Chapter 33

17.7K 444 25
                                    

REESE' POV

Pagkatapos naming magshopping kasama ang dalawang lalakeng kanina pa center of attraction dito sa loob ng mall ay nagpahinga muna kami saglit at kumain sa isang restaurant dito pa rin sa loob ng mall.

Alam ko naman na hindi ako komportableng kasama si Sky dahil sa ibang klaseng mga titig niya at biglaang pagbabago ng ugali niya sa akin. Kanina sa loob ng shop ay hindi ko mapigilang kiligin sa ginawa niya.

Gumaan na lang bigla ang loob ko sa kanya at nakita ko ang isa sa mga side niya na hindi ko pa nakikita. He's acting like a possessive boyfriend to me.

Sa dami pa ng mga pinamili niyang damit sa akin ay sigurado ako na magtataka ang parents ko pati na rin ang mga kuya ko na mayroon akong dalang sangkatutak na t-shirt at jeans na hindi ko naman hilig suotin. Minsan lang ako magsuot ng ganon dahil mas komportable akong magsuot ng dress, skirts at short-shorts.

Ang isa kong ikinakabahala ay baka nalaman na ni Ryu na umalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kanya.

Sa mga sinabi kasi ni Kuya Reevo tungkol sa kanya ay posibilidad na totoo lahat ng iyon.

Hindi magandang ideya nga siguro na naging boyfriend ko kaagad siya.

Pati ba naman dito sa loob ng restaurant ay maraming tumitingin kina Sky at Jedus and mostly are girls but these two good-looking creature was only focusing their attention to me and Ailah.

Jedus obviously likes Ailah and Sky said that.. he loves me. Hindi ako makapaniwala na sa dinami-rami ng mga babaeng kasing level lang niya ay sa akin pa siya nagkagusto.

Pagkatapos naming umorder ay sinabi ni Sky na siya na raw ang magbabayad ng mga inorder namin at dahil mapilit siya ay siya na ang pinagbayad namin.

Sa paglustay pa lang ni Sky ng pera sa mga pinamili niya para sa akin ay baka barya-barya lang iyon sa kanya.

"Ikaw na talaga ang ubod ng yaman, Sky. Sana pala palagi ka na lang sumasama sa lakad namin ni Reese para may manlibre sa amin. Makakatipid pa kami sa allowance nito!" Tumatawang sabi Ailah na ikinangiti naman ni Jedus.

Napa facepalm na lang ako at binulungan si Ailah. "Tumigil ka nga diyan, Ailah. Nakakahiya." Suway ko.

Ngumiti naman si Sky saka ito tumingin ng mariin sa akin. "No problem, as long na para kay Reese then I want to deal with it."

Something in my chest was about to explode.

"Ang pag-ibig nga naman!" asar pa ni Jedus sa amin na ikinatawa lang ni Ailah.

Ang saya-saya yata ni Ailah ngayon? Nagkakagusto na kaya siya kay Jedus at hindi sa suplado at tahimik na si Niccolo?

Mas bet ko pa nga itong si Jedus kaysa kay Niccolo para sa kanya because I see how Jedus really like my friend hindi katulad ni Niccolo na binabaliwala lang ang effort ni Ailah para sa kanya. There is something wrong about that guy.

Nanahimik na rin sila nang dumating na ang mga inorder namin o ni Sky. Sa dami ba naman ng inorder ni Sky ay parang magpapakain lang siya ng mga Construction Workers.

Sa mahal pa ng mga pagkain dito sa restaurant sa tingin ko ay tubig lang ang kaya kong bilhin. Wala talaga siyang pakialam kung maubos man ang pera niya.

"Wow. May piyesta ba? Ang dami mo namang inorder, Sky!" Sabi ni Ailah at nagsimula na itong kumain.

"It's okay. Gusto ko lang na maraming kainin si Reese at baka damo lang ang kinakain niya. Look at her, she's too thin." Sky said at itinuro pa ako. Napakunot-noo kaming lahat dahil sa sinabi ni Sky.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon