Chapter 37

16.6K 422 12
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ngayon ay magkaharap na ang dalawang pamilya sa presinto upang pag-usapan ang kasong isasampa ng mga Santillan laban kay Ryusuke Hiroshi tungkol sa tangka nitong pananamantala sa kasintahan niyang si Vereese Santillan. Umuwi pa galing ng Osaka, Japan ang ama ni Ryu na si Ryuko para lang harapin ang problema ng kanyang nag-iisang anak.

Kung umasta ngayon si Ryu sa harapan ng pamilya Santillan ay walang bahid ito ng pagkatakot na maaari nga siyang makulong nang panghabang-buhay. Alam niyang makapangyarihan ang pamilya nila at malulusutan niya ang problema niya. Panakot rin nila na aalis sila sa partnership ng pamilya nila Reese tungkol sa business nila kung itutuloy pa rin ng mga ito ang balak nilang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Kanina pa nagtitimpi sa galit ang ama at mga kapatid ni Reese sa nakangising si Ryu habang nakapalibot sa kanya ang kanyang ama't-ina na walang ibang ginawa kundi ang kunsintihin siya sa mga masasamang bagay na ginagawa niya.

"At may gana ka pa talagang ngumisi sa kabila ng mga ginawa mo kay Reese? Napakasama mo talaga kahit kailan!" Hindi mapigilang pag-imik ni Red na kanina pa nakatitig ng masama kay Ryu.

Ngumiti lang si Ryu at pinagkrus ang kanyang mga kamay. "I didn't do bad things to Reese. She's my girlfriend, remember? And what's wrong if we're going to make love? Ginusto niya rin naman na-"

Akmang susugurin na ni Red si Ryu dahil sa sinabi nito nang napigilan siya ni Reevo at ng kanyang ama.

"Calm down, Red. Huwag mo nang patulan ang mga pinagsasabi niya. All we have to do is to focuse on our case to him." Sabi ni Reevo na ikinakalma naman ni Red. He glared at Ryu once again at nanahimik na.

"Since alam niyo naman ang ginawa ng anak niyo sa anak namin ay itutuloy pa rin namin ang pagsampa ng kaso sa kanya." Sabi ni Mr. Ramon Santillan sa harap ng pamilya ni Ryu.

Nagtaas ng kilay ang ina ni Ryu na si Mrs. Anjanette sa sinabi ng ama ni Reese at binuksan nito ang hawak niyang gintong pamaypay.

"Magsasampa kayo ng kaso laban sa anak ko? Ano bang ebidensya ninyo sa ipinaparatang niyo kay Ryu? Besides, girlfriend naman niya si Reese kaya kung gawin man nila ang magtalik ay wala nang problema ang anak ko dun."

Umiling ang ina ni Reese na si Mrs. Aiko Santillan saka nito hinarap ang ina ni Ryu.

"My God, Anjanette! Kinukunsinti mo pa ang anak mo sa mga maling ginagawa niya? Anong klase kang ina? Ganyan ba talaga ang pagpapalaki mo sa anak mo? Kaya hindi na ako magtataka kung nagmana siya sa pagiging sinungaling mo!" Nagagalit nitong sabi at halos gusto nang sabunutan si Anjanette sa inis niya dito ngunit pinipigilan lang niya ang kanyang sarili na mag-eskandalo sa loob ng presinto.

Humalukipkip naman si Anjanette at umirap ito. "Eh magsasampa kasi kayo ng kaso na wala namang matibay na ebidensya. Sino ang witness? 'Yung Sky na boyfriend rin ng anak niyo? Wala kayong matibay na basehan sa ipinaparatang niyo kay Ryu."

"Hindi boyfriend ni Reese si Sky. Hahanap at hahanap kami ng ebidensya makulong lang ang anak niyo!" Pag-imik ng kanina pang tahimik na si Reevo.

Ngumisi lang ang ama ni Ryu na si Mr. Ryuko Hiroshi. "Huwag niyo na kaming kalabanin, Reevo dahil hinding-hindi kayo mananalo sa amin. Kung ganito rin naman pala ang gusto niyo edi sige, sampahan niyo na ng kaso si Ryu pero ibabagsak na rin namin ang investment namin sa business niyo at sigurado akong maghihirap kayo." Sabi nito.

