Chapter 40

17.2K 385 18
                                    

REESE' POV

Lunes na at natapos na ang isang linggo kong pag-iistay sa ospital na pinagtatrabauhan ni Kuya Reevo. Maayos na ang kalagayan ko kaya pwede na akong pumasok sa school.

Kasama ko si Sky na nandito sa bahay namin ngayon. Maaga niya akong pinuntahan sa bahay namin at dahil wala sina Mom at Dad pati na rin si Kuya Reevo ay si Kuya Red lang ang kasama ko.

Seryoso lang ang tingin ni Kuya Red kay Sky na mukhang walang pakialam sa ipinapakita sa kanyang emosyon ng kuya ko.

"I don't trust any guys around Reese at hindi ibig sabihin na iniligtas mo ang kapatid ko mula sa baliw niyang bestfriend ay pagkakatiwalaan na kita katulad ng pagtitiwala sa'yo ng mga magulang namin at ni Kuya Reevo. Huwag kang magpakampante na makukuha mo rin ang loob ko. I know that you like my sister but I don't want a guy for her na inaako na kaagad na sa kanya na ang kapatid ko." Kuya Red said on his coldest tone of voice.

"Kuya-" Magsasalita pa sana ako nang bigla ng magsalita si Sky.

"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo kaagad ako pinagkakatiwalaan. I'm sorry rin kung sinabi ko noon sa inyo na girlfriend ko na si Reese and yes, I like your sister very much but I reassure to you na hindi ko siya sasaktan katulad nang ginawa sa kanya ni Ryu." he said. Tumingin ako kay Sky at mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya kay Kuya Red.

I blushed when he confess that he likes me. He's not even afraid if my brother will get mad at him because of what he said.

Sinabi rin niya na poprotektahan niya ako mula kay Ryu. Alam ko na magagawa niya iyon because he have so many ways.

He is Sky Avenido after all.

Napairap lang si Kuya Red sa sinabi ni Sky. "Tsk!" Then he walks out.

"Kakaiba talaga ang kapatid mo na 'yon." sabi ni Sky at tumawa ito nang mahina saka umupo sa couch namin.

Umupo rin ako sa tabi niya at nginitian siya. "Pasensya ka na kay Kuya Red. Ganon lang talaga 'yon." Sabi ko.

He nodded at inakbayan ako. Sa simpleng akbay lang niya sa akin ay para na akong nakukuryente sa kilig. Ano ba 'to!

"It's okay and besides, he's cool. I like your brother because he hates your crazy bestfriend so much." Then he chuckled.

Lihim na lang akong napangiti. Even his chuckle is so precious to hear. Ano pa ba ang maling katangian ni Sky? Lahat na yata ay nasa sa kanya. Gwapo, matangkad, matalino, active sa sports, intimidating, ina-admire ng lahat at ang pinaka the best ay mahal niya ako.

Wait.. Mahal niya ako? Oo nga pala, sinabi niya na sa akin na mahal niya ako and the feeling is mutual.

After that ay hinatid na niya ako sa YGA. When we entered inside the school ay pinagtitinginan kami ng lahat at ang iba pang mga estudyante ay tumakbo at lumapit sa amin nang makita nila kami ni Sky.

Literal na pinagkakaguluhan nila kami.

"Reese, okay ka na ba?"

"Mabuti at niligtas ka ni Kuya Sky."

"Mas bagay talaga kayo ni Sky kaysa sa Ryu na 'yon!"

"ReeSky for real!"

"Huwag ka na kay Ryu, Reese. Sa akin na lang siya kahit na baliw pa siya sa'yo!"

"Sky, ang sweet mo naman. You saved Reese life!"

"Bagay talaga ang ReeSky!"

At marami pa silang mga sinabi na hindi ko na halos maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon