Dragon XXX

1.9K 58 2
                                    


Melinda Graspela's POV

(The Grandmother of the Masters)


Abala ako sa paglilinis ng bahay ko nang bigla na lamang akong mawalan ng balanse kasabay nang paglamon sa akin ng liwanag. Naramdaman ko ring nag-iba ang anyo ng aking mga mata. Pangitain. May pangitain na naman. Isa-isa nang lumabas ang mga pangitan sa aking balintataw. Malalabo ito ngunit sapat na upang maintindihan ko.



Kaguluhan.


Sigawan ng mga tao.


Mga naka-itim at puting baluti.


Naglalaban-laban.


Mga ingay ng nagtatagpong mga sandata.


Batuhan ng mga mahika.


Liwanag.


Kadiliman.


Nagliliparang mga Dragon.


K-kamatayan.



Marahas akong napa-hinga nang malalim nang bumalik na ang lahat sa dati. Nanghihinang napa-upo ako sa sofa sa aking tabi at napahawak sa tapat ng aking puso na mabilis na tumitibok. Ang aking mga nakita. Iisa lamang ang ibig iparating nito. May paparating na digmaan at napakalaki nito! Ang mga apo ko. Kasali sila sa digmaang ito. Hindi. Nasa panganib ang mga apo ko!



Marahas na bumukas ang pinto ng aking bahay kasabay ng hangos na pagdating ng mga anak ko. "Ma! Anong nangyari sa 'yo?" Dagling tanong ni Gerry sa akin.



"Nakita kitang nawalan ng balanse habang naglilinis ka. Nakita ko rin ang pagputi ng mga mata mo, may pangitain ka na naman ba Ma?" Tanong naman ni Maximo matapos kong inumin ang tubig na iniabot niya.



"May....may digmaang paparating sa Dragonania." Sagot ko na ikina-atras nilang pareho dahil sa gulat.



"A-ano po? Baka nagkakamali ka lamang sa nakita mo Ma?" Pagtanggi ni Gerry sa akin kaya sinalubong ko ang mga mata niyang kababakasan na ng takot.



"Kahit kailan ay hindi pa ako nagkamali sa pag-intindi ng mga pangitain ko, alam ninyo 'yan." Seryong sambit ko na ikinatingin nila sa isa't-isa. Napasabunot sa sariling buhok si Gerry habang napakuyom naman ang parehong kamao ni Maximo.



"Kasali po ba sila sa mangyayaring digmaan?" Seryosong tanong ni Maximo, napaiwas naman akong tingin.

THE MASTERSOnde histórias criam vida. Descubra agora