Red almost want to punch Mr. Ryuko Hiroshi's face pero sabi nga ni Reevo ay kailangan niya lang maging kalmado. "Ibagsak niyo na kung ibabagsak niyo but we're going to make sure na mabubulok na sa kulungan ang anak niyo." Madiin nitong sabi.

Ryu smirk again. "Okay. Gawin niyo kung magagawa niyo akong mapakulong ng pang habangbuhay."

Nagtiim-bagang si Red at ngumisi rin ito. "Yes. We can do that, stupid. Be ready."

REESE' POV

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo? Hindi ka na ba nahihilo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Carlo.

Nandito ngayon sa ospital ang mga kateammates ni Sky sa basketball at si Ailah para dalawin ako pagkatapos nilang malaman ang nangyari sa akin.

Alalang-alala nga sila sa kalagayan ko at dinalhan pa nila ako ng mga pagkain at prutas para manumbalik raw ang lakas ko. They are all kind to me and I know that they are really a true friend.

Kumunot ang noo ni Sky sa mga tanong ni Carlo sa akin at inilayo siya mula sa akin. "You have so many questions. Can't you see that she's not totally okay? Please stop asking questions!" Sabi niya na tila naiinis.

Carlo pouted. "Nag-aalala lang naman ako sa kalagayan ni Reese, e."

Mas lalo pang sumimangot si Sky sa sinabi ni Carlo. "Why? Do you like her?" Malamig niyang pagkakasabi.

Natigilan naman si Carlo sa sinabi ni Sky at umiling ito. "H-hindi. Nag-aalala lang ako dahil kaibigan ko na siya." sabi niya. Mukha namang hindi naconvince si Sky sa sinabi ni Carlo at napailing na lang.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa nila Ailah, Jedus at Ivo. Naglean naman sa akin si Ivo at bumulong ito. "Crush ka ni Carlo kaya 'yan nagkakaganyan ngayon." Natahimik ako sa sinabi niya at namula.

"T-talaga?" I said. Ivo nodded.

"Mag-ingat ka lang dyan kay Carlo dahil chickboy 'yan." Sabi naman ni Jedus na nasa tabi lang ni Ivo.

Tumango nalang ako at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Ivo.

Carlo have a crush on me?

"Look at Sky, kanina pa parang hindi masaya na kasama natin si Carlo. Nagseselos yata." Nakangising sabi ni Ailah.

I look at Sky at para nga itong naiinis sa presensya ni Carlo na kanina pa pala nakatingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa ibang direksyon.

I already fell for Sky Avenido.

Aminin ko man o hindi pero tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya. Our feelings are now mutual pero natatakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil baka maulit na naman ang nangyari sa akin noon na kinuha kaagad ang kasiyahan na mayroon ako.

"Salamat pala sa pagdalaw niyo sa akin dito sa ospital. Kahit alam kong dapat ay nagpapahinga na kayo galing sa school ay nandito pa kayo at sinasamahan ako." I said and I smiled to them.

"Wala 'yon, Reese. Kaibigan ka na namin at may gusto sa'yo si Sky kaya maglalaan kami ng oras para sa'yo." Sabi naman ni Raven nang diretsahan.

Nagulat ako sa sinabi niya at namula habang si Sky naman ay umiling na lang at napahilot ito sa sentido niya. They all laugh except me, Sky and Carlo.

"Tsk!" I heard Carlo said pero hindi ko na iyon lang pinansin.

"Ang daldal talaga kahit kailan!" Rinig ko namang bulong ni Sky na narinig rin pala nila.

"Na inlove na talaga ang isang Sky Avenido kay Reese Santillan. It's a miracle!" Hiyaw ni Jedus na nakatikim naman ng death glare kay Sky. Natahimik ito kaagad pero hindi pa rin mawala-wala ang nakakalokong ngisi nito.

"Stop or I will kick you out in my team?" Pagbabanta ni Sky kay Jedus. Nawala naman bigla ang nakakalokong ngisi ni Jedus at tuluyan na talaga itong tumahimik.

"Hindi na po." Poker face nitong pagkakasabi at naging busy na sa phone niya. Sky rolled his eyes once again at bumaling ito sa akin.

"You need to rest now. I will take care of you for the rest of your staying here in the hospital." He said and he smiled to me.

My heart is beating faster again. I just nodded and smiled too.

"Okay, Sir." I said. He chuckled and patted my head.

"Very good, Ma'am."

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon