Chapter 10

28.7K 755 90
                                    

REESE' POV

Nang makita kong akmang susugurin na ni Ryu si Austin ay humarang na ako sa harapan niya at tinignan siya nang may pagsusumamo.

"Ryu, 'wag mo na siyang patulan. Mas lalo lang lalaki ang gulo kapag nag-away pa kayo dito." Nagmamakaawa kong sabi.

Ryu laugh sarcastically dahil sa sinabi ko. "Pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa akin na bestfriend mo? 'Di ba dapat ako ang kinakampihan mo?"

Napapikit na lang ako. He didn't get my point. Ayoko lang na magkasakitan pa silang dalawa nang dahil sa akin.

"Hindi naman sa ganon pero-" Bigla namang sumabat sa usapan namin si Austin.

"Bestfriend mo ba talaga siya, Reese? Bakit parang ayaw ka niyang palapitin sa mga lalake especially sa akin? Kanina lang kasi ay napapansin ko na kung todo siya makabantay sa'yo. Dinaig pa niya ang Knight in Shining Armor na boyfriend." At tumawa pa ito ng mapang-asar.

Hindi na nakapagpigil pa si Ryu at sinuntok na nito si Austin sa mukha. Napaupo naman si Austin sa sahig at hinawakan ang nagdudugo niyang labi.

Nagpanic na ako at mangiyak-ngiyak na niyakap si Ryu na nagpipigil ng galit at tila naghahabol ng hininga.

"Huwag na 'wag kang manghihimasok sa buhay namin ni Reese! Ako, matagal na niyang kilala. Eh ikaw? Bago ka pa lang sa buhay niya kaya 'wag kang umasta na parang marami kang alam!" Sigaw niya kay Austin at tinitigan ito ng masama. Tumingin lang rin si Austin sa kanya ng masama.

Hinila na ako ni Ryu papasok sa loob ng kotse niya. Kahit umiiyak ako ay hindi niya ako pinapansin. Nakikita ko na nagpipigil pa rin siya ng galit.

Napagitla pa ako sa gulat nang hinampas niya ng malakas ang manibela ng kotse niya.

"Gago siya! Wala siyang alam sa atin. Bwisit!" Nakatiim-bagang niyang sabi.

Nanginginig kong hinawakan ang kamay ni Ryu. His face became so soft nang dahil sa ginawa ko. Kapag ginagawa ko ito ay napapakalma ko siya.

Masama talagang magalit si Ryu kaya hindi ko siya ginagalit. Maikli lang kasi ang pasensya niya kahit na minsan ay tahimik siya at walang kibo.

"Tama na, Ryu. Please calm down..." Sabi ko at nginitian siya. Napatingin naman siya sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"I'm sorry. Hindi ko na talaga nakontrol ang sarili ko dahil sa pangungulit sa'yo ng Austin na 'yon. Sa totoo lang ay n-nag.." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya at umiwas ito ng tingin sa akin.

"Nag-?" Nakangiti kong tanong.

Narinig ko namang napamura siya ng mahina saka ito tumingin sa akin at bumuntong-hininga.

"Fine! Nagseselos ako dahil nilalapitan ka niya. Okay na ba?" Namula akong bigla sa sinabi niya at lumayo sa kanya ng kaunti.

Ewan ko, ngayon lang ako naapektuhan ng ganito kay Ryu. Siguro dahil alam ko nang may gusto siya sa akin kaya ako naman ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya.

Napangisi naman siya dahil sa naging reaksyon ko. "Kinilig ka, no? Uyy! Ang bestfriend ko kinikilig nang dahil sa akin." Pang-aasar niya at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

Umiwas ako sa ginagawa niya at hinampas siya sa dibdib niya. "Huwag mo nga akong asarin, Ryusuke. Nakakainis ka!" Naiinis kong sabi pero hindi ko maitago ang pagngiti ko.

Parang kanina lang ay hindi sila nagsapakan ni Austin sa mood niya ngayon, ah? Ngayon ay inaasar naman niya ako. Bipolar talaga itong si Ryu.

Tumawa naman siya ng malakas. "Gusto mo na ako niyan?"

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon