Dragon XII

2.1K 63 0
                                    


Rose Ann's POV

I was dazzled by the light when I was able to open my eyes. The green ceiling was exposed in front of me so I realized I was in our room here at home.I tried to sit up but I immediately moaned and went back to lying down while feeling the body pain, I immediately looked at myself and was surprised because of the small bruises on my arm and I also felt the searing pain in my stomach.




"Gising ka na pala." Naagaw ang atensyon ko sa boses na nag-salita at alam kong pagmamay-ari ito ni Lola. Napatingin ako sa gilid at nandoon nga siya, nakaupo malapit sa bintana ng kwarto while looking at me.



"Ano pong nangyari sa akin Lola? Where did I got these bruises?" Takang tanong ko sa kaniya habang dahan-dahan nang umupo, napapangiwi na lang ako dahil sa pag-sakit ng tiyan ko. I can't recall anything dahil na rin siguro sa kagigising ko pa lang. 



"May nangyari sa inyong magpi-pinsan, nakasagupa ninyo ang mga Darknians at muntik ka nang makuha." Mahinahong sagot ni Lola which is very unusual sa kaniya dahil hindi siya nagtataas ng boses knowing na mukha akong nabug-bog.



"Darknians?" Mahinang sambit ko, it's kinda familiar kaya pinilit kong isipin ang mga nangyari.
Makalipas ang ilang minutong pag-iisip ay tila pelikulang bumalik sa alaala ko ang pangyayari. Nasiraan ang trike ni Kuya Jo habang papunta kami sa school. Naglakad kaming lima hanggang sa may nakasalubong kaming mga weirdong naka-suot ng cloak sa gitna ng arawan. They called themselves Darknians at pilit nila kaming sinasama, nagkasagutan pa kami dahilan ng pagka-inis nila sa amin kaya sapilitan nila kaming hinawakan. Someone made a portal at nauna akong ipasok doon.
Nanlaban ako sa dalawang may hawak sa akin kaya nakatanggap ako ng suntok sa sikmura, nagawa ko pang sipain ang pagitan ng hita ng isa kaya nakatanggap ulit ako ng suntok sa braso ko at isa pa ulit sa sikmura na ikinawalan ko ng malay.



Damn. Hindi ko akalain na ganoon pala kasakit ang masuntok sa sikmura! Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin!
"Naalala ko na po ang nangyari sa amin." Sambit ko na ikina-tango lang ni Lola. "Pero ano po bang pinagsasabi nila? Sila daw ang Darknians? Ano po ba ang Darknian? And what they want from us?" Dugtong ko pa.



Napa-hinga nang malalim si Lola.
"Totoong sila nga ang Darknians. Mga kampon ng kasamaan, kampon ni Haring Draco." Seryosong sagot ni Lola na ikina-kunot ng noo ko.



"Kampon ng kasamaan? Draco? Who's that Draco Lola? Ano ba talagang nangyayari?" Naguguluhan na ako sa nangyayari. Pumasok rin sa utak ko ang pag-uusap nila Lola na hindi ko sadyang marinig. May kinalaman ba ito sa inililihim nila sa amin? Pati iyong matanda na nakausap namin ni Cristina.



"Mamaya ko na iku-kwento, kumain ka na muna. Kailangan mo ng lakas." She said, tumango na lang ako dahil nagugutom na rin naman talaga ako.



Dahan-dahan ang naging pag-tayo ko because of this damn pain. Nagmumukha akong baldado! Mabuti na lang at ito lang ang nakuha ko sa dalawang 'yon. If I only knew how to use that karate or any kinds of self-defense edi sana hindi ako nahihirapan ngayon, tsk.
Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at inilagay iyong mga pinag-kainan ko sa lababo at pumunta sa sala. Ito naman kasing si Lola, alam nang napuruhan ako hindi man lang ako dinalhan ng pagkain sa kwarto. Pinalakad pa talaga ako hanggang kusina, hmmp! Napaka-caring talaga at ngayon nga ay naka-upo na naman sa tumba-tumba niya dito sa sala.



"Oh tapos ka na pala, maupo ka." Salita ni Lola kaya na-upo na lang ako sa isang stool na malapit sa kaniya.



"Magku-kwento na po ba kayo Lola?" Tanong ko sa kaniya. Napa-iling naman 'agad siya at umayos ng upo.



THE MASTERSWhere stories live. Discover now