Dragon XLII

1.3K 49 4
                                    

Minerva Graspela's POV
(Mother of Cristina and Jerald)

Kagad kaming napa-sugod sa Palasyo nang mabalitaan namin na nakarating na sa Land of Time ang mga anak namin. Kasalukuyan na nga kaming nakatunghay sa harap ng pond kung saan nakikita namin ang ginagawa nila Cristina na kasalukuyan na ngayong nagsisimula sa pagte-training.



Bilib ako sa tapang at pagpupursige nilang matuto kung kaya't hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko-namin dahil kahit mukhang pagod na sila ay panay pa rin ang tawanan nila at kantiyawan sa pangunguna ng anak kong si Jerald.



"Ang saya nilang panoorin, parang hindi humaharap sa matinding pagsasanay." Sambit ng Reyna kaya napatingin ako sa kaniya.



"Hindi na kataka-taka iyon dahil noon pa lamang ay ganiyan na ang mga 'yan, kahit mga problemado o 'di kaya'y mga busy sa school, hindi pa rin nawawala ang tawanan." Sagot ko naman.



"Nga pala, alam ninyo na ba?" Tanong ng Reyna.




"Ang alin po Queen?" Tanong ni Mama.



"Ang pamangkin ninyong si Ronalyn Carrascal na siyang Presidente ng Student State sa Dranair Academy, she's found guilty as the traitor." May bahid ng kalungkutan na sambit ni Queen Frina kaya napakunot ang noo ko.



"Anong ibig ninyong sabihin?" Tanong ni Marivic.



"Ang traydor sa lahi natin ay walang iba kun'di si Ronalyn Carrascal, nakatakas siya kasama ng dalawang Darknian kahapon kaya pinaghahanap na siya ngayon." Sagot ng Reyna.



"Paano nangyari iyon? Mabait na bata si Ronalyn." Sambit ko.



"Maybe she has a reason kaya nagawa niya 'yon at alam naman natin ang ugaling mayroon si Draco hindi ba?" Sagot ng Reyna. "Ang nakakaawa lamang ay sa murang edad ay nagawa na niya ang bagay na ito."

THE MASTERSWhere stories live. Discover now