Chapter 1

96K 1.4K 129
                                    

REESE' POV

Kasama ang boy bestfriend ko na si Ryu ay nandito kami ngayon sa loob ng YG Academy. Kakatransfer ko lang mula sa Bataan dahil dito na kami titira ng pamilya ko. Kailangan naming lumipat sa Maynila dahil karamihan sa Clothing Business line nila Mom at Dad ay nandito. Sinama nila si Ryu sa Maynila at dito na rin siya mag-aaral ng college.

Hindi gusto ng mga kuya ko na sina Kuya Red at Kuya Reevo si Ryu bilang bestfriend ko at hindi ko alam kung bakit. Pumayag naman sina Tita Anjanette at Tito Ryuko na sa Maynila na lang pag-aralin si Ryu para daw may kasama ako at taga bantay sa Maynila. Palagi rin kasing wala ang parents ko dahil busy sila sa trabaho nila. Ang mga kuya ko naman ay may mga trabaho na rin.

Alam ko na pinagkakanulo na ako ng pamilya ko kay Ryu. Boto kasi sila dito dahil kababata ko siya at matagal na ring kakilala. Hanggang bestfriend lang naman ang turingan namin ni Ryu kaya kahit kailan ay hindi ako papayag sa aggreement ng pamilya niya at ng pamilya ko na ipapakasal kaming dalawa.

Ryu is a Half Japanese. Ang totoo niyang pangalan ay Ryusuke Hiroshi. Gwapo ito at certified heartthrob sa school namin sa Bataan. Maraming nag-aakala na boyfriend ko siya pero itinatanggi ko iyon palagi. Si Ryu naman ay walang sinasabi tungkol doon kaya akala talaga ng iba na kami na. Ayaw na lang niya siguro patulan pa ang mga iyon.

Habang naglalakad kami ni Ryu sa may hallway ng YGA ay ramdam ko ang mga titig sa amin ng mga estudyante ng YGA.

"Transferee ba sila? Ngayon ko sila nakita. Ang ganda at ang gwapo, no?"

"Oo nga! Lalo na 'yung guy. Mukhang anime character!"

"Yung girl naman mukhang korean na french. Nakaka insecure ang ganda!"

"Magjowa yata sila?"

Aapela na sana ako sa babaeng nagsabi nun nang hinawakan ako ni Ryu sa braso ko. "Hayaan mo na lang sila. There's no point of arguing with them."

"Pero, ayokong isipin nila na-" Hindi na ako pinatapos ni Ryu magsalita nang nauna na siyang maglakad.

Ganyan siya. Parang gusto niyang iniisip ng ibang tao na kami pero no way! Hanggang bestfriend lang talaga ang turing ko sa kanya.

"Ryu! Hintayin mo ako!" Sabi ko at hinabol ko siya.

Habang hinahabol ko si Ryu ay hindi ko namalayan na may taong nakabangga na pala ako.

"Sorry po!" Sabi ko habang nakayuko at sapu-sapo ang noo kong nabangga niya.

Tumingala ako para tignan kung sino ang nakabangga ko at napasinghap ako nang makita ko ang isang gwapo at matangkad na lalakeng nakatingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha at talagang nakatitig lang siya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at humingi ulit ng paumanhin.

"Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Nagbow na lang ako sa kanya at medyo nacoconcious ako dahil kanina pa yata siya nakatingin sa akin.

Akmang aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Next time, be careful and use your eyes, too." Malamig na sabi niya sa akin saka nagpamulsang naglakad na papaalis.

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya at napairap.

"Tsk! Gwapo nga pero ang sungit naman!"

Dahil nilambing ko na si Ryu at sinabi na mamayang gabi ay sabay kaming kakain ng dinner sa labas ay nagkabati na kami. Matampuhin talaga ang bestfriend ko na ito kaya kailangan niya pang suyuin. Pero kahit na ganon ay isa siyang napakabuting kaibigan para sa akin.

Mga bata pa lang kami ay siya na ang palaging kasama ko. Takot nga sa kanya ang iba kong manliligaw sa Bataan dahil masyado siyang overprotective at selfish pagdating sa akin. Okay lang naman iyon dahil wala pa naman akong balak magkaboyfriend. Siya nga ay wala pang girlfriend na ipinagtataka ko. Sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya at siya pa mismo ang nililigawan ay wala siyang kahit isa na in-entertain.

Bakla kaya ang bestfriend ko? Pero hindi naman siguro dahil nakikipagbugbugan pa nga siya minsan sa mga lalakeng nambabastos sa akin. Kaya nga parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

"So class, we have a new classmates here. Let's all welcome, Ms. Vereese Santillan and Ryusuke Hiroshi." Pagpapakilala sa amin ng bago naming Prof na si Professor Pablo sa mga magiging kaklase namin ni Ryu.

Binati naman kami ng mga bago naming kaklase at naririnig kong pinag-uusapan na nila kami.

"Ang ganda ng bagong classmate natin, tol!"

"Girl! Ang gwapo ni new classmate!"

"Oo nga. Mamaya kakausapin natin siya, ha?"

"Tangina! In love na yata ako kay Ms. Vereese."

"Gago! Baka boyfriend niya 'yang kasama niya kaya tumigil ka diyan!"

At marami pa akong naririnig na minabuti na lang namin ni Ryu na hindi pansinin. Masama nga ang titig ni Ryu sa mga lalakeng pinag-uusapan ako kaya napaiwas sila ng tingin sa akin.

Umupo na kaming dalawa sa upuan na in-assign sa amin at nagsimula nang magdiscuss ng lesson ang Prof namin.

Habang nagdidiscuss ng lesson si Prof Pablo ay biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin at pumasok ang isang lalakeng gwapo, matangkad at maputi. Naka earphone ito at nakasukbit ang backpack nito sa kaliwang braso niya at tila parang walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.

Siya 'yung taong nakabangga ko kanina! Si Mr. Sungit.

Nakita ko ang pagkamangha at pagkakilig ng mga kaklase kong babae kay Mr. Sungit habang ang mga lalake naman ay dinedma lang siya.

Naningkit ang mga mata ng Prof namin at lumapit kay Mr. Sungit saka inalis ang earphone nito sa tenga niya.

"Mr. Sky Avenido. You're late again!" Madiing sabi ni Prof Pablo.

Sky pala ang pangalan niya? Eh hindi naman bagay ang Sky sa kanya. Dapat Hell kasi ang sungit niya at pang Hell pa ang ugali niya!

Sky ignored Prof Pablo saka ito naglakad at umupo sa bandang likuran ko. Doon na lang kasi ang bakanteng upuan na mayroon.

Napansin naman niya ako at nginisian. What was that? Bigla tuloy akong kinilabutan sa ginawa niya.

Bumuntong-hininga lang ang Professor namin at nagpatuloy na ito sa pagdidiscuss niya.

Papabayaan niya lang iyon? Hindi man lang ba niya bibigyan ng punishment ang Sky na ito dahil nalate siya sa klase namin?

Mukhang napansin ng kaklase kong babae na katabi ko lang rin ang pagtataka ko sa ginawa ni Prof Pablo kaya naglean siya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"He's Sky Rivas Avenido. The only son of one of biggest stockholders here in YGA. The Consistent Top 1 Student. The handsome, mysterious, cold heartthrob and a Basketball Varsity Player here in YG Academy."

What?

Mukhang sikat pa yata siyang estudyante sa buong YGA. Sikat at matalino si Mr. Sungit!

---
Reese at the pic.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon