Dragon XX

1.8K 50 0
                                    


Jerald's POV

*flashback*

*ssshhhh! Shhhh! "

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang ihip ng hangin. Ang lakas naman yata ng electric fan ko? Napadilat ako at dagli ring ipinikit ulit nang masilaw ako sa sinag ng araw. Nag-unat-unat pa muna ako ng katawan at binuksan ko ulit ang mata ko.



Hmmm. Ang ganda naman yata ng view. Mga ulap at asul na asul na kalangitan, kung ganito lang sana ang laging tatambad sa akin pagkagising ay gaganahan akong bumangon. HAHAHAHA napatingin naman ako sa higaan ko, ang lambot-lambot kasi parang pure cotton. Oii! Ulap ba ito? Naks! Kailan pa naging ulap ang higaan ko——? Napalaki ang mata ko at ipinikit ang mata. I blink many times, I even rub it pero hindi nga ako nagkakamali ng nakikita....



"ANONG GINAGAWA KO DITO?!" Gulat kong sigaw. Napa-atras naman ako at kamuntikan pang mahulog nang wala na pa lang ulap ang ina-atrasan ko. Napakapit ako nang mahigpit dito at pinilit na tinataas ang katawan ko pa-akyat ulit sa ulap na hinigaan ko!



Dumulas 'yong kamay ko kaya muntik na ulit akong makabitaw. I look down that made me regret after. I am fucking hanging on the clouds! All I can see is clouds and the blue sky. Wala akong makitang ni isang lupa sa ibaba! I want to vomit dahil nalulula na ako sa kinalalagyan ko.
Potangina. I am now afraid of heights! Simula noong mahulog ako sa cliff ay takot na ako sa matataas!



"Oh my gosh!! Tulooooooooong!!! Damn shiiiiit!!! Ayaw ko pa pong mamataaaaay!!!" Malakas na sigaw ko pero parang nag-echo lang ang boses ko. Ano nang gagawin ko?!
Ito na ba ang huling araw ko sa mundo?! Paano na iyong mga pangarap ko? Mawawala na lang ba iyon ng ganon-ganon na lang?!



"Oh shit!" Mura ko nang bigla na lang humangin nang malakas at muntik na akong makabitaw kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka-kapit ko sa ulap. Wala ba ditong tutulong sa akin?! Halos 10 minutes na akong naka-lambitin dito at ang sakit na ng braso ko! Any minute now ay mahuhulog na talaga ako kaya please!! "Tulong naman oh!!"




*shhhhh!*



At sa muling paghangin na iyon ay tuluyan na nga akong nakabitaw.
"Ahhhhhhh!!!" Sigaw ko na lang dahil wala na akong magagawa. Ito na yata talaga ang huling araw ko dito sa mundo kaya ipinikit ko na lang ang mata ko at nanalangin na sana hindi masyadong masakit ang pagkaka-bagsak ko para hindi masyadong masakit o kaya sa tubig na lang ako mahulog para kahit papaano ay nakaligo ako—ang baho ko na yata.



"....kailangan ninyong makabalik dito bago maupos ang kandila dahil kung hindi......hindi na kayo kailanman makakaalis doon...."



Napamulat ako ng mata nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa amin ni Lola. Then realization hits me. NASA PAGSUBOK NGA PALA AKO!
Bakit nakalimutan ko iyon?! Hindi ako pwedeng mamatay dito kung hindi ay hindi ko na ulit makikita sila Mama't Papa. Hindi na ako makaka-alis dito sa dimension na ito. I don't want to be stock in here! Hindi ko kaya!
Kailangan kong mapagtagumpayan ito.



"....Hayaan ninyong mga mga Puso't-Isip ang magdikta kung ano ang gagawin ninyo upang makaalis at makapasa sa pagsubok na iyon...."


Pumasok ulit iyon sa isipan ko kaya sinunod ko kaagad ito. Pinanatag ko ang isip ko at kinalma naman ang naghuhurumintadong puso ko. Hindi naman ako nahirapan dahil parang ang dali ko lang itong nagawa. Ang gaan na sa pakiramdam ng nararamdaman ko kaya hinayaan ko lang ito at nagpakalunod sa sarap ng pakiramdam.



THE MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon