Chapter 21

21.1K 508 48
                                    

REESE' POV

Pagkagising ko ay naramdaman ko na lang na may yumayakap sa akin. Napangiti ako at naalala ko 'yung mga nangyari kagabi. Ang akala ko ay may mangyayari na sa amin ni Ryu pero dahil sa ginagalang at nirerespeto niya ako ay hindi niya ginawa ang bagay na iyon sa akin.

Why I am so lucky to have a bestfriend like him? or it's better to say na.. boyfriend ko? Yes. We have a relationship now. I gave him a chance to prove how much he loves me at sana ay matutunan ko rin siyang mahalin pabalik.

Hindi man siya ang nakauna sa akin ay sisiguraduhin kong siya na ang lalakeng mamahalin ko.

Bigla ay naalala ko na naman siya, ang lalakeng unang nagbigay ng tuwa at saya sa puso ko.

Si Warren.

Iwinaksi ko na siya sa aking isipan at bumaling na sa lalakeng bestfriend/boyfriend ko na.

"Good morning, girlfie!" Masayang bati ni Ryu at hinalikan niya ang pisngi ko.

"Girlfie? Ayan na ba ang endearment mo sa akin? Ano naman ang itatawag ko sa'yo? Boyfie?" Natatawa ko namang sabi.

Tumango naman siya. "Oo. Maganda naman 'yung tawagan na ganon, ah?" Nakalabi nitong sagot at sumiksik sa leeg ko. Nagpapabebe yata ang half hapon na 'to.

"Daig mo pa ang babae, Ryu. May tawagan ka nang ginawa sa ating dalawa e, kahapon lang naman naging tayo." I smiled and I pinch his cheeks.

I heard him chuckle under my neck pagkatapos ay humarap siya sa akin at tinitigan ako ng seryoso. "Thank you at pumayag ka na maging tayo, Reese. I'll promise you na hinding-hindi kita sasaktan."

But why do I have a feel that this is not right?

I still nodded. " I know."

Sabay na kaming pumasok ni Ryu sa YGA pagkatapos niya akong maihatid sa bahay namin mula sa condo unit niya. Pagkauwi ko kanina sa bahay ay wala nang tao maliban na lang sa mga maids namin. Siguro ay nasa kanya-kanya na namang trabaho ang parents ko at pati na rin ang mga kapatid ko. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanila na boyfriend ko na si Ryu.

Alam kong hindi tutol ang parents ko sa relasyon namin ni Ryu pero sina Kuya Red at Kuya Reevo ay alam kong tututol doon.

Sana ay matanggap na lang nila ang naging desisyon ko kung itinuturing pa nila akong kapatid.

Naglakad na kami papasok ng YGA. Ryu held my hand and he smiled at me. Kahit nahihiya ako at pinagtitinginan na kami ng mga estudyante ng YGA ay ngumiti na lang rin ako at hinayaan siya sa ginawa niya.

Ganito naman ang may relasyon kaya normal lang ito, hindi ba?

Naglalakad pa rin kami hanggang sa makasalubong namin si.. Austin.

Nagulat siya nang makita kami hanggang sa bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Ryu na magkahawak. Sumama ang tingin niya do'n saka siya bumaling sa akin nang nakangisi.

"So, pagkatapos mo pala kay Sky ay sa bestfriend mo naman? Pagkatapos niya, pwedeng ako naman?" Sarkastiko niyang pagkakasabi.

Napayuko ako. He's so rude at me. Baka sabihin niya pa kay Ryu ang tungkol sa amin ni Sky.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Ryu kay Austin at inakbayan ako.

Natawa lang si Austin at umiling siya. "Nevermind. Mas mabuti pang wala ka na lang alam." sabi niya at nginisian ako saka na ito naglakad papalayo.

Napahinga naman ako nang maluwag nang makaalis na siya.

Mabuti na lang at hindi sinabi ni Austin ang mga nalalaman niya sa amin ni Sky dahil sigurado akong masasaktan lang si Ryu doon.

"What does he mean, Reese? and what is he talking about?" Tanong ni Ryu sa akin.

"H-hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya. Kinukulit na naman kasi niya ako kaya kung anu-ano ang mga sinasabi niya." Sabi ko na lang.

Sorry Austin, pero ayoko lang na masaktan si Ryu sa oras na malaman niya na may nangyari na sa amin ni Sky.

Ryu clench his jaw and he possessively wraps his arm around my waist. "Tell me if he's bothering you again and I'll punch him straight to his face." May diin niyang pagkakasabi.

Tumango na lang ako kahit medyo natakot ako sa sinabi niya.

Why am I so afraid with Ryu's presence right now?

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga gumugulo sa isipan ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa classroom namin.

When we reached our classroom ay marami-rami nang mga kaklase namin ang nasa loob. They look shock nang makita nila kami ni Ryu na magkahawak ng kamay habang si Sky naman na himalang maagang nasa klase na namin ay nakatitig ng blangko sa amin but suddenly.. I saw an anger and hatred in his eyes.

Napalunok ako at kaagad umiwas ng tingin sa kanya. I'm trembling and afraid right now because of him lalo na sa mga pagbabanta at pananakot niya sa akin noon.

I know he can do more perilous and cruel move things based on what he have done to me.

Bumitaw na kami ni Ryu sa pagkakahawak niya sa kamay ko at umupo na sa upuan namin. Siniko naman akong bigla ni Ailah na katabi ko lang.

"Bakit may paholding-holding hands na kayo ni Ryu? Kayo na, no?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Nahihiya naman akong tumango. Nanlaki ang mga mata niya sa response ko at tumili siya ng mahina. Hininaan niya talaga ang boses niya dahil nakatingin ngayon sa amin ang ibang mga kaklase namin.

"Oh my! Kailan pa?" Gulat niyang tanong.

I sighed. "Kahapon lang."

Magtatanong pa sana si Ailah nang bigla nang dumating ang Professor namin. Umayos at nanahimik naman ang lahat dahil istrikto at masungit ang Professor namin.

"Good morning everyone, as your first activity in this month of June, we will be having a Camp tour."

Nagsipag-ingayan naman ang mga kaklase ko at mukhang naexcite ang mga ito dahil sa sinabi ni Ma'am Sonia na Professor namin.

"Eh Ma'am Sonia, saan po tayo magcacamping?" Tanong ng isang kaklase ko.

"In Batangas. I will divide you all into groups with 6 members. This camp tour will help you to find mysteries and unresolved problems regarding to our first lesson."

Natahimik na ulit ang mga kaklase ko nang mag rollcall na si Ma'am Sonia nang kung sinu-sino ang mga magkakagrupo sa camp tour namin.

"Rocky, Jayson, Ralph, Olga, Shane and Queenie for the first group."

Nagtayuan ang mga kaklase kong tinawag ni Ma'am Sonia at inabutan sila ng papel. "Sagutan niyo 'yang mga papel filled with a different questions na binigay ko sa inyo kapag nasa camp tour na tayo." she said. Tumango ang first group at hindi na umangal pa sa utos ng istriktong Professor namin.

"Ryle, Joshua, Hussain, Zia, Sua and Kaye for the second group." Tumayo rin ang second group at tinanggap ang papel na binigay ni Ma'am Sonia.

"And the third group is Austin, Sky, Ryusuke, Ailah, Lian and Reese."

What? Nananadya ba talaga 'tong si Ma'am?

Makakasama ko sa camp tour namin ang tatlong lalakeng involved ngayon sa buhay ko?

Patayin niyo na lang kaya ako?

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon