Dragon VII

2.6K 82 0
                                    

Jerald's POV

Hey, What's up? What a beautiful day it is. Alam ninyo bang ang saya-saya ko ngayon? Why? Well, wala kasing pasok so it means! *drum rolls*

Movie time! Marathon na naman dizzz! Palakihan na naman ng eye bags ito at wala akong paki-alam dahil gwapo pa rin naman ako kahit magka-eye bags man. Madadaan lang 'yan sa tamang pormahan *smirk*



Tinungga ko muna ang natitira pang tubig sa mineral water na binili ko kanina. Kagagaling ko lang kasi sa pag-jogging. It's so nice to be physically fit, nararamdaman ko na ang pamumuo ng abs ko!
Dagdag pogi points rin 'to sa mga chicks sa school. Total may napili na rin naman akong target kaya kailangan ko nang pag-igihan ang pagwo-workout ko.



Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko kaya agad akong napa-tingin dito. Shit baka may germs ang kamay ng damuhong tumapik sa akin! Ayokong magka-sakit!



"Tabi." Salita ng panget na tumapik sa broad shoulder ko.



Napa-taas kilay ko dahil sa sinabi niya. "Sorry? Bahay mo?"



"Oh bahay mo?" Taas kilay rin niyang tanong. Napa-tingin naman ako sa bahay namin sa harap ko at nabalik ang tingin sa kaniya.



"Sa parents ko ito so basically oo, bahay ko." Sagot ko. Napa-ngisi naman siya at tinabig ako papunta sa gilid. Taragis? Ang lakas talaga ng babaeng 'to.



"Sayo na nanggaling, sa parents mo ito so basically hindi sa iyo. Kaya tabi." Pagdidiin niya pa na nakapagpa-irap sa akin.



"Tsk. Nandito ka na naman. Tulungan mo na lang kaya si Lolang mag-gardening sa bahay ninyo!" Naka-ismid na pagbawi ko ng tulak sa kaniya.



"Bulag ka ba? Kita mo nang tapos na nga 'di ba? Ano pa gagawin ko doon?" Kunot-noong sagot niya at humakbang na sana papasok ng bahay namin. Kaagad ko namang hinila ang damit niya at nagpa-tiunang pumasok sa loob.



"Pamamahay 'to ng parents ko kaya ako ang mauunang pumasok sa loob." Salita ko at iniwan siyang napa-padyak sa inis. Napa-ngisi naman akong dumiretso sa taas para kumuha ng damit at maligo.



Nadaanan ko pa ang kwarto ng kapatid kong bulinggit pagka-labas ko ng banyo. Bahagya itong naka-bukas kaya nasilip ko ang dalawa na parehong nakatutok sa mga cellphones nila. Ginawa na talagang tambayan ang bahay namin ng walangyang 'to. Buti wala pa ang isa-------

THE MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon