Chapter 8

30.6K 726 59
                                    

SKY'S POV

"What brought you here, Sky? Parang ngayon ka lang yata napadpad ulit dito sa bar ko, ha?" Pambungad na tanong ng nag-iisang kaibigan ko na si Vince. Ang may-ari ng bar na pinuntahan ko.

Vince Steffano is 2 years older than me at graduated na siya sa YGA. Naging magkaibigan kami dahil sa pareho naming hilig na sports which is car racing.

Vince and I are always competing on that game pero sa huli ay ako pa rin ang nananalo. Hindi naman siya nagagalit na natatalo ko siya at namamangha pa nga ito dahil natatalo ko ang isang katulad niyang Professional race car driver. He's good in car racing pero mas magaling lang talaga ako sa kanya.

I ignore him instead at umupo na lang ako sa counter at umorder ng drinks. Napailing na lang siya at umupo sa tabi ko.

"Sanay na sanay na talaga ako sa'yo, bro!" He laughed.

Napailing na lang ako at diretsong ininom ang inorder kong drinks. I'm pissed right now. I confessed my feelings to that transferee and I offered a friendship too pero binaliwala niya lang iyon.

This is the first time that I felt this way tapos ganito pa ang mapapala ko? Damnit! Ano bang gusto ng Reese na iyon? Did she didn't knew that I'm Sky Avenido and I don't accept being defeated?

"Pero seryoso nga, may problema ka siguro kaya ka nandito." Nakangising sabi ni Vince at hinimas pa nito ang baba niya na parang nag-iisip.

Tinitigan ko lang ng mariin ang hawak kong baso at nagsalita na. "That transferee. She make me feel that I'm already obsess to her. Fuck! She also rejected me and I can't believe it!" I said then I clench my fist and jaw.

Napanganga naman si Vince sa sinabi ko at tinapik ng paulit-ulit ang balikat ko. "Teka.. did you mean na inlove ka na sa isang babae at binasted ka pa? Ikaw na si Mr. Perfect-smart-visual na si Sky Avenido ay binasted ng isang babae?" Gulat na gulat niyang sabi.

Hindi na lang ako umimik doon at patuloy pa rin sa pag-inom.

He laughed at uminom rin ng drinks niya. "Bago 'yon, ah? Sa dinami-rami ng nagkakandarapa sa'yo para maging boyfriend ka ay sa isang babaeng transferee ka lang pala babagsak at ang masaklap pa ay ayaw niya sa'yo. Ano nang gagawin mo niyan? Alam ko naman na hindi ka sanay na hindi mo nakukuha ang gusto mo."

Napaisip ako. Ano nga bang gagawin ko? Ayoko namang sa huli ay ako ang maging talunan. Hindi ako sanay na tinatanggihan at binabaliwala lang kaya humanda sa akin ang babaeng iyon.

I smirk. "Then I will make a game. A Dirty Game to be exact."

Kumunot ang noo ni Vince sa sinabi ko pero di kalaunan ay ngumisi lang rin siya at napailing. "Dadaanin mo rin pala sa dahas ang lahat katulad ng ginawa ko kay Serene para lang makuha ko siya?"

Serene Villaflor is Vince's girlfriend. She's my schoolmate na sobrang kinababaliwan ni Vince. Unluckily, Vince's girl doesn't like him pero gumawa ito ng paraan para lang mapasakanya si Serene. Vince drugged Serene at may nangyari sa kanila. Vince took a video of their love making at pinamblackmail niya iyon kay Serene na kapag hindi naging sila ay ikakalat niya ang video sa lahat.

This guy is a pure evil but I like to be his friend dahil pareho kaming mag-isip.

"Yeah, but with a twist. I will manipulate everything just to get her. Remember? I'm Sky and Sky gets whatever he wants."

REESE' POV

Lunes na naman at pasukan na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyayari sa akin. Sina Sky at Ryu ay nagconfessed sa akin na gusto nila ako. Sumasakit ang ulo ko sa kanila!

Idagdag pa 'yung Austin na nakilala ko sa parke. Kinulit niya ako nang kinulit na ibigay ko sa kanya ang number ko at sa huli ay binigay ko na lang para tigilan na niya ako.

Kakalipat ko lang dito sa Maynila pero ang dami nang mga nagpapasakit sa ulo ko!

Natapos na akong mag-ayos at kumain ng breakfast at ready na ready na akong pumasok. Pagkababa ko sa kwarto ko ay nakita ko ang traydor kong bestfriend na si Ryu na naka uniform na at nakaupo sa sofa habang nakasalamin ito at may binabasang diyaryo.

Ang akala ko ay pagkatapos ng mga nangyari noong sabado ay titigilan na niya ako at hindi papansinin dahil alam niyang galit ako sa kanya pero ang kapal talaga ng mukha niya na magpunta pa dito.

Mabilis akong bumaba mula sa hagdanan at hinarap siya. Napatigil naman siya sa pagbabasa niya at tumingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong.

Tumayo naman siya at yumuko. "I went here to say sorry. Alam kong nabigla ka sa mga confessions na sinabi ko sa'yo kahapon. I didn't think properly that time kaya kung anu-ano ang mga nasabi ko sa'yo kaya I'm sorry, Reese." paghingi niya ng tawad.

Nanatili naman akong tahimik at nagcross arms lang. Lumapit si Ryu sa akin then he look straightly to my eyes.

"I know na naging selfish ako at pumayag ako sa ideyang ipakasal tayo dahil gusto kita pero naisip ko lang na kung bestfriend lang ang tingin mo sa akin ay.. okay lang basta palagi ka lang nasa tabi ko at okay na sa akin 'yon. Ayoko na masira ang pagkakaibigan natin ng ilang taon nang dahil lang do'n. Mas mahalaga pa rin ang nararamdaman mo, Reese." He sincerely said. Napangiti naman ako at niyakap siya.

My bestfriend Ryu is back! Naiintindihan niya na ako. Siguro nga nasabi niya lang ang mga bagay na iyon dahil sa gusto niya ako pero mas importante pa rin talaga sa kanya ang nararamdaman ko.

Ang swerte ko talaga at naging kaibigan ko ang lalakeng ito.

"Okay lang, Ryu. Naiintindihan rin naman kita, e. Sorry kung hindi ko maibalik 'yang nararamdaman mo." Malungkot kong sabi. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako.

It's not a real smile, peke lang iyon at alam ko na kung bakit.

"Hindi na mahalaga 'yon, Reese. Ang importante ay maging masaya ka."

Hindi ko na napigilan pa at naiyak na ako.

Ang bait talaga ng bestfriend ko.

Dahil nagkaayos na kami ni Ryu ay sabay na kaming pumasok ng YGA. Pinagtitingan na naman kami ng mga estudyante at naiilang ako samantalang si Ryu naman ay binabaliwala lang sila.

Sanay naman kasi siyang nakakakuha ng atensyon sa ibang tao dahil nga sa gwapo siya, matangkad at mukha pang anime character.

Pagkapasok namin sa classroom ay marami nang mga kaklase namin ang nasa loob. Umupo na kami ni Ryu sa seats namin. Si Ailah naman ay binati ako ng Good Morning kaya binati ko rin siya.

Napansin ko naman na wala pa si Sky. Malamang ay nalate na naman iyon pumasok pero ang napansin ko lang sa kanya na kahit palagi siyang late sa klase ay alam na alam niya ang mga dinidiscuss na lessons ng mga Proffesors namin.

He's also active in our class at halos perfect niya lahat ang mga quizes at exams namin. Paano niya kaya nagagawa iyon? Sobrang talino pala talaga niya.

Ilang minuto lang ay dumating na ang Prof namin na si Prof Pablo at binati namin siya pagkatapos ay pinaupo na niya kami sa seats namin.

"So, class.. we have a new classmate here. Katulad rin siya nina Ms. Santillan at Mr. Hiroshi na galing sa ibang school. Let's all welcome, Mr. Austin Jimenez."

Mula sa bukas na pintuan ay may isang gwapo at matangkad na lalakeng pumasok sa loob ng classroom namin. Naghiyawan naman sa kilig ang mga kaklase kong babae habang ako naman ay parang hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Please introduce yourself, Mr. Jimenez." Prof Pablo said to him.

Ngumiti siya at nang mapadako ang tingin niya sa akin ay nginitian niya rin ako.

"I'm Austin Jimenez. Your new classmate for this semester. Its nice to meet you guys!"

Am I dreaming? Anong ginagawa ng Austin na iyan dito sa YGA?

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon