Dragon XLV

1.3K 48 0
                                    

Queen Frina's POV
(Queen of Whitenians)

Hindi mapigil ang luha ko sa pag-patak habang kayakap ko si Ate. Hindi ko akalaing ngayon ko na siya muling makikita, hindi sa panaginip kun'di sa personal at isa lang ang masasabi ko, wala siyang pinag-bago maganda pa rin siya.



"Ate..." I called her once again, I really missed her kaya hindi pa rin ako kumakalas sa yakap ko sa kaniya. Gods! How I missed this sister of mine!



"Hahaha! Hey Frina, hindi na ako makahinga!" Natatawang sabi niya kaya kahit labag sa loob ko ay kumalas na ako sa yakap, bagkus ay hinawakan ko na lamang ang kamay niya. Ang init nito kaya talagang totoo siya at buhay!



"Ate, I miss you so much! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?!" Naiiyak kong tanong. Hindi nawawala ang ngiti niya sa akin kaya lalo akong naiiyak. She's always like that even before, she keeps on looking at me and keeps on smiling like crazy. Damn! I miss her so so much!



"The gods know how I missed you too. If it's just me, matagal na sana akong nagpakita sa 'yo pero hindi pa pwede. Ang mahalaga ngayon ay nakabalik na ako." She said that's why I immediately hug her that made her laugh.



"Where have you been all this time? Sa matagal na panahon bakit ngayon mo lang naisipang magpakita sa akin?! Alam mo bang hirap na hirap na akong gampanan ang bagay na dapat ikaw ang gumagawa? Naging mabait naman ako sa 'yo pero sakit sa ulo ang iniwan mo sa akin!" Angal ko, napahalakhak naman siya. How I miss Ate Amber's laugh.



"I did that to make you more knowledgeable about the happenings to our world. Puro ka kasi reklamo noong nabubuhay pa sila Mom and Dad and sa tingin ko natuto ka na rin naman dahil hmmm... based on your look now..." Sabi niya habang pina-iikutan niya ako kaya nakangusong sinusundan ko siya. "You're now a grown up woman Frina, I'm so happy and very proud of you." Maluha-luhang sambit niya kaya pumatak na naman ang luha na pinipigil ko kanina.



"Ate naman eh! Pinapaiyak mo na naman ako!" Maktol ko. Gods! Kung may makakita sa inaasal ko ngayon ay paniguradong mawawalan ng respeto ang mga iyon panigurado. Seeing their Queen acting like a kid is damn nakakahiya!



Halos mag-uumaga na nang matapos ang kwentuhan namin ni Ate Amber kaya ngayon ay papunta na kami sa kwarto ko para makapag-pahinga pa ng kaunti dahil base sa mukha ni Ate, mukhang pagod na rin siya. Pagkapasok namin ay kaagad na pabagsak na nahiga si Ate Amber sa higaan ko kaya dinaluhan ko siya at niyakap, namiss ko ito. Dati-rati'y halos gabi-gabi kaming magkatabi ni Ate sa kwarto niya, ganoon kasi kami kalapit sa isa't-isa.

THE MASTERSWhere stories live. Discover now