Dragon XIX

1.7K 60 0
                                    


Gerry's POV

Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaligtasan ng mga anak ko't pamangkin, lalo na kay Mama. Dahil sa dami ng Darknian na nandito ngayon ay hindi malabong hindi sila makapasok dito, lalo na ngayong pagod na kami. Kung alam lang sana ito ng mga nasa Palasyo ay tiyak na hindi sila mag-aatubiling tulungan kami, lalo na't involve dito ang mga Dragon. Mahalaga at importante sa lahing Whitenians ang mga Dragon.



"Minerva! May nakita akong pumuslit sa kabilang daanan mga lagpas-sampu, puntahan mo!" Rinig kong utos ni Maximo sa asawa ko kaya tiningnan ko siya at tinanguan. 'Agad na umalis si Minerva kaya hinarap ko ulit ang mga kalaban. Kasama nila Mama si Marivic dahil mas kailangan siya doon.



Napaharap ako sa gilid ko nang may biglang sumugod na may hawak na palakol at akmang ihahampas niya na ito sa akin. 'Agad akong nag-teleport papuntang likuran niya at kaagad na ginilitan ang leeg. Naging abo ito pagkatapos at sinunod ko naman ang nasa likod ni Maximo—abala siya sa pakikipag mano-mano kaya hindi niya iyon napansin.



Pinalipad ko lang ang spear ko na mabilis humagibis papunta sa Darknian na tumarak sa likod at bandang puso kaya 'agad itong naging abo. Nag-teleport ako doon at sinalo ang spear na mahuhulog na, bumalik 'agad ako sa dati kong pwesto nang makita kong dadaanan na ng mga kalaban kaya paglitaw ko sa gitna nila ay pinaikot ko ang katawan ko kasabay ang spear kaya tumama ito sa mga nakapalibot sa 'kin at 'agad silang naging abo.



Umayos ako nang tayo at sinugod ang mga nauna nang nakadaan kaya lumipat ako sa harap nila dahilan nang paghinto nila at pumorma, sabay-sabay silang sumugod sa akin nang nakapalibot kaya hinintay ko silang makalapit sa akin. Ilang senti-metro na lang ang layo nila sa akin nang nag-teleport ako paalis sa gitna. Napangisi ako nang makitang sila-sila rin ang nagkapatayan. Sumaboy ang maiitim na alikabok sa kalye na ikinapigil ko ng hininga.



"Gerry! Tulungan mo ako dito!" Rinig kong saklolo ni Maximo sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong pinalilibutan na siya ng mga Darknians at lagpas lima ito. Alam kong pagod na siya dahil mano-mano ang ginagawa niya.



"Ge-gerry! Tulungan mo ako! Ahh!" Rinig ko ring sigaw ng asawa ko kaya napatingin ako sa kabila at nakita ring sakal-sakal na siya ng isang babaeng kalaban at naka-angat pa ang paa nito sa lupa, pinalilibutan rin sila ng tatlo pang kalaban.



Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko na malaman kung sino ang uunahin ko, kung ang kapatid ko bang pinalilibutan ng kalaban o ang asawa kong sakal-sakal naman ng kalaban. Pumikit ako't pinakiramdaman ang sarili at inalis ang agam-agam sa aking isipan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay naramdaman kong tila bigla akong mas lumakas at pinalilibutan pa ako ng puting Aura.



"Full force na ito." Huli kong sabi bago nag-teleport at pagka-litaw ko ay dagli kong pinatid ang babaeng sumasakal sa asawa ko. 'Agad siya nitong nabitawan kaya hinigit ko ang braso niya nang akmang hahablutin na siya ng tatlo pang nakapalibot sa kaniya. Walang sabi-sabing lumipat ako kasabay si Minerva sa kung nasaan ako kanina at kaagad namang nag-teleport at lumitaw sa tabi ni Maximo.



Nagawa ko ito sa napakabilis na pangyayari. Nagulat pa nga si Maximo nang makitang nasa tabi na niya ako. Nginisian ko ito bago hinawakan ang balikat at nag-teleport kung nasaan ang asawa ko. 'Agad namang napangiti si Minerva at mabilis akong niyakap na sinuklian ko naman. Humarap kami sa mga kalaban na ngayo'y nakahanay na sa harapan namin at nakahandang sumugod.



"Bakit ka nag-full force? Alam mo namang mabilis kang mapapagod niyan?" nag-a-alalang tanong sa akin ni Maximo.



"Hayaan na, no choice na ako kanina." sagot ko na lang at humanda na upang sumugod.



THE MASTERSWhere stories live. Discover now