water, Wind, at Fire na papasok kami kaya tumango naman siya at hinarangan ang dadaanan namin.





"Be careful Master!" Sabi ni Eartha.





"I will. You too." Sagot ko naman. Nag-growl lang siya at pinagtataboy na ang mga Darknian na nagtatangkang lumapit sa amin gamit ang buntot niya.





Malapit na kami sa pinto nang may biglang bumagsak sa harapan namin na Darknian na may hawak na pana kaya napatigil kami. May saksak siya sa likod dahil padapa siyang bumagsak sa mismong harapan namin. Tutuloy na sana kami nang may mga nagsibagsakan pa at pahanay iyon kaya napatingin kami sa itaas kung saan naka-pwesto ang mga archers nila. Doon nga sila nanggaling dahil kitang-kita namin dito ang isa-isang pagbagsak nila at puro sa likod ang tama nila.





"Who's that?" Takang tanong ni Levi, napakibit-balikat naman kami dahil hindi rin namin alam kung sino ang pumapatay sa kanila sa itaas.





Nang mahulog ang pinaka-huling darknian ay may nakita kaming sumilip mula sa itaas at... Teka? Si Rose Ann ba 'yon?!





"Holy cow! Is that Rose Ann!?!" Gulat na tanong ni Levia. Totoo nga! Si Rose Ann nga 'yon dahil kitang-kita namin mula dito ang buhok niyang pinaghalo ang kulay ng itim-puti! Just like what she changed into.

THE MASTERSWhere stories live. Discover now