Dragon XV

1.9K 64 8
                                    


Jerald's POV

Pansin kong naiinis na si Papa habang kalaban niya ang Darknian na gumaya kay Mama. I can say that she's good. Kahit ngayon ko lang nakita si Papa na makipag-laban ay alam ko at ramdam kong malakas siya. Kaya ng Darknian na ito makipag-sabayan sa kaniya. No wonder siya ang pinadala dito sa amin para kuhanin ang mga Dragons namin. Maybe she's one of the skilled warriors ng lahing Darknian.



But damn. Nasaan si Mama? Anong ginawa ng panget na 'to sa Mama namin?! Sabi niya ay 'she's just somewhere' pero saan 'yong somewhere na tinutukoy niya?
Kapag may nangyaring masama kay Mama ay ako mismo ang tatapos sa isang ito. I can control the air at isang pitik ko lang siguro ay mawawalan na nang hininga ang panget na ito.



Napatingin ako sa likod nang maramdaman ko ang pagbunggo ng kung ano man sa likod ko. Nakita kong si Cristina pala ang nasa likod ko at hawak niya ang Dragon Egg niya at inilalapag ito sa loob ng crib. Hinila ko kaagad ang kamay niya bago pa man niya mailapag ito.
"Anong ginagawa mo? Mas mabuti kung hawak mo lang iyan dahil ano mang oras ay baka lumabas na ang Dragon mo at hanapin ka!" Asik ko sa kaniya.



Nakita ko naman ang pagbalatay ng kaba sa mukha niya na ikina-kunot ng noo ko.
"Anong mukha 'yan?" Tanong ko.



"K-kuya." Tawag ni Cristina sa akin. Nag-aalangan pa niyang itinaas ang hawak na Dragon Egg at itinapat pa ito sa mukha ko. 
"Wala na itong laman kuya... nawawala ang Dragon ko." Naiiyak na sambit niya.



'Agad kong sinilip ang Dragon Egg niya at napa-mura na lang nang makitang wala na ngang laman ito. Tanging shell na lang ang hawak niya.
"What the heck Cristina! Nasaan ang Dragon mo at bakit bigla na lang nawala diyan?!" Asik ko sa kaniya na ikina-agaw ng atensyon ng lahat.



"Anong nangyayari diyan?!" Sigaw na tanong ni Papa sa amin. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakadapa na sa sahig ang Darknian habang apak-apak ni Papa ang likod nito at nakatutok sa leeg nito ang spear niya.



"Napisa na po ang Itlog pero nawawala ang Dragon!" Sagot ko at kita kong bahagyang napangiti sila Papa at kita ko namang mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng Darknian na ito.



"Ano?!" Galit na sigaw ng Darknian.
"Napatay ko na sana ang Dragon kung hindi mo lamang ako pinigilan! Sana'y nagsasaya na ang Hari namin ngayon, mga letche kayo!" Nanggagalaiting sigaw niya kay Papa at pilit na itinutulak ang paa ni Papa pero mas lalo lamang niya itong idinikdik sa sahig.



"Hindi ko hahayaang patayin mo ang Dragon ng anak ko Darknian! Ako muna bago ang Dragon!" Balik na sigaw rin dito ni Papa. I wanted to laugh because of his line that looks like an action star pero pinigilan ko na lang dahil this is not the right time for jokes.



"Magmadali kayo at hanapin ang Dragon. Kami na ang bahala dito at ako na rin ang magbabantay sa mga natitira pang Dragon Egg. Bilis!" Salita ni Tita Marivic at itinutulak na kami papalabas.



Wala na kaming nagawa kun'di ang kumaripas na nang takbo papalabas ng kwarto nila Rose Ann. Wait for a second... binalik ko ang tingin ko sa mga kasama ko at doon ko lang napansin na wala nga si Rose Ann sa grupo. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya, baka sakaling humiwalay lang. "Nasaan si Rose Ann?" Tanong ko sa mga kasama ko. Napahinto naman sila at nilibot rin ang paningin nila.



THE MASTERSWhere stories live. Discover now