Dragon XVI

1.9K 64 3
                                    


Master Cristina's POV

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin na nasa sala na pala kami. Ini-angat ko ang paningin ko at halos mapa-atras rin nang makitang lahat sila ay nakatingin na sa akin—I mean sa yakap-yakap ko. All of them has a smile of relief that is plastered on their faces, ang mga pinsan ko naman ay binigyan ako ng thumbs-up so I gave my most genuine smile at them. Nalipat ang tingin ko nang makitang naka-upo na si Mama sa tabi ni Papa at may maliliit na sugat sa mukha at braso niya. Nakangiti lang rin siya sa akin while looking so proud inspite of those bruises.



Tumikhim naman si Lola kaya na-agaw niya ang atensyon ng lahat.
"Nandito tayong lahat para pag-usapan ang mga nangyari habang wala ako dito." Seryosong salita ni Lola habang pormal na naka-upo.
"Simulan mo sa nangyari sa iyo Minerva." Utos niya kay Mama na siyang ikina-tango naman kaagad ni Mama at umayos na nang pagkaka-upo. She cleared her throat bago nag-simulang magsalita.



*flashback*

Minerva's POV

Nagising ako nang tumunog na ang alarm clock na nasa side table ng kama. Kinailangan kong mag-alarm clock 'lagi dahil tulog mantika rin ako. At kawawa naman ang mga anak ko kung hindi ko sila maipagluluto ng almusal nila bago pumasok ng school.
Inayos ko na ang sarili ko at bahagyang binuksan ang bintana para sana pumasok ang kaunting liwanag pero dahil alas-singko pa lamang ng umaga ay medyo madilim at mahamog pa ang paligid.


Tulog na tulog pa ang asawa ko kung kaya't inayos ko muna ang kumot niya bago dumiretso sa ibaba para simulan ang pagluluto. Ini-on ko muna ang radio para naman ganado ako sa pagluluto. Kahit parang tuod ang katawan ko ay hindi ko pa rin mapigilang mapa-indak sa saliw ng kanta. Iyon nga lamang ay hindi ko maintindihan ang lyrics dahil parang korean ito.


Abala na ako sa paghihiwa ng mga spices nang makarinig ako ng lagabog mula sa sala. Sa pagkakatanda ko ay wala naman sa loob ang alaga naming aso at hindi ko pa binubuksan ang pintuan. Pinili ko munang huwag pansinin iyon dahil baka kung ano lang. Ngunit na-ulit pa iyon ng dalawang beses at ang panghuli ay may kalakasan na.


Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib dahil sa nangyayari. Hindi ako naniniwala sa multo ngunit iyon ang naiisip kong dahilan ngayon. Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyong ginagamit ko sa paghihiwa. Pasimple ko na ring pinatay ang apoy sa kalan. Pinakiramdaman ko ang paligid pero 'agad akong napa-singhap nang isang humahagibis na patalim ang kamuntikan nang tumama sa ulo ko.


'Agad akong napa-harap sa likuran ko at nagulat sa nakita. Isang nilalang ang nakatayo sa mismong likuran ko. Nakasuot siya ng itim na talukbong at nakadikit ang katakot-takot na ngisi sa mukha nitong tila tuyong puno ng kahoy. Nangingitim rin ang paligid ng bibig at mata nito na hindi ikinawala ng mga itim na linya sa katawan.


"Darknian." Mahinang sambit ko nang makilala ang wangis nito.



"Magandang umaga." Sagot nito at walang ano-ano'y mabilis na sumugod sa akin. I managed to turn around kaya ang natamaan ng palakol niya ay ang lababo.

THE MASTERSWhere stories live. Discover now